Treasure Chest
Today is Toby's 28th birthday. Hindi ko alam kung kailan pa yung last time na nagpaparty sya ng birthday nya, maybe he does naman pero hindi ako invited. Medyo ipinagtataka ko nga rin. Anong meron sa 28? Buti sana kung 30.
I'm wearing a simple red party dress. Ayoko sana dahil hindi naman ako ang may birthday pero ito ang sinabi nya na suotin ko. I'm applying my last coat of mascara when my phone rang. It's Amethyst.
"You ruined my makeup." Bungad ko sa kanya habang sinusubukang ayusin ang nagkalat na mascara sa aking talukap. Medyo maingay ang background nya, siguro ay nasa bar na sya. "Nasaan ka na? May nakita akong gwapo." Medyo humina na ang tugtog kaya wari ko ay lumabas sya para magkarinigan kami.
Pinagmadali nya ako ng malamang nasa condo pa ako. Hindi raw ba ako nagbabasa ng invitation kasi nakalagay dun na nine ang start. Dun ko lang napagtanto na sa sobrang excitement na naramdaman ko nung araw na iyon, nakalimutan kong basahin talaga yung invitation. Usually din kasi, ten or eleven ang start ng mga ganito.
"How about the dress code?" Pagkumpirma nya sa akin.
"Toby told me about it. Don't worry. Paalis na ako, see you."
-
Nang makarating ako sa bar nya ay nakita kong hindi naman gaanong madami ang mga tao kumpara sa ineexpect ko. Nasa gitna na ako halos at hinahanap si Amethyst ng may mapansin ako. Nilibot ko ang tingin ko sa paligid. They are all wearing white!
Dahil sa suot ay napukaw ko ang tingin ng ilang mga bisita na naging dahilan na rin para makita ako ng aking bestfriend. "Toby told me about it." Mimicking what I've said earlier. Sinundan ko sya upang makapunta na sa aming lamesa. "For the record, he really did tell me to wear red."
As if it was deja vu, hindi ko na narinig ang ilan pang mga sinasabi ni Amethyst dahil may biglang nakapukaw sa aking atensyon.
But this time, It's not Toby.
"Mav!" Rinig kong tawag sa kanya ng isang lalake pagkatapos tapikin ang balikat nito. Tumango lamang sya roon habang patuloy sa pagsimsim sa kanyang whiskey... at pagtitig sa akin.
Unbelievable! Tumayo ako at nagpaalam sa kaibigan na hahanapin lamang si Toby upang batiin ito. Malakas ang kanyang naging hagikgik bago sabihin ang mga katagang... "Sige, batiin mo si Toby." Nanlaki ang mata ko sa kanyang sinabi. Agad akong napatingin sa paligid. Everyone is busy minding their own businesses. I don't think someone heard Amethyst's remark.
Nakita ko si Toby sa may bar table. Maraming kumakausap sa kanya pero sya ay tahimik lamang na umiinom at nakikinig. Babalik na sana ako sa lamesa at mamaya na lang babati dahil baka makaabala ako o kung anupaman ng mahagip ako ng kanyang paningin. Tinawag nya ang pangalan ko dahilan kung bakit pati ang mga kausap nya ay tumingin na din sa aking direksyon. Dahan dahan akong lumapit sa kanya. He's also wearing the same color that I'm wearing. Ramdam ko ang ilang titig sa akin. Nagtataka siguro sa aking kasuotan.
"Akala ko hindi ka na pupunta."
Pwede ba naman yun?
"Sorry medyo natraffic lang." Pagsisinungaling ko.
Ipinakilala nya ako sa mga kausap nya kanina at doon ko lang nalaman na mga kaibigan nya pala yun noong college. I am only familiar sa mga high school friends nya since nasa iisang school kami dati. He's three years ahead of me kaya naman noong magcollege sya ay grade 10 pa lamang ako. Balak ko sana syang sundan sa pinasukan nyang unibersidad ngunit hindi sila nag ooffer ng program na gusto ko.
Siguro ay hindi na nakatiis, someone from the group spoke. "Birthday mo rin?" Rinig ko ang mahinang pagtawa ng ilang naroroon. Tinikom ko ang aking mga labi.
"I asked her to wear red. Excuse us." Bumaba si Toby sa high chair bago hinigit ang aking palapulsuhan papalabas. Rinig ko ang bahagyang gulat sa iniwang grupo. Hindi ako sigurado kung may narinig akong umiyak pero agad din yung natabunan ng ingay mula sa mga nagsasayawang tao.
"I'm sorry about that."
"Hindi okay lang. Akala ko kasi totoo na pinagsusuot mo ako ng red." Nakayuko ako at hiyang hiya na. "Sorry h-hindi ko nabasa yung invitation."
Hinawakan nya ang aking baba at iniangat ang aking mukha paharap sa kanya. Nagtama ang mata naming dalawa. Pakiramdam ko tumigil bigla ang pagtibok ng aking puso. Sobrang lapit na ng mga labi namin. Dahan dahan akong pumikit at hinintay ang pagdapo ng kanyang labi sa akin.
Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero the next thing I know, nakasandal na ako sa pader habang may lalakeng nakasubsob sa aking dibdib. What. The. Fuck?! Agaran ko syang itinulak and to my surprise, it's the asshole.
"Gago ka ba?!" Kita ko na aamba na ng suntok si Toby kaya naman agad ko syang pinigilan. Kita ko sa mga mata nya ang nagpupuyos na galit. Mariin parin ang pagkaporma ng kanyang kamao kaya marahan ko iyong kinuha. "Wag. Okay lang ako." Pagsisigurado ko sa kanya. Kita ko ang paglambot ng kanyang ekspresyon. "Are you hurt?" Tanong nya sa akin. Napatingin sya sa aking dibdib ngunit agad ding umiwas.
Nakita kong namula sya. Akala ko dahil iyon sa kanina pero para akong naubusan ng dugo ng nalaman ko ang tunay na dahilan.
"Y-your..." kita ko ang paglunok nya. "Your chest is showing." Ani nya kasabay ang tugtog na Treasure ni Bruno Mars.