One of the good boys

151 6 2
                                    

Dani's POV:

Maaga akong nagising. Actually hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa tarantula na nakita ko kahapon. Yung daga matatanggap ko pa eh pero ung tarantula parang hindi ko magalaw katawan ko sa sobrang takot na baka pumunta sakin ung malaking gagamba na un.

Kung may phobia ka, maiintindihan mo ko. -____-

Sa sobrang aga ko sa school, halos wala pang nakabukas na ilaw sa mga corridor. Sa pwesto lang ni ate guard ang may ilaw.

5:30 am pa lang kasi.

Pumunta ako sa library. Tumambay ako sa bench dun at nilabas ko ang statistics book ko at gumawa ng homework. Buti na nga lang at isa lang ang homework namin kasi nakatulala lang ako kagabi sa dorm ko. Takot  na takot talaga ako.

Natapos ko agad ang homework ko. Sakto namang dumating na ang librarian namin. 

"Oh, miss Alcantara. Ang aga mo naman ngayon." gulat na sabi ni miss Cruz nung makita nya ako.

"Yes miss. May research po kasi akong hahanapin." sabi kong nakangiti. Pero ang totoo gusto ko lang talaga magtago. 

Tumayo na ko para sumunod kay miss Cruz. Bago pa ko makapasok sa library, nagvibrate ung phone ko sa pocket ng skirt ko.

From: Sab

Asan ka? Ok ka lang ba?

To: Sab

Bakit? Asa library ako.

From: Sab

Sige. Pupuntahan na lang kita jan.

Ano kayang meron?

Iniwan ko ang bag ko sa lobby ng library. Naglibot ako sa mga shelves. 

"Wow! Hindi ko alam na may magazine dito about architectural designs." 

Umupo ako sa floor at dun nagbasa.

Dati ko pa kasing gustong maging architect. Childhood dream ko un. Gusto ko kasing gumawa ng sarili naming bahay ni mama. Buti na nga lang ay magaling akong magdrawing at marunong naman sa math. Ang kulang na lang, school kung saan pwede akong maging scholar. May 2 years pa naman ako para mag-ipon. 

Sa paglipat ko ng isang page ng magazine na hawak ko,may nahulog na letter. Hindi sya nakaenvelope so madali kong nabasa ang letter.

The Bully Likes Me?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon