Industrial Designer
"It's okay."
Binalingan ko ang aking gilid. Hindi ko alam kung bakit nandyan sya pero wala akong pakielam. Tinuon ko na lang ang pansin ko sa lalakeng kausap sa telepono. Siguro nga tama si Amethyst. Pagdating sa kanya, marupok ako. Konting sorry lang, okay na agad. "And by the way.."
"Uhh sorry I gotta go. I'll make it up to you next time. Bye." Namatay na ang linya bago pa man ako makapagsalita. Tinitigan ko ang cellphone hanggang sa mamatay ang ilaw nito at napabuntong hininga na lamang. Oh well... "I love you"
"Boyfriend mo?"
"Holy shit!"
Pakiramdam ko tumalon yung puso ko mula sa aking dibdib sa sobrang gulat. I almost forgot, nandito pala yung gagong to. Tinignan ko sya ng masama. "Ano naman sayo?" Angil ko sa kanya. Ang kapal talaga ng mga tao ngayon. Narinig ko ang tawa nya bago sya nagsalita.
"Look I'm sorry okay?" Tawa nya ulit. "Dare lang."
"Asshole."
Kinuha ko ang aking susi at nagtungo na kung saan ko pinark ang sasakyan ko. Itetext ko na lang si Amethyst pagkarating ko ng condo. Narinig ko ang yabag nya na sumusunod sa akin kaya naman binilisan ko pa ang lakad ko. He just grabbed my butt earlier tapos ngayon sinusundan nya ako. Medyo kabado na ako kaya naman hinarap ko na sya.
"Aalis ka o tatawag ako ng guard?" Hamon ko sa kanya. Napahawak sya sa kanyang noo at tumawa ulit. Kanina nya pa ako tinatawanan. May sira ba to sa ulo? Sinubukan nya pang humakbang papalapit pero umamba akong sisigaw. Gago to ah?
"Gusto ko lang naman mag sorry." Muntikan pa syang matumba dahil siguro sa kalasingan. Mukha syang tanga, idagdag mo pa yung pagtawa nya ng pagtawa. Hindi ko tuloy mapagilan na mapairap.
"Just... stay away."
-
Mabilis na lumipas ang mga araw. Naging sobrang busy ako dahil sa dami ng trabaho. May bago akong project na hinahawakan ngayon. Malapit na kasi ang pasukan at kanya kanyang pakulo ang mga eskwelahan sa mga ibibigay para sa mga mag eentrance exam sa kanila. Malakas din kasing panghatak ito ng mga estudyante pero this particular school is very extra! And also weird. Mukhang shaker na glass "water" bottle at pwede mo itong gawing wine glass at baso plus shot glass yung takip. Hindi ko alam kung kaninong idea ito pero work is work. Sana lang alam ng mga magulang kung saan napupunta yung pera nila.
Medyo mahirap gawin yung project na ito dahil mabusisi. Nakailang designs na rin kami kaso narereject ng narereject. Medyo masungit daw yung client kaya halos lahat ng staff ko ay ayaw ng umulit na makipagmeet sa kanya kaya naman ako na ang aasikaso mamaya.
"Cora nakaready na ba yung product?" Tanong ko sa aking assistant.
"Yes, maam! All good na po."
Nagtouch up lang ako konti para naman magmukha akong presentable. Sana talaga magustuhan na ng client yung current design para naman makausad na kami.
Inagahan ko talagang dumating sa resto na pagmemeetingan namin para naman walang masabi yung client. Gusto ko talagang maging okay na ito para sa akin na mapunta yung project sa isang malaking fastfood chain abroad.
Sumimsim ako sa aking tubig tyaka naman inayos ang pencil skirt ko. I hate wearing one kasi nasisikipan ako pero kapag nakikipagmeeting ako sa client, ito ang sinusuot ko dahil mukha akong pormal at propesyonal.
"Ms. Reyes."
Napabaling ako sa aking harapan kung saan nanggaling ang boses. I was about to say na assistant ko yun kung hindi lamang ako nagulat kung sino sya.
"Wow! The brokenhearted girl."
The asshole.
Hindi ko ineexpect na magkikita pa kami ulit... lalo na sa ganitong sitwasyon. Ngayon alam ko na kung bakit ganun yung idea ng project na ito. Gago talaga. Pinigilan ko na lamang ang sarili ko na mapairap. This is work. I need to contain myself.
"So I have here with me yung bagong design. Sinunod namin yung mga sinabi mo from the previous one." Inabot ko sa kanya ang product at talaga namang iniwas kong magkadikit ang aming mga kamay. Napansin nya siguro iyon at hindi nakatakas sa akin ang ngisi nya.
"You designed this?" Tanong nya sa akin na may halong pagkamangha. Sanay akong humarap sa mga tao pero there is really something with the way he look at me. Para bang nababasa nya kung anuman ang nasa isip ko. Napatango na lamang ako bilang tugon.
"If that's the case, okay na ito." Sabi nya na parang hindi manlang pinag isipan. Gusto kong sabihin sa kanya na icheck nya muna yung product ng maayos. Hindi nya pa nga tinatry or what.
"You look constipated. Is there a problem." Tanong nya sa akin. Sobrang naconsious tuloy ako sa itsura ko pero mas nanaig ang inis ko sa kanya. "You didn't even checked it sir." Sabi ko na may halong iritasyon.
"Oh, is there a need? Hindi ka ba sigurado sa gawa mo?" Balik nya sa akin na may kasama pang tawa.
I snapped.
"Ayoko lang na magkaproblema tayo while on process na yung pag gawa sir dahil lang bigla mong hindi magugustuhan yung design. Kaya might as well, inspect it now."
Tumawa sya. Kinuha nya ulit iyon at nagkunyaring iniinspeksyon pero maya't maya naman ang pagsulyap sa akin. Alam ko ang ganitong mga style. Sa ibang pagkakataon ay advantage ito, pero ngayon ay tila ba naiirita ako.
"I change my mind. Pag iisipan ko muna. Give me your number and I'll text you when and where."
Pinanliitan ko sya ng mata pero agad ko din namang binigay ang calling card ko ng maalalang kailangan kong matapos na ang project na ito.
"Put it on my phone instead, baka mawala ko pa yan." Sabi nya sabay abot ng kanyang cellphone. Tinipa ko naman ang number ko dun at pinangalanan kong Industrial Designer.