Sadyang gan'to ba ang aking kapalaran ?
Sakit sa damdamin ang nararamdaman ?
Masasayang alaala at sumpaan
Mabubuhay na lang ba sa nakaraan ?
Kapatawaran ang aking hinihiling
Di inasahan na ito'y mangyayar
Nabuo ng pagmamahalan ay supling
Ayaw panindigan , bakit pakisabi ?
Di ba't isa itong biyaya oh Diyos ?
Kahit mahirap ito'y idadaos
Aking palalakihin at iingatan
Sa kanya'y ituturo ang kabutihan
Kayo na po bahala sa 'ming mag-ina
Kami'y bigyan ng lakas at pang-unawa
Kayo na po bahala sa mapanghusga
Nawa'y pagmamahal sa'min ay manguna
*****
votes and comments are appreciated :**
