Chapter 7

12.9K 416 9
                                    

 Nasa library ako ngayon at nagbabasa. First time kong pumasok dito. Wag ka.

Kaso ang problema, ang daming libro. Ang sakit sa ulo.

Math ngayon ang nerereview ko dahil baka sermonan nanaman ako ng lolo nyo. Alam mo naman yun. Palaging galit sakin.

Napahawak ako sa baba ko dahil wala naman akong maintindihan. Ba't kasi pati 'to kelangan pag aralan? Pag nakapag trabaho na ba ako, gagamitin ang x at y na 'to? Tsk.

Napatingin ako sa kabilang table. At nakuha nito ang atensyon ko. Dahil nandon si Nikko at nakatingin at nakangiti sakin. Totoo na 'to. Nakatingin siya sa akin.

Para akong naging bato.Totoo ba to? Baka may tinitignan siya sa likod ko?

Sinubukan kong tumingin sa likuran ko pero walang tao. Anyare kuya?

Nakita ko pang tumayo siya at mukhang palapit sakin. Sheeet self. Anong gagawin natin?

Natameme nalang ako nang maramdaman kong tumabi siya sa upuan ko.

"Hey.." sabi niya saka pisil ng pisngi ko.

Gosh.

Panaghinip ba to?

"Oi,Chavez.."

Tinawag niya apelyedo ko?
Para akong tanga na nakatulala lang sa gwapo niyang mukha.

He chuckled.

"Alam mo para kang ano .. Chavez ano bang nangyayare sayo?"

"Ha.. Ahmm.. Ano kasi .. W-wala."utao ko pang tugon habang nakatingin parin sa kanya.

Umupo siya nang maayos at di parin ako makapaniwala sa nangyayari.

"Pasensya ka na ha.. Snober ako, ayaw ko kasi ng kausap eh."

Ha? Ano daw? Nag so-sorry siya dahil di siya palakibo?

Nako Nikko, wala lang yun basta ikaw!

"H-ha? A-ah e-eh. O-okey lang hehe."pilit pa akong ngumiti habang nangangatog ang mga tuhod.

Pag ito ngumiti, matutunaw na talaga ako.

"Cute mo pala.." Nakangiting sabi niya.

*Blink*
*Blink*
Cute daw ako..
Cute daw ako..
Cute daw ako..
Cute daw ako..
Sabi niya?

WAHHHHHHH!

Self kalma! Bawal kiligin!

"Piso gusto mo.." pabirong sabi ko pero kinikilig talaga.

Tumawa naman siya.

Nagkwentuhan lang kami ng kwentuhan ng kung ano ano. Madaldal din pala kahit papaano itong si Nikko. Medyo naiilang pa ako hehe.

Alam nyo, kung may pagkakataon akong magwish ngayon, Yun yung wag na sanang matapos na ang araw nato. Pero dahil nasa school kami, kelangan na naming huminto sa pag kukwentuhan dahil nag bell na. At hudyat na ito para sa susunod na subject.

Akma na sana akong tatayo pero hinawakan niya ako sa braso na siya namang kinagulat ko.

"Dito muna tayo... Homeroom naman eh." nakangiting sabi niya. Kaya lalo akong kinilig.

"Ha? Baka magalit si sir Nate?"

Nako Nikko. Pilitin mo'ko.

"Hindi yan." ngiti niya pa ulit.

Sheeeyt. Ito na nga e.

Ibinaba ko na lang ang bag ko at napasunod sakanya.

Ngayon lang naman ako di papasok ng Homeroom eh.
Tsaka pagkakataon na 'to, aayaw pa ba ako? Si Nikko na ang nag papa-stay sakin oh. Yiieeeey.

My Professor-Slash-My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon