OK LANG YAN

115 0 0
                                    

Ok lang ba talaga maiwanan ?

Yung minahal mo na sinaktan ka pa ?

Sabi sayo dati walang iwanan

Pero siya pa ang unang sumira

Ok bang umasang mababalik pa ?

Na sana muli kayong magsimula ?

Kahit alam mong wala na ngang saysay

Araw araw ka pa ding naghihintay

Ok ba na ang puso mo'y mawasak ?

Luha mo'y pinipigilang pumatak

Paunti-unti ka nang namamatay

Pero pinipilit mo pang mabuhay

Wala kang choice kung hindi magpatuloy

Sumunod ka sa agos at pagdaloy

Sabihin sa sariling "OK LANG YAN"

At siya ay iyo ng kalimutan.

--

Votes and Comments are appreciated :**

Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon