Chapter 4

14.6K 424 11
                                    

"Anak nang.." bulong ko sa sarili ko nang makapasok ako sa kwarto ni Nate.

Halos gusto ko nang pumatay ng tao nang makita kong tahimik siyang natutulog.

Parang mababaliw na ako kanina sa pag aalala at madaling madali tapos natutulog lang siya?

May pa-I need- I Need you pa siya. Sarap sabuyan ng malamig na tubig e. Mama mo I need you!

Bwiset, panira araw din eh no?

Lalabas na sana ako ng kwarto niya pero di ko maintindihan kung bakit dinadala ako ng sarili kong paa palapit sa Asawa ko.

Dahan dahan akong lumapit sa kanya.
Ang cute niyang matulog at di naghihilik.

Umupo ako sa tabi niya at tinitigan ito. Ngayon ko lang napansin na napaka pala ni Nate. Kaya pala crush na crush 'to ni Meg. Ba't kaya ngayon ko lang napansin?

Nakakumot lang siya na parang nilalamig. Eh ang lamig naman kasi. Nakabukas yata ang aircon.

Napangiti naman ako sa hitsura niya.

"Lolo ka talaga ,pinag alala mo ako, akala ko ano nang nangyare sayo." sabi ko saka tayo na at  talikod para lumabas ng kwarto niya.

"LOLO KO!!"

Sigaw ko nang maramdaman kong Hinawakan niya ang braso ko.

"Sam, kelangan kita ngayon." paanas niyang sabi.

Humarap ako sa kanya dahil naramdaman kong maiinit ang mga palad niya.

"Bakit?" sabi ko saka haplos sa noo niya.

"Hala! Ang taas ng lagnat mo Nate?! Dapat di mo na pinaalis si Jash para may nag alaga sayo!"

Umiling lang siya na parang bata. Ano ba naman 'tong si Jash! Masyadong gala! Di manlang chineck si Nate. Tsk.

"Wait kukuha lang ako ng Bimpo ha pati warm water, lintik talaga 'yang si Jash e." Akma na sana akong tatayo pero hinawakan niya ulit ang braso ko.

"Wag mo akong iwan." napahinto agad ako sa sinabi niya.

Oa ha, ano mamamatay? Kukuha lang ako ng bimbo kung maka acting 'tong gurang nato kala mo di ako sinisigawan lagi.

"Sandali lang kasi..." sabi ko saka alis sa kamay nya na nakahawak sa braso ko.

"May sasabihin ako..."
Napakunot noo ako. Anong sasabihin niya?
Mamamaalam na ba siya? Matindi na ba sakit niya?

"Nate! Di mo naman sinabi na malala na yang sakit mo! Alam kong matanda kana pero dapat nag sasabi ka kung may sakit ka!"

Nakita ko pang kumunot ang noo niya at halatang naiinis sakin.

"Sam, ano ba?! wala akong malalang sakit. Gusto lang na parusahan ka ngayon." sabi niya ng nakangisi.

Wow may sakit na nga may naisip pang kalokohan?

"B-bakit ka nakangisi?" kinakabahang tanong ko.

"Dito ka lang...." sabi niya saka hawak ng mahigpit sa braso ko.

Nate! Wag kang ganyan!

"Kadire ka !Ano ba? Bitawan mo'ko! Lalabas na ako!" sigaw ko habang inaalis ang kamay niya sa braso ko. Pero ang higpit talaga ng hawak niya.

Mas mabuti nang lumabas na lang. Kesa hintayin ko pang gawin ni Nate ang balak niya. Mahirap na. Di mo rin masasabi ang nasa isip nito.

Pilit parin akong kumakawala peri bigla niya akong binitawan. Dahilan para mapaupo ako sa sahig.

"Bughshhhh!!"

"Awwwwwwwww." Humawak hawak pa ako sa pwet ko dahil sa sakit. Narinig ko pang tumawa ang loko.

"Hahahaha! Ano ba Samantha!"

Nanliit ang mata ko habang pinapanood siyang natawa.

May sakit ba talaga 'to?

"Hoy ano ba Nate! Kala ko ba may sakit ka?" Sigaw ko sa harap niya.

