Chapter 1

13 0 0
                                    

“Writing is one of the four macro-skills. The earliest form of writing is from the Sumerians, found between the rivers Tigris and Euphrates, it is called the?..”

English ang pinaka-boring na subject sa buong mundo. Bukod sa ang komplikado na, ang dami pang chechebureche na hindi naman maintindihan. Sa sampung taon na nag-aral ako ng Elementary at High school may english na, pati sa college meron din?
Isang buong maghapon ko nang kasama tong mga mokong kong kaklase at pati sila parang bibigay na ang sistema sa pagod sa maghapon kaya ayaw nang mag-function ng mga utak namin sa final subject naming ito.

“Anyone who knows what the earliest form of writing is? Yes, lady at the back.”
“It is the cuneiform, Sir.”
“Very good.”

At sa sobrang lutang, hindi ko alam na kaklase pala naming ang babaeng ito. Pamilyar siya pero hindi ko maalala kung saan ko siya nakita. Siguro sa canteen o sa may gate.

“Audrey Tolentino, Sir. I’m an irregular student of Business Management.”

Yeah. Siya si Audrey Tolentino. Morena, hindi katangkaran, cute, medyo chubby at may nakakahawang ngiti. Isa siya sa mga babaeng hindi mo kaagad mapapansin sa unang tingin pero sa katagalan, makikita mo yung tinatago niyang kagandahan. May dimple siya sa kanang pisngi at … sinabi ko na bang ang cute niya ngumiti?

“Hoy. Matunaw naman!” bulong ng lalaking nasa kanan ko, si Lester, best friend ko.
“Ano bay un Ter?” depensa ko.
“Si Ate Audrey daw baka matunaw kanina mo pa tinititigan.” Sabat naman ni Leslie na nasa likuran ko.
“Kayong dalawa tigilan niyo nga ako, hindi ko siya tinititigan okay?”
“Kay.” Sabay nilang sabi at bumalik na sa pakikinig sa instructor naming nasa harapan.

Isang oras ang nagdaan, hindi ko pa rin mapigilan ang sarili ko na pagmasdan siya. May kung ano sa kanya na hindi ko maipaliwanag.

“Leslie!” tawag ko.
“O bakit?”
“Info.”
“Info what?”
“Info about Audrey Tolentino.”
“Why so curious Andrei Dionisio?”

Pinanlisikan ko nalang siya ng mata. Maya- maya pa’y nagkwento na din siya.

“Audrey Tolentino. 19. Business Management student. Writer din siya sa Student Publication ng University. Mahilig siyang kumanta at medyo naggigitara din. Wag kang magseselos kapag may nakita kang kasama niyang lalaking kasing-tangkad mo pero mas pogi sa’yo. That’s her best friend, si Kuya Martin.”
“Bakit ako magseselos? At paano mo nalaman ang lahat ng ito?”
“Halatang interested ka sa kanya just by the way you look at her right now. She’s my ate’s friend since elementary.”
“Thanks!”
“And by the way, mabait siya super. At mabilis siyang maging close sa mga taong mahilig sa music. Mas close pala siya sa mga lalaki kesa sa mga babae. And .. nothing more.” Dagdag pa ni Leslie.
“Thank you Leslie. And wait, this is our secret.”
“Your secret is safe with me, Drei.”

Isa sa mga closest friends ko sa section namin si Leslie. May lihim na pagtingin kasi sa kanya si Lester na isa’t kalahating torpe din kaya mas lalo akong napalapit sa kanya.

Sa pagtatapos ng araw na ‘to, marami na akong natutunan at nalaman tungkol sa’yo Audrey Tolentino. Hindi ko alam kung bakit ko to ginagawa but I will know soon.

The Girl I Cannot HaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon