Chapter TWO: Jin Zaya Kisaragi Yamaguchi

79 6 0
                                    

{YAMAGUCHI CLAN MANSION}       [12:18 AM]

>> Z A Y A

Nakamasid lamang ako sa labas ng bintana ng kotseng sinasakyan ko habang papasok ito sa loob ng Mansion ng aming pamilya.

Pagpasok pa lamang ng BMW ay mga nakahilirang Kobun na mga nakayuko o naka-bow bilang paggalang sa akin na anak ng isang Oyabun at Kumicho.

(H.EG Note: Ang KOBUN ay mga subordinates ng mga yakuza family, samantalang ang OYABUN ay ang boss o head family ng isang Clan kasama ang kabiyak nito na isang KUMICHO.)

Pagkatigil pa lang ng sasakyan ay bumaba na ko at hindi na hinintay pang pagbuksan ako dahil hindi ako pilay para pagbuksan pa ng pinto.

Pagkababang-pagkababa ko ay sinalubong ako nila ng pagbating may paggalang.

"WELCOME HOME, ZAYA HIME-DONO!"

Tinanguan ko lang sila at pumasok na ako sa loob ng malaking mansion sa harapan ko.

Tsk. Ang iingay talaga nila. Halatang mga nagkakasiyahan sa loob.

Nadatnan ko ang ibang Kyodai at Shatei na nagkakasiyahan, hindi man lamang nila napansin ang pagdating ko.

Humarap ako kay Kizune at kinausap siya.

"After they're done with their celebration, make them train nonstop unless i said stop."

Alam kong nagulat si Kizune sa sinabi ko pero agad naman siyang umoo.

"Yes, Young Mistress."

Nag-bow siya sa akin at kinuha ko iyon bilang senyas na maaari na kong tumungo sa aking kwarto.

Umakyat ako patungong silid ko ngunit nadaanan ko muna ang silis ni Dad at Mom.

Nakarinig ako ng mga ungol. Tsk! Hindi man lang sila nahiya. Kahit na soundproof ang kwarto dito sa Clan Mansion hindi pa rin nito matatalo ang malakas kong pandinig kahit na soundproof pa iyan.

Nailing ba lamang ako at dumiretso sa silid ko. Pagkabukas ko ay sumalubong sa akin ang bloody color queen size bed ko at ang itim kong kwarto na may halong puti kahit papano.

Kinuha ko ang Katanang dala ko at inilagay sa Collection Vault na pinaglalagyan ko ng iba ko pang mga Katana.

Tsk. Ang hirap talaga gumalaw kapag malagkit ka, tulad ngayon. Ang lagkit ko dahil sa mga dugong nakakalat sa buo kong katawan na hindi ko pinansin kanina habang patungo rito.

Mas maganda yatang maligo na muna ko at baka mangamoy malansa ako.

***

Nililinisan ko ang mga katana ko nang bigla akong makarinig ng katon sa pinto.

"Come in!"

Pagkatapos ko sabihin 'yan ay pumasok naman ang taong kumatok.
============================

O ayan na ang C2. Naku sana ok lang sa inyo.

If u like the story, vote and follow me po here in wattpad. Thanks.

~mh15

The Girl With The Red EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon