-
Isang oras na ang nakakaraan, hindi ko pa din nakikita si Audrey. Nagsisimula nang mag-kainan ang mga tao. Yung mga kumag kong kaibigan, nakahanap na ng makakasama habang ako, loner. Nasan na ba kasi si Audrey?“Ayun si Ate Audrey o.” bulong sa akin ni Leslie. Ayun nga sya, kausap ang isang lalaking kasing-tangkad ko, Moreno at medyo payat. Nagtatawanan sila habang umiinom ng juice at nagku-kwentuhan. Parang enjoy na enjoy siya. Halatang may gusto sa kanya yung lalaki. Umiwas ako ng tingin at nakinig sa usapan ng mga kaibigan ko at ng mga kasama nilang babae.
“Ano, pre? Hindi ka pa rin nakakatagpo ng forever?” sabi ni BJ.
“Wala akong panahon.” Asar na sabi ko.
"Hindi niya pa kasi nakakasama ang 'Pinakamagandang babae ngayong gabi'" sabi ni Lester.
“Tigilan nyo nga ako!” nagulat ako nang tumawa si Leslie bigla.
“Anong nakakatawa Leslay?” tanong ko sa kanya. Medyo naiinis na ako.
“Ikaw.”
“At bakit mo ako pinagtatawanan?”
“You’re jealous, Andrei Dionisio.” Bulong nya sa akin.
“I’m not. Why would I be jealous?”
“Kasi yung babaeng pinapangarap mong makasama ngayong gabi, ayun at masayang kasama ang iba.” Sabi niya pa at tumingin sa kinaroroonan ni Audrey.
“Sino ba kasi yun?” pagalit na tanong ko. Alam niya naman ang lahat e.
“Martin Santiago. Hindi ka kasi nakikinig sa mga information na binibigay ko sa’yo.” Sabi niya pa.
Martin Santiago? Parang narinig ko na ang pangalang yun. Hindi ko lang matandaan kung saan, kalian at paano.“ATE AUDREY!!!” sigaw ni Leslie. Napatingin naman si Audrey sa pwesto namin at ngumiti. Kumaway siya kay Leslie at lumapit kasama pa din yung Martin na yun.
“Baby! Ang ganda mo ngayon ah?” bati niya kay Leslie.
“Ay nako te, maliit na bagay. Haha.”
“Hoy bata!” pagbati sa kanya nung Martin.
“O bakit matandang kapre?” sabi ni Leslie.
“Sumabay ka sa akin pauwi. Uuwi tayo ng 11, sa ayaw at sa gusto mo.”
“Ayoko nga sumabay sa’yo! Tsaka ang aga ng 11! Ayoko!” pagmamaktol ni Leslie.
“At anong oras ka uuwi, aber?”
“Mga 2am.” Sabi niya.
“Aba itong batang ito. Late na yun!”
“Eh! Basta 2am ako uuwi. Umuwi mag-isa ng 11. Ikaw, Ate Audrey anong oras ka uuwi?” baling niya kay Audrey.
“Di ko sure e. Balak ko kasing tapusin para may masakyan ako pauwi.” Sagot ni Audrey.
“Edi sasabay nalang ako kay Ate Audrey. Bahala ka sa buhay mong kapre ka!”
“Basta uuwi tayo sa oras na gusto ko. Bes, dun muna ako sa mga kaklase ko.” Niyakap niya si Audrey at hinalikan sa ulo bago umalis. Aba’t?! sino ba tong lalaking to?
“Nakakainis talaga yang si Kuya Martin!” iritang sabi ni Leslie.
“Yaan mo na siya. Ako bahala, di ka uuwi ng 11pm.” Sabi niya sabay kindat.“Ehem. Ehem. Baka gusto mo naman kaming ipakilala diyan sa magandang kasama mo, Leslie.” Sabi ni Lester.
“Hala! Mga sira kayo.” Sabi ni Audrey.
“Audrey!!! Grabe, idol na kita! Ang galing mo pala kumanta!” sabi ni BJ.
“Audrey, pwede bang manligaw?” sabi naman ni Cedric.
