Chapter 3

5 0 0
                                    

“I’m very sorry class kung hindi ako nakapag-klase sa inyo last week. May mga bagay talaga na dadating unexpectedly at wala na tayong magagawa kundi tanggapin ang katotohanan pumasok na sila sa sistema natin. Lagnat.”
“Wow. Hugot yun sir a?” sigaw ng mga kaklase ko at sabay-sabay na nagtawanan.
“Okay, move on. May iniwan akong activity, nasagutan nyo ba?”
“Yes sir.”
“Okay let’s check.”

48 over 50. Yan ang score ko sa activity. Si Lester, 45. Si Cedric naman, ang dakilang buntot ni Audrey, 47. Mahuhusay.

“Dionisio? Your score.”
“48 sir.” Sagot ko.
“Aba. Sinong source mo?” nagtatakang tanong niya.
“Hala si sir, ayaw maniwala.”
“Babalikan kita mamaya.”

Sa sinabi niyang yun, medyo kinabahan ako. Paano kung magalit siya at malaman na pinakopya kami ni Audrey? Nakakakaba bente shet.

“Tolentino?”
“49 sir.” Sagot niya.
“Very Good, Ms. Tolentino.”

“Ang galing talaga ni Audrey.”
“Ang ganda pa.”
“Talino.”

Rinig kong bulungan ng mga katabi ko. Parang mga bubuyog, nakakairita sa tenga. Kung upakan ko kaya sila isa-isa? Kinakabahan na nga ako dito bulungan pa sila nang bulungan diyan. Badtrip.

“Andrei, Lester and Cedric. Stand up!” tawag sa amin ni sir. Tumayo naman kaming tatlo.
“Paanong nakakuha kayo ng mataas na score knowing na hindi naman ganyan ang scores nyo sa mga nakaraang exams and activities?”

“Paano kasi sir, taga-Publication yung source ng mga yan.” Sabat ng president naming si Tina.

“Nag-aral sir?” sagot ni Lester
“Nag-google sir?” sagot naman ni Cedric.
“Hindi ba pwedeng inspired lang sir?” sagot ko nman.

“Sinong taga-Publication ang source nyo?” tanong ni sir sa amin na para bang anytime magwawala na siya sa galit.

“Sir, kasi pinasa niya po yung papel nya tapos kinopya naming yung ..” hindi ko na natapos ang page-explain ko nang tumayo si Audrey. Lahat kami nagulat.

“Yes, Ms. Tolentino?”
“Actually sir, sa akin po talaga nanggaling yung mga sagot nila.You have nothing to worry about dahil tinuro ko naman po sa kanila kung paano nakuha yung sagot. It’s just an activity anyway, sir. Hindi po makakahila nang malaki ang almost perfect scores sa activity sa magiging final grade nila.” Pag-amin nya.
“And?”
“Next time, mataas pa din po ang makukuha nilang scores dahil naituro ko na sa kanila yun. And I made sure na naintindihan nilang tatlo yung lesson. Hindi na po sila mangongopya ng sagot next time.” Dagdag pa niya. Habang nagsasalita siya, kitang-kita mo yung confidence niya na kahit ang magaling naming instructor ay natulala.
“Okay. I appreciate your honesty, Ms. Tolentino. At kayong tatlo, magpasalamat kayo dahil may mga taong gaya niya na may malasakit sa mga pasaway na gaya nyo. Make sure, consistent ang ganitong scores. Magaling ang tutor nyo.” Baling sa amin ni sir.
“Yes, sir.” Sabay sabay naming sagot.
“Okay, class dismissed.”

Ilang minuto pang tahimik ang buong klase pagkalabas ng classroom ni sir.

“Wooooh. T****na, kinabahan ako dun!” sigaw ni Cedric.
“P***na akala ko katapusan ko na.” dagdag naman ni Lester.
“Salamat Audrey. Ikaw ang tagapagligtas ng sangkatauhan. Kinabahan ka ba?” tanong ni Cedric.
“Hindi. Activity lang naman un e. Kung exam yun, hindi kayo makakakopya sa akin. At saka, narinig nyo yung sinabi ni sir mag-aral na kayo nang hindi kayo ma-bengbang next time. Naku!” sabi niya.
“Ang galing mo sa part na yun Audrey. Tiklop si Sir e ..” sabi naman ni Lester.
“Kahit naman ikaw napatulala nung nagsasalita si Ate Audrey e.” singit naman ni Leslie.
“Hindi kaya ??? Oh my Gosh! Hindi kaya crush ka ni sir, Audrey?” parang baklang sabi ni Lester
“Sira! Crush ka diyan. Nasisiraan ka na ba Ter?” sagot ko kay Lester. Ewan ko ba bakit bigla akong napasingit sa usapan nila nang wala sa oras.
“Oo nga, Lester. Imposible yun. Tara na nga’t umuwi.” Sagot naman ni Audrey.

Nag-ayos na kami ng gamit at naghandang umuwi. Nauna na sila Leslie at Lester na nage-LQ . Sumunod na din si Cedric. Naiwan kami ni Audrey sa loob ng classroom kasama ng ilan naming mga kaklase.

“Uhm, Audrey. Thank you nga pala kanina.” Sabi ko sa kanya.
“Ano ka ba wala yun. Gaya ng sinabi ko, activity lang yun.”
“Pero thank you talaga. Alam ko kinabahan ka kanina. Nakita kong nate-tense yung mukha mo habang kinakausap kami ni sir.”
“Wow. Kailan ka pa natutong titigan ang facial expressions ko ha Andrei?” tanong niya na medyo may pang-aasar na tono.
“Observant lang ako.” Depensa ko.
“Okay. Tara na. Pasabay ako maglakad pa-bayan.”
“ Hindi pwede.” Sagot ko. Natigilan siya at ngumiti. Nagpanggap na galit bago nagsalita.
“Walang utang na loob. Sasabay ako sa ayaw at sa gusto mo, Andrei Dionisio. At saka hindi naman ako sayo sasabay, kay Lester at Cedric.” Sagot niya nang may pang-aasar ang dumila pa. Wala akong nagawa kundi ang ngumiti.

“It was nice knowing you slowly, Audrey Tolentino. Kalog ka din pala.” Bulong ko sa sarili ko at naglakad na palapit sa naghihintay kong mga kaibigan.

The Girl I Cannot HaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon