Nikki's POV
Nagising ako. Pag tingin ko sa orasan, ang aga pa. ang aga ko namang nagising oh. Hay makikita ko na naman siya. Hindi na talaga ako makatulog. Pssh. Naalala ko may box pala siyang binigay sa akin. Kinuha ko sa table ko.
“Anu kaya to?” pero sabi niya buksan ko pag hindi na ko galit. Galit pa ko ehh. Pero pwede kayang silipin? Issh, nakakaasar talaga. Kaya hinayaan ko lang ulit sa table ko. maya maya may nag text sa akin.
“Good Morning Niks.”
Huh? Number lang? kanino naman to.
“Sino ka?”
Tanong ko. pero teka wag mong sabihing si Gian to.
“It’s me Gin.”
Well, hindi na ko nagulat don.
“San mo naman nakuha ang number ko?”
Tanong ko sa kanya. 5 minutes. Aba antagal mag reply ahh. 10 minutes na ahh. Pssh, nakakaasar. Baka, naligo na. 20 minutes na. katagal namang maligo nun. Baka hindi nabasa, i-resend ko na lang.
“Oi, san mo nakuha ang number ko?”
Nagulat ako ng biglang nag ring yung phone ko. Teka, number lang? sino naman to.
“Hello?”
“Miss me that much?” this voice. I know this voice.
“hoy, lalaki, kanino mo nakuha ang number ko?”
“hahaha, so you know it’s me?” nakakaasar tong lalaki na to.
“Nakakainis ka. Kung ayaw mong sabihin eh di wag.” Tapos in-end ko yung call.
“hay, nakakaasar ka. Pssh. May pa mysterious effect ka pa. bahala ka sa buhay mo” nakakaasar. Humiga na lang ako sa bed ko. Kanino kaya niya nakuha. May nag text ulit sa akin.
“I’ll fetch you later. I said it.”
Sa tingin mo madadaan ako sa pag sundo sundo mo na yan. hindi no. manigas ka jan. maaga na lang akong papasok. Gumayak na ko kumain na din.
“ang aga mo ata ngayon Nikki.” Tanong ni Mommy.
“ah, wala lang po, para naman po masanay na ako.” Sabi ko kay Mommy.
“sige po Mommy pasok na po ako.” Nag ba-bye na ako. Papasok na ko. hay, ang aga aga pa. lumabas na ako ng gate ng may biglang.
“Saan ka pupunta?” napahinto ako. Pag tingin ko sa likod. O_O
“Ba-ba-bakit ka andito?” nag lakad siya palapit sa akin.
“I told you I’ll fetch. At dahil alam ko na tatakasan mo maaga akong nag punta. Pag punta ko, tama nga ang hinala ko.” sabi niya then huminto siya sa harap ko. “You’re avoiding me Niks.” Sabi niya.
“N-n-no I’m not.” Sabi ko.
“Then why didn’t you wait for me?” sabi niya then he smirked. “See.” Then he became serious. “I’m making an effort here Niks. Sana naman mapansin mo ang effort ko.” napatingin ako sa kanya.
“sa tingin mo ba yang pag sundo at hatid mo sakin ehh okay na?” lumapit ako sa kanya. “you’re very wrong Gin.” Sabi ko then tumalikod na ako para mag lakad.
“Mahirap na talagang baguhin ang nakasanayan no?” sabi niya. huh? Napatingin ako sa kanya. Nakangiti siya?
“problema mo jan?” tanong ko.
BINABASA MO ANG
I Said It and That's Final (One Shot Story)
Teen FictionHe used to be my friend, my best friend, maybe more than that. But that incident changes it all. That scene, that conversation and that bet. And now that he's back, will it matter anymore? or not?