Chapter 11: Meeting his Mother

22 2 0
                                    

=Hell's Pov

Hmm. May kakaiba akong nararamdaman dahil sa ina ni Hunt.

Hindi ko lang alam kung dahil ba sa natatakot akong makilala ako ng ina niya o nahihiya lamang ako.

Kung si Hunt ang lalaking dapat kong pakasalan ay dapat kong makilala ang ina niya. Hindi ba?

Pero bakit ako kinakabahan?

"M'lady. We are already here."

Lalo pang nadagdagan ang pagkabalisa ko nang sabihin ng aking driver na naririto na kami sa tahanan ng lalaking pakakasalan ko.

Inipon ko ang lahat ng aking lakas at bumaba na ng sasakyan.

Ngayon ay nakatayo ako sa harapan ng isang maliit ngunit simpleng tahanan.

May 2nd floor ito at maraming tao sa paligid.

May mga tambay, tsismosa't tsismoso, mga bakla at kung sino pa ang nakatingin sa akin na animo'y ngayon lang nakakita ng isang babaeng tulad ko.

Naririning ko pa ang mga bulungan nila, kung bulong nga bang matatawag iyon.

"Ang ganda ni ateng ,day!"

"Grabe! Artista ba 'yan?!"

"Pare, may chika beb."

"Sarap siguro niyan."

"Yayamanin ang babaeng iyan."

"Sus. Ang panget naman nyan."

"Hoy! Anong panget, e ang ganda kaya!"

"Dyosa kamo."

Napa-iling na lamang ako sa mga pinagsasabi nila sa akin.

Ngunit kahit papaano ay may mga nagustuhan naman ako sa mga pinagsasabi nila sa akin hindi tulad ng dalawang tao na kayang kaya kong patayin dito kahit na maraming makakakita.

"M'lady. Are we not going to knock?"

Hindi ako sumagot sa tanong ng aking kasama na isang reaper.

Halata namang walang tao sa tahanang kinatatayuan ko sa aking harapan. Kaya hindi ako kumakatok.

Lumipas ang sampong minuto ngunit wala pa ring dumarating na tao sa tahanang sinadya ko.

At nagsisimula na akong mairita sa mga taong kanina pa akong pinagbubulungan at sinusuri.

Mga walang kwentang nilalang.

Hindi dapat sila binubuhay sa mundong 'to kung wala silang alam na gawin kundi ang magdaldalan.

Nakakainis. Dapat na siguro akong uma---

"Iha? May kailangan ka ba?"

Napatingin ako sa babaeng may edad na ngunit makikitaan pa rin ng kagandahan.

Tila ba napaatras ang mga salitang dapat ko sanang sabihin nang makita ko ang babaeng nasa gilid ko.

Nakangiti ito at may pagtatanong sa kaniyang mukha.

"Siguro ay hindi niya ako naiintindihan."

Ngumiti ako sa aking loob dahil sa sinabi nito.

"I can understand what you said."

Nagulat ito sa aking tinuran ngunit kalaunan ay ngumiti sa akin.

"Pasensya na, akala ko'y hindi mo ako naintindihan."

Ngumiti ako sa kaniya at nakarinig na lamang ako ng mga pagsinghap sa paligid pati ang kasama kong reaper at driver ay suminghap din.

Marahil dahil ngayon lamang nila ako nakitang ngumiti ng totoo.

The Girl With The Red EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon