Kabanata 3

121 7 1
                                    

Invitation



Hindi ako makatulog. Kanina pa ako paikot ikot sa kama pero di manlang ako dinadalaw ng antok. He texted a while ago at mag meet daw kami tomorrow morning. He even asked me kung san ako nakatira para makapili sya ng place na mas malapit sa akin. Syempre hindi ko sinabi. My company is paying for my gas kaya okay lang kung saan nya gustong makipagmeet. Okay lang na mapagod magdrive kaysa naman mabaliw kakaisip na baka may bigla na lang may kumatok sa unit ko tapos marape ako. Mukha pa namang pervert yung lalakeng yun. I wouldn't risk it.

Hindi ko alam kung anong oras ako nakatulog pero one thing is for sure. Mukha akong bangag. I put on extra make up compare to my usual look. Baka mamaya hindi na ako makapagpigil pag pati ang itsura ko ay pinansin nya. Wala pa namang filter yung bibig nun. Sa personality nya, hindi ko lubos maisip na nagtatrabaho sya sa isa sa pinakasikat na unibersidad sa bansa. Balita ko ang daming estudyante ang hirap pumasok dun pero kabaliktaran yata yun para sa mga empleyado. Mukhang hindi manlang nascreen ng maayos yung isang ito eh.

-

The meeting went okay. Pumayag na sya sa design at wala ng ibang naging kumento patungkol dito kaya naman labis kong ipinagtaka kung bakit kailangan nya pang magset ng panibagong meeting.

Busy ako sa pagtitipa sa aking laptop ng biglang tumunog ang aking telepono. Nang makita kong si Amethyst ang tumatawag ay sinagot ko ito.

"Nakatanggap ka ba ng invitation?" Panimula nya. Kumunot naman ang noo ko dahil sa kanyang sinabi. "Invitation para saan?" Rinig ko ang hagikgik mula sa kabilang linya. Tinignan ko ang patong patong na mga papel sa aking desk at baka sakaling maliwanagan ako.

"Birthday ni Toby. Kahapon pa ito dumating dito sa office pero ngayon ko lang kasi nabuksan. Let's shop later, after work?" Dahil sa sinabi ay agad akong napatayo at inisa isa ang mga papel. "Wait, my boss is here. I'll call you back." Agad na namatay ang tawag at pakiramdam ko ay kasabay din iyon ng puso ko. Wala akong nakitang invitation para sa birthday ni Toby. Yes we are friends pero hindi nga naman kami gaanong close. Damn I even left him the last time na magkasama kami.

Tumunog ulit ang cellphone ko. Agaran ko iyong sinagot sa pag aakalang si Amethyst ang tumatawag.

"Oh?"

"Hi, are you free today? Let's grab lunch. My treat." Ani ng isang baritong boses na pamilyar sa aking puso.

"Uhh Toby... y-yeah sure. Saan?" Tanong ko sa kanya sabay tingin ng mukha ko sa salamin. Is he asking me out for a date?! "Nasa office mo ako ngayon. No pressure. Tapusin mo muna yung ginagawa mo kung meron man. I can wait."

I have never been this excited for a lunch before! Well, this is not exactly our first time naman. Naglulunch out kami minsan with friends or paglunch break tapos nagkataon na nasa iisang resto kami. But this time kasi, sya mismo ang nagyaya. Ayokong bigyan agad ng kulay ang mga bagay bagay but this is definitely something!

Dahil wala naman talaga akong ginagawa, nag ayos na ako ng aking sarili. I want to look good, great rather!

"Hi sorry may tinapos lang ako." Well, tinapos ko lang naman yung pagmemake-up ko.

"No it's fine. Medyo maaga lang ako dumating kasi nagcheck ako ng site around the area." Naglakad kami papuntang elevator at dahil maaga pa nga, hindi pa lunch break, wala kaming kasabay. "Oh, bagong resto bar?" Pagtatanong ko kahit obvious naman na oo ang sagot. "Yup. Maganda yung area. Wanna check it out sometime?"

Oh my gosh! Hindi pa nga kami nagsisimula, may second date na agad? Parang kailangan ko ng tubig kasi biglang hindi ako makahinga. Pilit kong itinatago ang ngiti sa aking labi pero one thing is for sure, I'm blushing!

"Hey are you okay? You're turning red." Puna nya. Agad naman akong napahawak sa aking pisngi. I know that I'm blushing pero hindi ko inakalang mapapansin nya iyon. "Medyo mainit kasi dito sa elev." Palusot ko.

-

Kumain kami sa isang Chinese resto na malapit lang sa office. Hindi kasi ako pwedeng lumayo gaano dahil baka magkaroon ako ng biglaang meeting. He ordered quite a lot for the two of us pero I can't complain since sya naman daw ang magbabayad plus favorite ko kaya ang mga ito!

"Miss pwede ba humingi ng chili oil?" Sabi ni Toby sa waitress. "Sir sorry po pero wala po tayong chili oil ngayon." Sagot naman ng babae. Umakto si Toby na para bang nasaktan at humawak pa ito sa kanyang dibdib. "Yun pa naman ang dahilan kung bakit dito kami kumain." Natawa ang waitress sa ginawa't sinabi ni Toby. Nakatitig lang ako sa kanya habang nakangiti. Isa ito sa mga personalidad na gustong gusto ko sa kanya. "Sa susunod kong punta dito, may dagdag dapat ah?"

Damn this boy.

"You know what, nagluto ako kagabi ng chili oil." Paninimula ko ng umalis na ang waitress.

"Woah there. Now we're talking." Inayos nya ang kanyang relo at tumitig sa akin na tila ba nakuha ko na ang kanyang buong atensyon. "Bibigyan mo ba ako?" Sabi nya sabay nagpuppy eyes pa sa akin. "Aba oo naman! Ikaw pa ba eh malakas ka sa akin?" Sagot ko sabay tawa naman. Kung gusto mo Toby, malakas ka sa akin eh...

Day and NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon