"Bakit umuwi ka mag isa? Bakit di mo ako inantay?"Ayan agad ang salitang ibinungad sakin ni Nate pag kapasok na pag kapasok niya sa pinto ng bahay.
Nakahilata ako ngayon sa sofa at nanonood nang TV. Di ko manlang siya tinignan, dahil narin siguro sa inis.
"Bakit? Pwede naman ako umuwi mag isa ah." matabang na sabi ko at nakatingin parin sa TV.
"Dapat inantay mo ako!" inis na sago ni Nate at ngayon ay nasa harap ko na siya.
Nakaharang siya sa pinapanood ko kaya tumingin ako sa kanya.
"Ano bang problema mo Nate?"
"Alam mo bang delikado umuwe mag isa?!"nggayon ay sumisigaw na siya.Ano bang problema niya? At kailangang sumigaw pa.
"Alangan naman Nate na istorbohin kita sa pakikipagsayaw mo kay Ma'am Diaz, nakakahiya naman kasi sakin diba? at wala ka dapat ipagalala dahil hinatid ako ni Nikko." sabi saka irap sa kanya. Akma na sana akong tatayo at naglakad palayo sa kanya nang bigla siyang magsalita.
"Hinayaan nga kitang makipag landian kay Nikko, wala kang narinig na reklamo sakin."
Biglang umigting ang pandinig ko dahilan para mapahinto sa paglalakad at humarap sakanya.
"Anong malande?! Ano bang paki mo sakin Nate?! Hindi ako nalandi at mas lalong di ako nakikipag landian! Manliligaw ko si Nikko!"
Parang gusto ko nang umiyak, sinabihan banaman akong malandi.
Sino bang babae ang gustong masabihan ng malandi? At kay Nate pa nanggaling?
"Manliligaw?! Gusto mo bang ipaalala ko pa sayo na mag asawa kana?! Asawa mo na ako tapos nag papaligaw ka pa?!"
"Asawa sa papel! Alam mo yan! Hindi natin mahal ang isat-isa! Pwede ba Nate tumigil kana! Kasi Naiinis na ako sayo! Ano bang pake mo sakin?!"
Hindi siya sumagot. Bagkos ay tinignan ako sa mga mata ko.
"Nate.. alam natin pareho kung ano lang tayo. Ano lang ang meron satin. Palabas lang ang lahat. Pangpapanggap. Mag asawa nga tayo, pero hindi tayo basta lang na mag asawa. Hindi tayo normal na mag asawa. Dahil yung ibang mag asawa, mahak nila ang isat-isa. Pero tayo.. hindi natin mahal ang isat-isa!"
"I LOVE YOU SAM! DAMN!"sigaw niya sakin.
Para akong nasimento sa kinatatayuan ko at di makapag salita. Tama ba yung narinig ko?
M
A
H
A
LN
I
Y
AA
K
ODi ko maintindihan pero biglang tumulo ang luha ko. Siguro sa sakit narin at saya nararamdaman ko dahil nasabi ko kay Nate ang dapat kong sabihin.
Wala nang nagsalita sa aming dalawa at nagkatitigan nalang kami.
Naramdaman ko nalang ang kamay niya sa pisngi ko at pinupunasan ang luha ko. Parang nawala lahat ng sakit sa puso ko sa sinabi niya.
Naramdaman ko nalang ang paglapit ng mukha niya sa mukha ko. Hinawakan niya ang batok ko at unti-unting inilapit sa mukha niya.
Gusto ko man siyang itulak, pero sumasang-ayon ang katawan ko.
Pumikit nalang ako nang maramdaman ko ang labi ni Nate na lumapat sa labi ko. Kasabay ng pagtulo ng luha ko.Hindi ako marunong nito. Sheyt.
Shocks. My first kiss.
Inilayo niya ang mukha niya sakin at hinalikan ako sa noo. Pinunasan niya ulit ang natitirang luha sa pisngi ko.
BINABASA MO ANG
My Professor-Slash-My Husband
Fiksi Remaja"Ayoko ng Math, Ayoko sa Math at Ayoko sa nagtuturo ng Math". Pero sa paanong paraan nga ba kakainin ni Samantha ang hulig salita niya? Mahulog kaya ang loob niya sa lalaking kinikilala niya bilang Guro sa Eskwelahan at Asawa sa bahay? O parehas s...