=Third person POV=
Araw ng Sabado. Alas-otso ng umaga. Nagmamadaling magbihis si Hunt dahil male-late na siya sa kaniyang pinagta-trabahuhan.
Matapos siyang magbihis, agad-agad siyang bumaba sa kanilang second floor ng bahay at doon nakita niya ang kaniyang Ina na naghahain ng umagahan.
"Ma. Aalis na po ako.."-pagpapaalam niya sa kaniyang Ina.
Nagtaka naman ang ginang sa sinabi ng kaniyang anak.
"Bakit aalis ka na ng maaga, anak?" -pagtatanong nito kay Hunt.
Lumapit si Hunt sa kaniyang Ina at hinalikan niya Ito sa noo.
"Male-late na ho kasi ako sa trabaho ko Ma.." -nakangiting saad ni Hunt sa Ina.
"Ganoon ba. O siya sige, pero kumain ka muna kahit konte." -naiintindihang saad ng ginang kay Hunt.
Tumango si Hunt bilang pagsang-ayon niya sa Ina.
Kumuha siya ng tatlong pandesal, ang isa ay sinalpak niya sa kaniyang bibig at ang dalawa naman ay nilagay niya sa bag habang nakaplastic.
Agad na nagpaalam si hunt sa Ina at dire-diretsong pumunta sa sakayan ng jeep.
Habang nasa jeep si Hunt ay tinignan niya ang kaniyang relo at nakita niya dito na 8:30 na, at ang Simula ng shift niya ay 8:50.
Inis siyang napa"tsk" dahil sa traffic.
Sa hindi inaasahan ay nagulantang ang lahat ng mga pasahero sa mga jeep at taxi, mga driver ng motor, ng mga tao sa kaniya kaniyang kotse at pati na rin ang mga taong naglalakad sa tabi-tabi, dahil sa sunod sunod na pagsabog.
BOOM!!
BOOM!!!
Lahat ng tao ay nagkagulo.
May mga sugatan dahil sa pagsabog ng dalawang granada.
Hindi alam ni Hunt kung ano ang dapat gawin sa mga oras na 'yon, kung tutulungan ba niya ang mga nasaktan o aalis na lang siya upang makaligtas.
Nagdesisyon na lamang siya na iligtas ang mga taong nasakta sa pagsabog. Nilapitan niya ang isang matandang babae na ngayon ay nagdurugo ang ulo at may isang basag na salaming nakatusok sa hita nito.
Bang! Bang! Bang!!
Bang! Bang! Bang!!!!
Sunod-sunod na putok ang pumailanlang sa paligid na animo'y may mga nagpapalitan ng putok ng baril.
Nakayokong ginagamot ni Hunt ang matandang babae.
"Nay ayos lang ho ba kayo?" -tanong niya sa matanda.
Kahit na nahihilo ang matanda ay nagawa pa rin nitong makapagsalita at ngumiti kay Hunt.
"A-ayos lamang ako iho. Iligtas mo na lamang ang buhay mo."
Iniling ni Hunt ang kaniyang ulo na nangangahulugang hindi siya pumapayag na pabayaan na lamang niya ang matanda.
"Hindi ko ho iyon magagawa. Ililigtas ko ho kayo." -nag-aalalang sabi niya sa matanda.
Ngumiti lamang ang matanda sa kaniya. Walang pag-aalinlangang binuhat niya ang matanda sa kaniyang likod.
Napayuko si Hunt ng makarinig siya ng isang Armalite.
Ratatatatatatatatat!!!!
Ano bang nangyayari dito?
Natanong na lamang ni Hunt ang sarili.
Ang mga sumunod na pangyayari ay hindi na niya kinaya pa. Nagtago na lamang siya sa gilid ng isang kotse kasama ng matanda na ngayon ay wala nang malay tao.
Sana may magligtas sa amin dito.
Hindi na pigilang saad ni Hunt sa kaniyang kalooban.
---
Sa isang banda, abalang pinupugutan ng ulo ni Hell ang mga kalabang nais siyang patayin.
They dared to kill me.--saad niya sa sarili.
Masamang masama ang kalooban ni Hell dahil may mga taong nadamay at namatay dahil lang sa nais ng mga kalaban niya na patayin siya.
Mabilis ang pagkilos ni Hell habang isa isa niyang pinapatay ang mga kaaway.
Hindi naman masundan ng mga kalaban ang mabilis na kilos ng taong kailangan nilang patayin. Para itong ninja na mahirap masundan.
Sunod-sunod na head shot ang ginawa ni Zagreb sa mga kalaban nilang dalawa ni Hell.
Nabubwiset si Zagreb sa mga oras na iyon dahil ang mga target ng kalaban nila ay walang iba kundi ang Empress ng kaniyang pinaglilingkurang Mafia.
Kaya kahit anong mangyari ay poprotektahan niya ang kanilang Empress.
Habang pinapatay ni Hell ang kaniyang mga kalaban ay may naramdaman siyang kakaiba.
Nahagilap ng kaniyang paningin ang isang bulto ng lalaking nagtatago sa gilid ng kotse habang tinitingnan nito ang kalagayan ng isang matanda.
Napasugod siya patungo sa kinalalagyan ng mga 'to ng makita niyang may dalawang kasapi ng kaniyang kalaban ang papalapit sa mga 'to.
Nang makalapit siya, walang pag-aalinlangang tinagpis niya ang ulo ng dalawang kalaban niya.
---
Samantala, gulat na nakatingin si Hunt sa babaeng nasa harapan niya at may mga bahid ng dugo ang katawan nito.
Hindi niya alam pero nakaramdam siya ng kakaiba habang seryoso itong nakatingin sa kaniyang mga Mata.
Kumabog ang puso niya habang nakatitig siya rito na animoy may anghel na bumaba sa langit.
A-anghel...-napipilang saad niya sa sarili.
A/N
Hanggang dyaan muna.👋😄✌