Dani's POV:
"Dani!"
Napalingon ako sa likod nung may sumigaw ng pangalan ko.
Si Sab pala.
Hindi ko sya pinansin. Ayoko syang madamay sa galit ni Lim sakin. Hindi nya kilala si Lim kaya kapag nadamay sa gulo ko, baka maging outcast sya sa school kagaya ko.
Binilisan ko ang lakad ko pero narinig kong tumatakbo din sya papalapit sakin kaya tumakbo ako papuntang classroom.
Pagkadating ko sa pinto ng room, as expected, lahat ang sama ng tingin sakin. Umupo agad ako sa upuan ko at inayos ko na ang gamit ko. Lumabas ako ng room para kunin ang ibang libro ko sa locker.
Pagbukas ko ng locker ko. May nakita akong papel na nakasiksik. Binuksan ko ang sulat.
I'll surely make you SUFFER, Dani Ballesteros.
"Ano yan?" biglang sumulpot si Sab sa likod ko.
Agad ko namang tinago ang sulat sa loob ng locker ko.
"Ah, wala. Basura lang un." sabi ko.
"Tinawag kita kanina. Bakit hindi mo ko pinansin?" tanong nya ng nakapamewang.
"Hindi ko kasi mahanap kung sino ung tumatawag sakin kanina. Akala ko nag-iimagine lang ako. Sorry."
"Ganun ba? Kung sabagay, ang daming estudyanteng kasabay ko kanina."
"Lika na. Pasok na tayo." alok ko
Pagpasok namin ng room, lalong sumama na naman ang tingin sakin ng mga tao. Pero hindi un nakita ni Sab dahil busy syang nag-ayos ng gamit nya.
Dumating ang teacher namin sa chemistry.
"Good morning miss."
"Good morning class. Dala ko ngayon ang result ng quiz nyo sakin kahapon. Tatlo ang highest sa inyo. Si miss Dani, Erika at Sab."
Napatingin ako kay Sab. Wow! Mukha ngang matalino din to. Ang cool naman nya. Hindi kasi sya mukhang nerd. Kung titignan mo kasi sa porma nya, walang bakas ng pagka-nerd eh. Nakapants na black, nakahood na grey, nakaskateboard shoes at nakapony tail lang. Wala pa syang make-up. Simple pero mukhang maangas.

BINABASA MO ANG
The Bully Likes Me?
De TodoNerd lang ako sa school namin pero nung nakilala ko si Lim, isa sa member ng pinakapopular na grupo sa school namin, nagkandagulo gulo na ang buhay ko. Eto na nga ata ang sinasabi nilang LIVING HELL... oh my gosh! Actually, hindi lang si Lim ang m...