Chapter 9: Her house

36 4 2
                                    

Hunt's Pov

Langya. Bahay ba ang nasa harapan ko.? Kung oo. Aba matinde. Mayaman siya.

"Don't you want to go inside?"

Napatingin ako kay Hell nang sabihin niya yon.

Agad akong naglakad papasok para hindi ako masaraduhan ng enggrande niyang pinto. Kung pinto nga ba ang tawag doon.

Pagkapasok ko ay mas lalo akong napanganga, binati kami ng tatlumpong kasambahay at ng isang malaking chandelier sa gitna ng sala. Wow lang.

Matutuwa siguro si mama kung ganitong bahay ang maipaglilingkod ko sa kaniya.

Kaso wala. Pinanganak na kong mahirap kaya nga nagsusumikap ako para sa kaniya dahil gusto ko ng marangyang buhay para sa aking pinakamamahal na babae sa buhay ko. Si mama.

"Why are you sad?"

Napatingin ako sa harapan ko nang marinig ko ang boses ni Hell sa mismong harapan ng mukha ko.

Kanina pa ba siya dyaan.

Dug. Dug. Dug. Dug. Dug.

Takte puso. Anong nangyayari sa akin? Mangkukulam yata ang babaeng 'to.

"I'm piss off."

Napabaling pakanan ang ulo ko dahil sa sinabi niya. Kumbaga nagtaka ako.

"Bakit naman?"

"You piss me off."

Ano daw?! Ako? Naiinis siya dahil sa akin. Aba. Porket babae siya hindi ko na siya papatulan.

"I ask you a while ago but you didn't answered me."

Ah. Kaya naman pala.

"Oh. Sorry. Occupied lang utak ko dahil sa mama ko."

Tiningnan niya ko ng may malambot na tingin.

Lalo tuloy siyang gumanda.

"You want me to get her."

"What?"

Bakit ko naman gugustuhing dalhin niya dito si mama... Baka mamaya niyan ikapahamak pa ng nanay ko ang pagkuha niya sa kanya.

"Hindi na. Ok lang."

"Alright. Let's go. The doctors of my family needs to check you and the old woman with you."

Tumago lang ako. Sinundan ko na siya patungo sa sala. At roon malapit sa may sulok ay natagpuan kong ginagamot ng limang doktor si Aling Linda.

Umupo si Hell sa couch habang nakadi-kwatro.

Ganda niya talaga. Kaso sayang.

Tinawag niya ko kaya napatingin ako sa kaniya.

"Bakit?"

Inirapan niya ko.

"You know that it's rude to stare."

Napapahiyang tumingin ako sa ibang pwesto. Napansin pala niya ang pagtitig ko sa kaniya. Nakakahiya naman.

"I have a preposition to make."

"Ano naman yon?"

Seryoso niya akong tiningnan. Kinabahan naman ako dahil sa pagiging seryoso niya.

Hinintay ko ang sasabihin niya sa akin.

"Be my husband."

Napanganga ako sa sinabi niya. Seryoso ba talaga siya. Nababaliw na yata ang babaeng 'to.

"Nagbibiro ka ba?"

"Do you think i'm joking."

Seryoso lamang niya akong tiningnan. Napalunok tuloy ako.

Ganito ba talaga siya? Ano bang klaseng babae siya?

"B-bakit ako? M-maraming lalaki diyan sa tabi-tabi."

Tumayo siya at tumungo sa likuran ko.

Ayaw ko siyang tignan. Nakaka-intimidate ang bawat tingin na binibigay niya sa akin.

Napa-istatwa na lang ako nang bigla niya akong bulungan sa tenga.

Nagsitayun ang mga balahibo ko dahil sa ginawa niya.

Nakakainis. Hindi niya b alam ang epekto niya sa akin.

Ang sarap niyang... ARGH! BWISET!

"I don't anyone else but you, Mr. Salvatore. "

Lumayo siya at umupo muli sa kinauupuan niya kanina.

What an unfair world this is? She's too beautiful to be my soon to be wife, kung sakalin man.

"Now, my soon to be husband.. Deal or not."

Ano ba ang dapat kung isagot?

"A-anong benipisyo ang makukuha ko?"

Ngumisi siya sa sinabi ko.

"I will give you 5 million $ if you can be my husband in 5 months. If ever you agree, you have to sign a contract between us."

Kung sakali na magawa ko ang tungkulin kong maging asawa sa kaniya sa loob ng limang buwan at natapos ang kontrata ay makakatanggap ako ng limang milyong dolyar.

Sa perang matatanggap ko ay maipapagamot ko na si Mama at makakapagpapatayo ako ng isang negosyo na sasapat sa aming mag-ina.

Wala akong choice kundi ang pumayag. Bahala na.

Ang mahalaga ay maipagamot ko si Mama.

Walang pag-aalinlangang sumagot ako sa babaeng nasa harapan ko.

"I'm... I will be your husband for 5 months."

Ngumiti siya sa akin.

Tinawag niya ang isa sa mga tagasunod niya.

Lumapit naman ito at may iniabot na kung ano sa kaniya.

"Here. Read it and if ever you decided then sign it."

Nang tanggapin ko ito ay siya namang alis niya.

Wala akong nagawa kundi ang basahin na lamang ang kontrata mag-isa.

Magiging mabuti ba ang lagay ko sa poder niya o hindi..?

Ang diyos na lamang any bahala.

-----------------

I'm sorry sa mga nakabasa nito.

Kulang kasi ito kaya dinagdagan ko.

Ge. Vote and comment if u have time.

The Girl With The Red EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon