Chapter 2

4 0 0
                                    

Chapter 2

"Tyrisha Blyte's POV"

"dali na kasi"

"sasabihin mo o ipagkakalat kong mag-asawa tayo?"

Arggggg!!! Nakakaasar talaga ang kumag na to suuuuuper kulit, gusto ba naman kasing sabihin ko sa kanya ang dahilan ko ng paglalayas ko. Ayaw ko na kasi isipin pa ang bagay na yon maiinis lang ako.

No choice ako eh, ang kulit kasi.

"Tuamakas ako dahil ipapasakal este ipapakasal daw nila ako satisfied?"

"What? Akalain mo nga namang parehas tayo ng situation"

"What do you mean?"

"Di mo pa gets? Ayon nga ipapakasal din nila ako sa taong hindi ko pa naman nakikilala"

"you mean tumakas ka din?" sigaw ko.

"Yon sana ang gagawin ko if hindi mo ako tinawagan, so I guess para na rin tayong sabay na naglayas?"

"Anong lumayas ka jan? eh sa wrong number pala ang na-idial ko. Kaya makakaalis ka na kuya."

"ganun ganun nalang ba yon? Matapos mo akong papuntahin sa lugar na ito papaalisin mo din ako agad?"

Aba ang lolo sinusumbatan pa ako.

"bahala ka nga sa buhay mo" nilagpasan ko nalang siya at dali-daling umupo sa lamesa para kumain. Nagutom kaya ako.

"Wag mo na akong pagtangkaing paalisin dahil wala ka namang magagawa, dito muna ako mag-lalagi" bigla ba naming binulong sa tenga ko. Hindi ko nalang siya pinansin.

"By the way I'm Santi Miguel Espiritu" sabay abot niya ng kamay para makipagshake hands.

"Tyrisha Blyte Alonzo" . walang ganang pakilala ko sabay abot ng kanyang kamay.

"nice name ha"

Nagikot-ikot nalang ako sa baryo este sa paligid lang pala. iniwan ko nalang si Migilito don hahaha sarap pagtripan ng pangalan niya. Nong tinawag ko kasi siyang Migilito kanina parang bigla nalang sumama ang mukha hahaha, kumaripas nalang ako ng takbo palabas ng bahay baka kung ano pa ang gawin niya sa akin.

Sanay na akong mag-isa, nakakasawa na din. Nang tumuntong ako sa edad na 18 napagdesisyunan kong magtrabaho nalang kesa mag-aral kasi nahihiya na din ako sa nanay at tatay. Naging maayos naman ang naging takbo ng buhay namin pero after 2 years kinuha ako ng biological parents ko hanggang sa nauwi sa aking paglalayas. Buhay nga naman parang life.

"Miss panyo oh"

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Bigla ko nalang niyakap si Migilito na siguro ay kanina pa nakamasid sa akin. Sunod-sunod ang paghikbi ko hanggang sa di ko namamalayan nakatulog na pala ako.

"I'm so happy to find you and luckily kasama pa kita ngayon"

Paggising ko kinaumagahan ay nakahanda na ang breakfast as usual nakapagluto na naman si Migilito ng foods.

" Alam mo, parang gusto ko na ulit mag-aral" bulong ko este sigaw pala kasi biglang napasigaw ang kasama ko epect haha.

"bakit naman? akala ko ba graduate ka na?" tanong niya ng makabawi sa pagkagulat.

"Di pa nga ako nakakapag-college" malungkot kong sabi.

"Ilang taon ka na ba? I mean ilang years ka ng nag-stop sa studies mo?"

So ayon na ikwento ko sa kanya na dalawang taon na akong nag-stop. 

"Kelan mo balak mag-enrol?"

"Ayon nga eh, wala akong budget I mean pampaaral"

"akala ko ba mayaman ka? Bakit pinoproblema mo pa ang pera?"

"Mahabang kwento" 

Napag-aalaman kong mas ahead pala siya sa akin ng 1 year kasi 21 na siya and I'm 20.

"so hindi ka ba hinahanap ng parents mo?" pagtatanong ko.

"Wala naman silang pakialam sa akin kung nasaan ako, palibhasa puro kayamanan lang naman nila ang iniisip nila kung paano pa ito padadamihin"

Bakas ang sakit sa kanyang ekspresyon. nalulungkot ako para sa kanya.

"sorry sa tanong ko" parang napapahiyang turan ko.

"Nah, its okay at least may napagsabihan na ako" 

Napabuntong hininga nalang kami pareho. Ang saklap nga naman ng buhay.
"Hoy! Tulala ka diyan?" Sabay tapik niya sa akin.


thank you for reading.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 11, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dream Come TrueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon