Friends?

70 4 1
                                    

Maaga ulit akong pumasok sa school. Wala si Sab ngayon. May kelangan daw syang asikasuhin na family problem. 

Wala akong kasamang pumasok sa classroom. haaay!

Umupo ako sa favorite spot ko sa library. As usual, ako lang asa library. Masyado pa kasing maaga kaya wala pang pumupunta dito.

Naka-indian sit ako sa floor at may history book sa lap ko na nakabukas pero nakalimutan ko kung anong babasahin ko. Hindi ako makapaniwala na kaibigan na ako ni Lance.

Man-hater ako lalo na kung may masamang ginagawa sakin, parang si Lim. Pero si Lance kasi masyadong mabait. Wala naman akong dahilan para tarayan at hindi sya pansinin kasi ndi naman nya ako binu-bully tapos nakipagfriends pa sya sakin.

Baka naman trip lang nya un. Hindi talaga totoo un. Oo! Tama! Si Lance na member ng Maven, gusto akong maging kaibigan? Gugunaw na ba ang mundo? 

Eh baka naman mabait talaga si Lance tapos gusto nya talagang makipagkaibigan sakin. Anong masama dun? Oo nga naman. 

Pero hindi naman ako popular para maging friends kami. Hindi ako mayaman katulad nila. Kaya hindi kami magiging friends. Pinapagaan lang siguro nya  ung nararamdaman kong inis.Wag ka ngang umasa Dani! Isa ka lang nerd sa school na to.

Haaaay! Ano ba kasing pumasok sa isip ni Lance para kausapin ako at makipagkaibigan pa? 

"Grabe naman. Nerd na malandi." mahinang sabi ng isang babae sa likod ng shelf na sinasandalan ko.

"Oo nga teh. Akala ko papansing fangirl lang sya ni Lim. Ngayon pati si Lance nilalandi nya." sagot ng isa pang babae

"Sinabi mo pa teh. Nakakairita ung mukha nya."

"Hindi ko nga alam na taga-dito sa school natin ung DANI na un eh."

"Nerd nga kasi. Hindi naman sya popular. Famewhore bitch."

Narinig ko na silang naglakad papalayo. Natahimik ako. AKO? Famewhore? Wala naman silang alam ah. 

Tsaka pano nila nalaman yung samin ni Lance?

Nagvibrate ang phone ko. Galing sa unknown number.

In-open ko.

Picture namin ni Lance sa canteen nung tinulungan nya akong mag-alis ng poster. 

The Bully Likes Me?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon