Nakatingin ako sa kanya ngayon ng masama. Sobrang sama. Yung tipong parang gusto ko na siyang lapain at kainin ng buhay dahil sobrang epal niya.
"Nate! Akala ko ba may ipapagawa ka?!" naiinis na sabi ko.
Pinatigil niya ang kiligayaha ko kanina sa baba dahil may iiutos daw siya at kailangan kong pumuntang faculty room, tapos ngayon ayaw mag salita.
"Kung ayaw mong mag salita, babalik na ako sa room." kinuha ko yung bag ko at akmang aalis na nang magsalita siya.
"Bakit ba gusto mo agad pumunta sa room niyo." mahinahon niyang tanong.
Naturingan ka pa namang teacher tapos di mo alam kung bakit gusto kong pumuntang room? Malamang may klase pa ako!
"Lah! Malamang may klase pa ako. Alangan naman hanggang mamaya nandito pa ako."
"Samantha, nagagalit ka ba dahil ---"
"Oo dahil istorbo ka." diretso kong sagot.
"Nagalit ka rin ba dahil hindi kita --"
"Hindi no! Kapal mo! Paasa ka lang."
naiinis na sabi ko.Natawa siya ng mahina.
"Sabi ko na eh. Sam, wala akong sinasabi na hindi kita bibigyan ng flowers, malelate lang."
Napatingin ako sa kanya at siya naman ay umiling iling na nakatingin sa akin.
"Anong sabi mo?" painosente kong tanong.
"Masyado kang atat alam mo yun? Pag nale-late yung ibibigay ko sayo, wag ka namang mag expect sa iba, wag mo agad hanapin sa iba."
Di ako nakapag salita sa mga pinag sasabi niya. Dahil parang nangongonsenya pa. Kasalanan ko bang di ka nagbigay ng bulaklak? Kung mag bibigay ka dapat kanina pa!
"Mauna ka sa parking lot, May pupuntahan tayo. May dadaanan lang ako sa saglit sa baba."sabi niya saka kindat.
Tignan mo 'to. Wala parin talaga yung bulaklak!
"See you later."
Lumabas na siya at naiwan ako sa loob. Hindi ko alam kung bakit napapangiti ako sa tuwing ngumingiti si Nate. Nakakahawa lang talaga siguro yung nga ngiti niya.
At sa mga oras na 'to, masaya na ako. Di ko lang sure kung sino ang dahilan. Kung si Nate ba o si Nikko. Basta parang lumulukso sa tuwa ang puso ko.
Palihim akong tumakbo papuntang parking lot at ayun, nag aantay na ang kotse niya. At naghihintay na rin siya. Usapan namin ako mauuna e.
Papasok na sana ako sa bandang likuran ng kotse, pero puno ng gamit ang upuan. Kaya tinignan ko siya ng masama.
Gwapo ka sana kaso burara ka. Tsk.
"Dito ka kasi sa tabi ko." sabi pa niya.
Inirapan ko nalang siya at sumunod nalang sa gusto niya.
Pagpasok ko ay di ko lang siya kinusap.
-
Huminto kami sa isang hotel dito sa Makati.
"Hotel ba to?"tanong ko sa kanya.
Minsan Sam, bobo ka rin pala no.
Agad naman siyang tumango.
"Ano gagawin natin dito?"
Ngumisi siya.
"Ano bang ginagawa ng mag asawa sa Hotel?"
"Ah .. Alam mo na yun .. Yung you know--Ano?! Hoy Nate! Parang kang.. bastos ka talaga! Ba't mo ako dinal dito?! Wag tayo dito!"sigaw ko pa na parang bata.
BINABASA MO ANG
My Professor-Slash-My Husband
Novela Juvenil"Ayoko ng Math, Ayoko sa Math at Ayoko sa nagtuturo ng Math". Pero sa paanong paraan nga ba kakainin ni Samantha ang hulig salita niya? Mahulog kaya ang loob niya sa lalaking kinikilala niya bilang Guro sa Eskwelahan at Asawa sa bahay? O parehas s...