February na. Miyembro na naman ako ng SMV- Samahan ng Malalamig ang Valentines at STV- Samahan ng mga Tipid tuwing Valentines. Ewan ko ba naman kasi sa mga taong ito kungbakit nage-effort pa sa mga ganyan. Ang bulaklak, mabubulok at itatapon lang din. Ang chocolates naman, bukod sa nakakasira na ng ngipin, nakaka-diabetes pa.
“ANDREEEIII! Gusto kong pakasalan si Leslie!” salubong sa akin ng mokong na si Lester pagkadating ko sa tambayan namin.
“May ipon ka na ba? Handa ka na ba para dito? Ter, dalawang taon na lang ga-graduate na tayo, di na ba makapaghintay?”sabi ko.’
“G**u pre. Sa Marriage Booth. Masyadong seryoso to.”
“Ahh. Edi yayain mo siya! Kasimple-simple eh.” Kaasar to, minura pa ako.
“Ayaw nya nga eeehh!!!” Pag-ngawa pa niya. Parang loko e.
“E bakit ba kasi ako tinatanong mo? Napakatorpe mo kasi!”
“Kasi ikaw ang pinakamatalino at pinakamabait na bespren sa balat ng lupa. At alam ko may solusyon ka sa lahat ng problemang kinakaharap ko sa buhay!”
“Kung hindi lang kita kaibigan, naku! Edi ipakasal niyo lahat ng babae sa section natin para wala nang palag si Leslie! Hayy nako naman.”
“Pre. Grabe. Naisip mo yun? Ang galing mo talaga, Drei. Hindi ko ma-reach ang IQ mo. Iba ka.” OA na sabi niya.
“Gagu! May bayad to oy!”
“Drei, si Audrey!” sigaw niya bigla.
“Nasan? Malapit ba siya sa atin? Magulo ba buhok ko? Ter, ano?!” shet, kinakabahan ako.
“Wala.”
“Anong wala?”
“Walang magulo sa buhok mo at walang Audrey! Bleeh! Labyu pre. Tenkyu!” sigaw niya habang tumatakbo papalayo sa akin.
“P***na mo Lester, hayup ka. Wag kang papahabol sa akin makakatikim ka talaga sa aking g**u ka! Langyang to.” Sigaw ko sa kanya sa malayo.“Bunganga mo.” Sabi ng isang babae sa likod ko.
“Shit.” Nasabi ko na lang. Si Audrey.
“Tingnan mo to, kakas away lang eh.”
“Ayy, sorry boss.”
“Bawas-bawasan ang pagmumura. Hindi magandang pakinggan, para kang sanggano sa kanto.”Pagkatapos niyang sabihin yun, umalis na siya. Ayaw niya ng nagmumura. At sa pangatlong pagkakataon, iniwan niya na naman akong tulala. Pina-process sa utak ang lahat ng mga salitang sinabi niya.
At sa pangatlong pagkakataon, napangiti na naman ako sa kawalan. Ramdam ang kakaibang epekto ng isang Audrey Tolentino sa sistema ko.
BINABASA MO ANG
The Girl I Cannot Have
RastgeleMalakas mag- power trip ang tadhana. Magmamahal ka. Masasaktan. Magmamahal ulit. Masasaktan. Pero sabi nga nila, try and try until you find the one. Paano kung yung "the one" na hinihintay mo ay dumating sa maling panahon. Sa maling pagkakataon at s...