“Mga baliw!” nasabi nalang ni Audrey. Bumalik na sila sa pakikipag-usap sa mga kapareha nila.“Hindi naman ako na-inform, by pair pala dito.” Bulong niya.
“Ako nga din eh.” Sabi ko.
“Oh bakit wala kang date?” tanong niya.
“Hinihintay ko kasi yung tamang babae para sa akin ngayong gabi. Ikaw? Bakit iniwan mo yung date mo?” tanong ko.
“Eh? Date? Sino? Si Martin? HAHAHAHAHAHAHAHA.” Tawang-tawa siya oh.
“Bakit ka tumatawa?”
“Nagseselos ka ba kay Martin?” tanong niya. Di ako nakasagot.
“Sinasabi ko na nga ba crush mo ako eh. HAHAHA.” Pang-aasar niya.
“Excuse me? Hindi kita crush no? Ang assuming mo naman.”
“Ay ganun? Assuming ako? Alis na nga ako dito!” sabi niya at akmang aalis.
“Audrey, wait!” pagpigil ko sa kanya, hawak ko na naman ang kamay niya. “Hindi mo ba nakikita, OPng OP na ako dito. Wag mo naman ako iwan, samahan mo ko dito. Hindi na kita aasarin, promise.” Pagmamakaawa ko sa kanya.
“Okay!” sabi niya at saka ako nginitian.
“Audrey, sino ba yung kasama mo kanina?”
“Si Martin? Bestfriend ko yun. Hindi ba nakwento sayo ni Leslie?”
“Hindi.”
“Matagal na yung patay na patay sa ate ni Leslie. At kung iniisip mong jojowain ko yun, walang pag-asa. Ang awkward kaya nun no. Bespren mo, syosyotain mo. Eh kahit nakita na nun yung buong katawan ko, hindi naman ako pinatos nun.” Pageexplain niya.
“N-nakita? N-niya?” utal kong tanong. Hindi ko ma-take e.
“Bat namumutla ka dyan? Minsan kasi, dun ako natutulog sa kanila, minsan naman dun siya sa amin. Magkatabi kami matulog. Joke lang yung nakita. Edi tinanggalan ko siya ng karapatang magka-anak kung nangyari yun. Pang-asar ko lang yun sa kanya.”
“aah. Akala ko naman.”
“Haha. Nakakatawa ka. Ang weird mo ngayon.”
“Ngapala, ang galing mo kanina. Ang ganda pala ng boses mo.”
“Nakakahiya nga e. Alam mo bang nanginginig ako dun habang kumakanta? Tapos pagbaba ko ng stage para akong hihimatayin sa kaba. First time ko e.”
“Kaya pala ayaw mo kaming papuntahin ngayon ..”
“Hehe. Nakakahiya kasi.”
“Bakit ka nahihiya? May talent ka naman e.”
“Andrei, binobola mo na ako e.”
“Hindi ah, bakit naman kita bobolahin? Sinasabi ko lang ang katotohanan.”
“sus. Haha. Buti naman nakatagpo ng babae si Jude.” Sabi niya nang mapatingin sa mga kaibigan kong busy makipagharutan.
“Oo nga e. Hindi ko rin yan expected, malakas tama niyan sayo e.”
“Buti naman.”
“Bakit? Ayaw mo na merong nagkakagusto sa’yo?”
“Hindi naman sa ayaw, natutuwa nga ako na may nakaka-aapreciate sa pagkatao ko eh. Ayoko lang na masaktan sila sa bandang huli.”
“Bakit?”
“Wala kasing permanente sa mundo. May mga taong kahit gaano pa kagusto na mag-stay sa tabi mo, hindi nila magagawa. Kasi may mga bagay sa mundo na hindi mo mapipigilang mangyari.”
BINABASA MO ANG
The Girl I Cannot Have
RandomMalakas mag- power trip ang tadhana. Magmamahal ka. Masasaktan. Magmamahal ulit. Masasaktan. Pero sabi nga nila, try and try until you find the one. Paano kung yung "the one" na hinihintay mo ay dumating sa maling panahon. Sa maling pagkakataon at s...