Pag nagbiro ang isa siguradong maiiyak ka sa kakatatawa
Kahit walang Lovelife ay ok na
Basta't ang mahalaga kasama mo sila
Kaibigan, diyan ako nagiging masaya
Unang araw ng pasukan nagkakailangan pa
Pero ng mga sumunod na araw tila hampasan na
Bayolenteng masasabi pero tuwang tuwa ka pa
Ganyan ang eksena palagi sa barkada
Tinuring na parang tunay na kapatid
Palaging kasama sa saya at lungkot na saki'y bumabahid
Nagdaan pa ang mga araw at tila naging balakid
Luha sa mga mata'y aking pinahid
Pero bakit ganun at parang bumaliktad ang mundo?
Ang dating mga kaibigan ko hindi ko na kahalubilo?
Ako ba ang may problema o sila talaga ang nagbago?
Sila'y nagsilbing parang ekstranghero
Mainit na pagtanggap sa akin ay nag-iba
Sa tuwing kasama ko sila ramdam kong may kakaiba
Sa mga usapan at lakad hindi na ko kasama
Kahit wala o nandyan ako'y Invisible na
Mas mabuting lumayo kesa masaktan
Araw ay nagdaan at umiwas na ko ng tuluyan
Akala ko hahanapin nila ko pero ako'y nagkamali
Sa ibang grupo ng kaibigan ay nagbakasakali
Umiyak ako at ang ina ko lang ang nakakaalam
Marami pa daw akong kaibigan na mas may pakialam
Kaya naman hindi ko na dapat sila intindihin
Kung ayaw nila sakin hindi ko na lang iisipin
Invisible , yan ang pakiramdam ko
Simula ng wala na ko palagi sa plano
Tunay na kaibigan ba silang maituturing?
Kung pag-iwas ko'y di man lamang nakapuwing