Tumigil siya sa pagtawa at nagseryoso ang mukha.

"Oo nga, Kaya gusto ko alagaan mo muna ako ngayon at yun lang ang parusa mo. Madali lang yun."

Napangiti naman ako sa sinabi niya. Ayun lang pala ang parusa e. Walang kahirap-hirap.

Pero teka lang..

"Hoy pano pag iihi ka? Or magbibihis Wag mo sabihin sakin na sasama pa kita!"

Tumango tango lang siya.

"Ano! Ayaw ko nga! Wag nalang! Bastos ka talaga!" sabi ko sabay palo palo sa kanya.

"Sige, pag di ka pa tumigil ikaw talaga ang mag papalit ng damit ko at sasama sakin sa cr."

"Bakit wala ka bang kamay. Gamitin mo nga yan! Kainis ka!"

"Asawa mo naman ako ah, anong masama dun? Tsaka aalagaan mo nga ako diba?" Sabi pa niya.

" Sabi ko nga ... Asawa mo ako pero sa papel." bulong ko saka tumayo para kumuha ng bimpo sa baba.

Asawa asawa, katulong nga turing mo sakin. Nako wag ako Nate. Baka kalbuhin kita.

Nag init muna ako ng tubig at inilagay yun sa maliit na planggana at pinalamig ito unti.

Pagtapos ay umakyat na ako. Pero naabutan kong tulog na ito.

Bastos lang.

Inilapag ko nalang ang planggana sa tabi ko at sinimulan ang pagpupunas sa kanya.

Sa Noo, braso, paa at balik nanaman sa ulo. Hayss parang katulong na talaga ako. Ay hindi. Katulong pala talaga.

Nang medyo bumaba na ang lagnat niya, nakaramdam ako bigla ng antok kaya yumuko nalang ako sa gilid ng kama niya.

"Hindi mo pa talaga maiintindihan. " sabi ni Nate sakin .
Ano bang pinag sasabi niya?

Andito kami ngayon sa School at walang ibang tao kundi kaming dalawa lang .
Magkaharap lang kami at ako naman ay di makapagsalita. Parang naputol ang dila ko at di makapag react sa sinabi niya.

Lumingon ako sa kabilang banda. Nagulat ako dahil nakikita ko ang sarili ko na nakayakap ako kay Charles.  Yay! Bakit ba ganto?

"Hahahaha .. Pabayaan mo na Jash bakla talaga siya!" narinig ko ang sarili kong boses sa kabilang side kaya nilingon ko ito, kasama ko si Jash at inaasar namin ang isang lalaki na bakla. Hindi ko maaninag ang mukha niya dahil blurred ito.

What the ?!
"Bata kapa talaga, Kaya di mo maiintindihan." napatingin agad ako kay Nate.

Dahan dahan niyang nilapit ang mukha niya sakin at hinalikan ako sa noo.
Saka siya humawak sa kamay ko .
Parang nakaramdam ko na parang totoo na ang nangyayre. Parang totoong may humawak sa kamay ko.

"Kaya kahit anong mangyare, wag mo akong iiwan."

Naalimpungatan ako dahil sa narinig ko.
Nanigas ako sa kinauupuan ko dahil ramdam ko na hawak ni Nate ang kamay ko. Totoo nga. Totoong may humahawak sa akin.

Nakatulog pala ako sa gilid ng kama niya nang nakaupo.

"Bata ka pa. Kaya hindi mo pa maiintindihan"  sabi niya saka hinalikan ako sa noo.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Biglang bumilis ang tibok ng dibdib ko.

Bakit niya ako hinalikan? Ngayon niya lang to ginawa. Never niya oa akong hinalikan.

Hindi ko parin ipinahalata na gising ako. Pero bigla siyang bumitaw sa pag kakahawak sa kamay ko at tumayo. Naramdan ko na lumabas siya ng kwarto.

Binuksan ko ang mga mata ko at natulala. Napahawak din ako sa noo ko at mukha na nang iinit.

'Hinalikan niya ako'

~Dubdub~Dubdub~

My Professor-Slash-My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon