Today is Cosplay Competition at syempre kasali ako. Pinayagan din ako ng lolo ko, Basta matinding pilit lang, payag din yan."Go girl!Kaya mo yan!" naririnig kong sabi ni Charles .
Isa isa na kasing lumalabas ang mga contestant sa stage para irampa ang kanya kanyang costume.
"Megan Salvador as Sakura" madaming nagsigawan na mga audience lalo na't maganda ang Vice president namin.
Sumilip ako sa mga teachers na nasa unahan at nanonood din.
Nakita kong nakataas ang phone ni Nate at pinipicturan si Megan.Sanaol.
Kainggit naman, sana ako din picture-an ako ng asawa ko.
"Samantha Chavez as Asuna."
Agad na akong lumabas sa stage at nagsimulang mag lakad patungong unahan ng stage, grabe buti nalang di na ako masyadong kinabahan kasi paulit ulit akong nagpractice eh .
Hinahagilap ng mata ko si Nate pero wala siya. Ay bastos? Kanina si Megan, pinicture-an tapos ako ngayon hindi?Bigla tuloy akong nalungkot, pero medyo natuwa ako dahil kinuhaan ako ng picture ni Ms.Diaz. Buti pa 'to, may silbe. Kahit nakakainis.
Pero ngayon ko lang napansin, magkaparehas pala sila ng kulay ng cellphone ni Nate?
~
Mga ilang sandali pa ay natapos din ang pag tatawag at ito na ..
I-aanounce na ang winner, wala naman akong pake kung manalo ako o hindi ang gusto ko lang ay mairampa ang damit ko. Hahaha smoooooooth diba.
Hindi ako nakikinig sa mga nasa paligid ko at nakatitig lang ako kay Nate na kanina pa nakaharap sa phone niya at ngitng ngiti.
Halatang tinitignan niya ang pictures ni Megan kanina. Samantalang ako, asawa niya pero di manlang niya ako tinignan at pinicturan.
Oh sige maghiwalay na tayo, dun ka na sa kabet mo.
Char.
Napansin ko na nagtinginan ang mga tao sakin, lahat ng tao pati si Nate at nakakunot ang noo na palagi niyang ginagawa.
Bakit kaya?
Naramdaman ko nalang na niyugyog ako ni Charles saka sabing..."Panalo ka teh! Hoy! " sabi niya saka yakap sakin .
"Ha?! Panalo ako?! "
Ha? Pano?
Nagyakapan kami ni Charles saka napatingin ako sa direksyon ni Nate na masama ang tingin sa akin. At hindi ko alam ang dahilan. Nginitian ko siya, pero umirap ito at biglang naglakad palikod.
Problema non?
--
Mag isa lang ako ngayon sa sala. Nanood lang ng T.V. Syempre bisyo ko narin.
Kanina kasama ko si Nate eh pero di naman nanonood ng T.V kundi tingin lang ng tingin sa phone niya habang nakangiti. Ay inlove? Pag kinakausap ako nakabusangot o galit. Tapos pag nakaharap sa cp, ngiting ngiti. Abnormal yata yun.
Tapos ngayon, mag isa lang ako sa sala. Wala din si Jash, ayun nag bakasyon. At ang masaklap, 1 week. Oh see? Wala akong kakampi ngayon.
~ Beez ~
Nagulat ako nang may nag vi-brate na phone. Di naman akin yun eh.
Napatingin agad ako sa kinauupuan kanina ni Nate. Nakita ko ang phone niya. Gurang na talaga. Pati phone kinakalimutan na.Pakelaman ko na ba?
Syempre ako pa HAHAHAHAHHA!
Agad kong dinampot ang phone niya at nagulantang ako sa nakita ko. Unang una, walang password or pattern. Pangalawa, ang wallpaper niya. Wallpaper niyang nagpahinto sa wisyo ko. Ako 'to ah.
BINABASA MO ANG
My Professor-Slash-My Husband
Dla nastolatków"Ayoko ng Math, Ayoko sa Math at Ayoko sa nagtuturo ng Math". Pero sa paanong paraan nga ba kakainin ni Samantha ang hulig salita niya? Mahulog kaya ang loob niya sa lalaking kinikilala niya bilang Guro sa Eskwelahan at Asawa sa bahay? O parehas s...