Kabanata 1

145 4 0
                                    

Sorry



Isa... dalawa... tatlo... tatlong oras na syang late.

Sa pagpikit ng mga mata ko ay nakatakas ang isang hulang kanina pa nagbabadya sa pagtulo. Ilang beses nya naman na itong nagawa sa akin pero bakit ba hindi ako masanay sanay? Agaran akong tumayo noong napansin kong lalapitan na naman ako nung waiter. Medyo puno na kasi itong resto kung nasaan ako at alam kong kanina pa nila ako gustong paalisin kung hindi lang dahil sa pagmamakaawa ko. Umasa ako eh. Umasang kahit late ay darating sya. Pero tatlong oras? Napangiti na lang ako ng mapait. Tatlo para I love you? More like tatlo for tangina... tang/i/na..

-

"Girl, I gotta say this. Tigilan mo na yun." I stared at her reflection dito sa aking kopita. She's so beautiful in that nude body hugging dress while I'm wearing a polo shirt and jeans.

Kanina pa ako pinagtitinginan ng mga tao dito. Prolly because of my look pero wala na akong pakielam. I came here to drink and not to seduce some stupid asshole. Lumagok ulit ako sa aking baso. Dumaloy ang init sa aking lalamunan mula sa likidong pamilyar na pamilyar sa aking sistema. Amethyst sat beside me at kinuha ang hawak hawak ko. Ayaw nya ng whiskey pero heto sya, pilit na iniinom ang tira kong Jim Beam.

"Enough alcohol for you tonight." Sabi nya kasabay pa ng ilang mga pangaral. I'm a year older than her pero when it comes to these things, pasado na syang lola ko. "Hindi kasi worth it yung taong ganun. Kung ayaw nya sayo then so be it. Nabuhay ka naman ng wala sya sa tabi mo." Hindi ko na napakinggan ang iba nya pang sinasabi dahil may biglang nakapukaw sa aking atensyon.

"Speaking of worth it, go talk to Toby!" Wika nya na agad nakapagpabalik sa akin sa wisyo. "Nah-uh" Umiling ako. "Come on, Fourth! Matagal mo ng crush yan diba?" Yes, she's right. High school pa lang yata ako crush ko na si Toby. Well sino ba naman ang hindi magkakacrush sa kanya? Matalino, musically inclined, sobrang mabait, artistic, family oriented, bonus na lang yung pagiging gwapo nya.

"Toby!"

Fuck, no.

Napatingin ako kay Amethyst at naabutan ko syang nakangiting aso sa akin. This silly bitch! Agad namang bumilis ang tibok ng puso ko ng makitang papalapit na sa amin si Toby. Magkaibigan naman kami but until now, ganito parin ang epekto nya sa akin.

"Hi"

Maingay sa loob ng club pero tila ba ang baritong boses nya lamang ang pinauunlakan ng aking tenga. Umupo sya sa lamesa namin at nakipagkwentuhan kay Amethyst habang ako ay tila ba nawala na sa wisyo dahil sa kakatitig sa kanya. "Powder room lang ako" Paalam ni Amethyst sabay tapik sa hita ko.

Shit. Nagkatinginan kami ni Toby. Kung ibang tao ito, paniguradong makakahanap ako kaagad ng mapag uusapan pero tila ba tinatraydor ako ng utak ko dahil ilang patay na segundo na ang lumipas at wala parin akong nasasabi.

"So..." panimula nya. Sakto naman at biglang tumunog ang cellphone ko. Kinalkal ko ang dala kong clutch at sumenyas kay Toby na lalabas ako para sagutin ang tawag. Tumango naman sya at tumayo pa upang bigyan ako ng daan. Dali dali akong naglakad palagpas sa dagat ng nagsasayawang tao and swear I felt someone grabbed my butt. Kung hindi lang ako nagmamadaling sagutin ang tawag na ito ay sinapak ko na sya. Nilingon ko ang lalake at itinaas ko ang aking gitnang darili. Wala talaga sa suot kung mababastos ka o hindi eh, nasa tao mismo. Nang makalagpas ako ng kaunti ay sinagot ko na ang tawag.

"I'm sorry..."

"I'm sorry!"

Day and NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon