Segundo, Minuto , Oras , Araw, Buwan at Taon ..Gaano ka na nga ba katagal nabubuhay sa mundong ito?
Naalala mo pa ba yung mga segundong binuksan mo ang iyong mga mata para sa panibagong umaga?Yung mga minutong nakita mo ang ganda ng buhay ..
Yung mga oras na nakikipag usap ka sa Diyos at pinuri mo siya?
Yung mga araw na nilaan mo para makapagbahagi ng salita niya?
Yung ilang buwan na ibinigay mo sa pag aalaga ng mga disciple mo ..
Yung taon na nagawa mo ang lahat ng will ni LORD
naalala mo pa ba?
O tila naging balakid sayo ang ilang taon?
Naging balakid sayo ang mga buwan na lumipas at para bang batong mabigat na pinapasan mo?
Naging balakid sayo ang mga araw na para sa kanya na dapat pero nilaan mo sa iba?
Naging balakid din ba sayo na bigyan siya ng kahit isang oras kada pag gising mo?
Naging balakid ba sayo na pasalamatan siya kahit Isang minuto?
Ngayon ba kahit isang segundo naisip mo pa siya?
Alalahanin mo .. Tiniis niya ang ilang taon na pakikipagsapalaran mapahatid lang ang salita niya...
Ang ilang buwan na pangungutya ng mga tao ..
Ang ilang araw na pagpapahirap sa kanya noong hinatulan siya ng kamatayan..
Ang isang minutong .. pagtanggi ng kanyang disipulo
At isang segundong pagkawala ng hininga niya ..
Ngunit bago yun ..
Binigkas niya ang salitang "Tapos Na"
Tapos na nga ba? O simula pa lang ng bagong umaga? Segundo , Minuto , buwan at taon?
Tapos ka na nga ba sa paglilingkod?
O Nasimulan mo na at nagpapatuloy sa paglalaan sa kanya nito?
Walang segundo, minuto , oras , buwan at taon na sayang kapatid !
kapag kapiling natin ang nagbigay ng bagay na ito.
Si Kristo
Ang Panginoon.( wisdom from God. To God Be the Glory )