Chapter 11

9 0 0
                                    


Mission Accomplished. Nakasama ko si Audrey ngayong gabi. Nakakatuwa, hindi kami nagtalo, hindi kami nag-asaran. Nag-uusap kami na parang matagal na kaming magkakilala. Sa halos isang oras naming nagku-kwentuhan, nakatitig lang ako sa kanya. Ewan ko ba, hobby ko na nga yata ang titigan siya. Humahanga ako sa kanya. Sa buong pagkatao n iya. May kung anong sumisigaw sa loob ng katawan ko na nagsasabing handa akong sumugal sa kanya. Hindi na mhalaga kung mananalo o matatalo ako. Hindi na importante kung magiging biktima man ako ng pag-ibig. Ang importante lang sa akin sa ngayon, siya.
Natigil ang pag-uusap namin nang dumating yung isa niyang kaibigan, yung gitarista ng banda nila kanina.
“Audrey. Isang round daw tayo, dalawang kanta. Game ka?”
“Sure. Now na?”
“Oo eh.”
“Sige sunod na ako.” Sabi ni Audrey.

“Practice muna kami?” pagpapaalam niya.
“Sige, sige.”
“Ayos ka lang dito? Mag-isa?”
“Oo naman. Sanay naman akong mag-isa eh.” Page-emote ko.
“Hala siya. Hanap ka nalang muna ng ibang babae diyan, kausapin mo.”
“Audrey, ayos lang ako. Ayokong kumausap ng ibang babae, ikaw lang ang gusto kong makasama ngayong gabi. Ikaw lang. Ayos lang ako dito. Babalik ka naman pagkatapos diba?”
“Kikiligin na ba ako Dionisio?” tanong niya, unti-unting sumisilay yung nakakahawang ngiti niya.
“Ikaw bahala. Sige na, hinihintay ka na nila.”
“Kinakabahan ako boy.” Sabi niya with matching paghawak pa sa dibdib.
“Pag nasa stage kana, tingin ka lang sa akin para di ka kabahan.” Sabi ko sabay kindat sa kanya.
“Ang corny mo pre! Dun na nga ako.”
“Oyy, kinikilig.” Pang-aasar ko sa kanya.
“ASA.” Sabi niya at umalis na.
Sa pagkawala ni Audrey sa paningin ko, naramdaman ko yung unti-unting pagtraydor sa akin ng katawan ko. Unti-unting lumalabas yung bagay na ilang buwan ko na tinatago, ilang buwan ko nang kinikimkim. Na ako ay unti-unting nahuhulog sa babaeng ito.
“Pre, para kang tanga. Nakangiti ka mag-isa dyan. Lika nga dito.” Pagtawag sa akin ni Lester.
“Nasan si Ate Audrey?” tanong ni Leslie.
“Nagpa-practice, tutugtog ata sila ulit mamaya.” Sagot ko.
“Drei, may iba sayo..” pansin ni Lester.
“Ano?”
“Parang ang liwanag ng mukha mo. Anong ginamit mo?”
“Sira ulo.”
“Ako alam ko kung bakit ..” sabi ni Leslie.
“Oo na, aamin na. In love tong mokong na kaibigan nyo.” Pag-amin ko.
“T!@#$na  pre! Isa itong himala!” sabi ni BJ.
“Loko.” Nasabi ko na lang.
“So, kalian mo balak ligawan si Audrey?” tanong ni Lester.
Hindi ako nakasagot dahil narinig ko na ang boses ng babaeng nagpatibok ng manhid kong puso.
“Ang kantang to ay para sa mga taong in denial, natotorpe at palihim na nagmamahal ..” sabi ni Audrey kasabay ng intro ng kanta. “Higit sa lahat, para to sa taong gustong alisin ang takot ko, pero nagbibigay ng kaba sa dibdib ko. Para to Sa’Yo.” Sabi niya at tumingin sa kinaroroonan ko.
“Tungunu. Kinikilig si Andrei amputek.” Narinig kong sabi ni BJ.
“Shet, wala na akong pag-asa kay Audrey.” Sabi naman ni Cedric.
“Sssh.” Pagsaway sa kanila ni Leslie.

Minsan oo, minsan hindi
Minsan tama, minsan mali
Umaabante umaatras, kilos mong namimintas
Kung tunay nga ang pag-ibig mo
Kaya mo bang isigaw, iparating sa mundo
.
Oo, Audrey. Noon, ginusto ko tong itago. Noon, ayaw kong malaman mo ang nararamdaman ko. Pero ngayon, handa na ako. Handa na akong isigaw sa mundo. Na ikaw ang unang babaeng nagpatibok sa puso ko.

Tumingin sa’king mata, magtapat ng nadarama
Di gustong ika’y mawala dahil handa akong ibigin ka
Kung maging tayo, sa’yo na ang puso ko.

Kahit hindi tayo. Kahit hindi pa maging tayo, iyong-iyo itong puso ko. Alam ko, hindi ka pa handa. Pero ako, handang-handa nang mahalin ka.

Walang ibang tatanggapin
Ikaw at ikaw pa rin
May gulo ba sa’yong isipan na di tugma sa nararamdaman
Kung tunay nga ang pag-ibig mo

Tumingin sa’king mata, magtapat nang nadarama
Di gustong ika’y mawala
Dahil handa akong ibigin ka
Kung maging tayo..

Gusto kong tanggalin yang takot sa puso mo. Gusto kong buksan mo yan at tanggapin lahat ng pagmamahal na gusto kong ibigay sa’yo. Gusto kong maramdaman mo na tunay tong nararamdaman ko. Walang halong biro.

Kailangan ba kitang iwasan
Sa tuwing lalapit may paalam
Ibang anyo sa karamihan, iba rin pag tayo
Iba rin tayo lang

Tumingin sa’king mata, magtapat nang nadarama
Di gustong ika’y mawala dahil handa akong ibigin ka
Kung maging tayo, kung maging tayo
Kung maging tayo, sa’yo na ang puso ko

Hindi na ako matatakot. Hindi na ako mahihiya. Gusto kong malaman ng lahat ng tao sa mundo na ikaw ang babaeng nagpalambot sa matigas na puso ni Andrei Dionisio. Ikaw lang, at pinapangako ko. Sa’yo lang titibok nang ganito ang puso ko. Sa’yo lang ako, Audrey Tolentino.
Gaya ng sinabi ko sa kanya, nakatitig lang siya sa akin habang kumakanta. Ako? Sa kanya lang din. Parang nawala lahat ng tao sa lugar na to. Wala akong narinig kundi ang malakas na pagtibok ng puso ko. Wala akong ibang nakita, kundi ang ngiti niya. Ang ngiti ng babaeng pinakamamahal ko.

“I LOVE YOU, AUDREY TOLENTINO!” sigaw ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 13, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Girl I Cannot HaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon