Chapter 20

13 2 0
                                        

▪Yumi▪

Kinabukasan

Pagka gising ko,nagpalit na ako,at dumeretso sa baba ,para makapag breakfast, nadatnan ko sina kuya Yaji at Yohann ,a kasalukuyang nasa balkonahe na humihigop nang kape,at nagbabasa nang diyaryo,si Kuya Yaji,kumakain!!

Si Dad,maaga siyang umalis para sa business trip

"Andyan ka na pala Katherine "si Kuya Yohann,at inutusan yung maid para maghanda nang breakfast ko

"Ay hindi kuya hindi ako ito!!multo ang nakikita mo ngayon!"pambabara ko sa kanya nahawa na ako kay Rain!!

"Natuto ka nangmabara ah,tinuturuan ka ba nang mga kaibigan mo?"sabay ngiti niya nang maka hulugan

Napabuga nang tubig si Yaji!!na parang gulat tapos kinuha niya yung tissue para pamunas

"Yuck si Kuya"sabi ko sa kanya

"Seriously Katherine may kaibigan ka?"sabi niya sabay punas sa sarili nito

"Wag ka,kaibigan pa na lalaki!"si Kuya Yohann naman

"Mga lalaki kaibigan mo? Tanong ni Yaji,na parang umiba yung tono nang boses

"Pero Yumi ang maipapayo ko sayo,mag ingat ka sa kanila mukha silang di mapapagkatiwalaan" si kuya Yohann

Hayaann na nanaman ang pagiging protective nila!! Kahit di kami laging magkakasama masyado silang possesive minsan pag ako na!kaya love ko sila

"Kuya naman hindi sila ganun?"pagtatanggol ko sa kanila

"sumasang ayon ako kay Kuya,Katherine kahit kaibigan mo sila lalaki din sila" na may himig nang pag aalala na ewan

Nang dumating na yung pagkain ko kumain na ako,,pagkatapos nun nagpahatid na ako sa school,remember nasa bahay ako wala ako sa sariling house ko kaya mga 30 minutes ang bibiyahe ko di pa yan traffic.

At nung nakarating ako sa school,dumeretso na ako sa room,at nadatnan ko dun ang mga "normal" kong mga classmates

Wala din lang kayong mapapala kung idedescribe ko ang itsura nang classroom namin ngaun

Basta magulo at maingay

"Morning!"bati sa akin ni Kate at nginitian ko naman

Naupo lang ako dun sa upuan ko,nasa tabi ko si KatE samantalang yung Z nasa likod ko tulog atah lahat,lahat kasi sila naka yuko sa kani kanilang desk,except si Rain na nagbabasa at Drexther na nakaheadset at naka tingin sa labas.

Nairita atah si Sam sa ingay nila kaya sumigaw siya
"ANO BA! PWEDE BANG ITIKOM NIYO MGA BIBIG NIYO,KUNG GUSTO NIYO NA AKO MISMO ANG MAGTITIKOM AT HINDING HINDI NA KAYO MAKAKAPAGSALITA" maangas na sabi niya nakakatakot pala pag nagalit to eh, kaya napatahimik ang lahat pero may nagbubulungan pa din!ang kulit talaga

At hayun bumalik na din sa pag tulog,tumahimik na din ang buong silid,at pagkatapos siguro nang ilang minuto dumating na si Teacher Elisse

"Good morning class"bati niya pero walang sumagot,ano pa nga ba ang aasahan mo

"Class this coming October , foundation day nang ating school at may paligsahan ang bawat klase,each room ay dedesignan para maging booth "pahayag nito

"Ano gusto niyong gawin sa classroom natin?horror house? Coffee shop?ano give idea naman class"pagtatanong nito pero walang sumasagot

"Boring" medyo malakas na sabi nung mga nasa likod I think si Xander yun

"Walang kwenta"si Sky,bastos lang

"Alam kong walang iimik sa inyo kaya nakagawa na ako nang plano!"

Classmate ko sila?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon