Chapter 1 : Cute

111 5 2
                                    

"Max, you need to be here na. Magsisimula na ang photo shoot. Nasan ka na?"

Kanina pa ako kinukulit ng manager ko, kesyo magsisimula na daw 'yung photo shoot eh kaya lang naman na delay yan dahil wala silang makuhang ka partner ko sa shoot.

Ilang araw na din akong nag antay. Ngayon naman na meron na, tamad pa akong kumilos. Nako naman! What to do?

"Miss J, pwede pa po bang mag extend ng mga 15 minutes? Please? Nagbibihis pa ako eh."

Hindi. Kakabangon pa lang talaga! Make a move Maxine!

"Maxine Angeles! Do you have any idea how many times you asked me that question? No excuses. Move! If I know, kakabangon mo pa lang."

Kilala na talaga ako ng manager ko kaya wala na akong magagawa.

"Okay okay. Eto na."

Buti na lang hindi na masyadong traffic. 10am na din pala. Eh 9:30 ang simula nang photo shoot. Late na talaga ako!

Pagka park ng kotse umakyat na ako sa 3rd floor ng building. Jusko naman! Mahaba habang araw to!

"Sa wakas, nakarating ka na rin! You're---" bungad sa akin ng 29 years old kong manager.

"I know Miss J. 30 minutes late. So, start na ba?"

"Aba oo! Ikaw na lang inaantay. Magbihis ka na at nang makapagsimula na tayo." sabi ni Miss J sakin.

Pumunta na ako sa dressing room at may napansin na akong mga make up artists na nagkukumpulan sa isang sulok. Baka naman yung makakasama ko.

"Max, ready na!" sigaw ng manager ko sakin mula sa labas.

Lumabas na ako at nakita kong naka set up na din ang lahat. Ano nga ulit na photo shoot eto? Nakalimutan ko.

"Oh, asan na 'yung mga tuta?" tanong ng isang staff na may hawak na papel at ballpen.

Seriously? Bakit may tuta? Anong photo shoot ba eto? Hindi ata ako na inform.

"Anong mukha 'yan? Wag mong sabihing nakalimutan mo kung anong endorsement etong gagawin natin? Max, it's a dog food. Kaya all throughout ng shoot eh may hawak hawak ka na tuta. Wala naman tayong problema dun diba? May tuta ka sa condo mo kaya no worries." Paliwanag ng strikta kong manager.

"Oo na! Nagulat lang naman ako. Nawala lang sa isip ko. So, where's the puppies?"

Napalingon ako sa likod ko nang mapansin kong nakatingin dun ang manager ko.

May isang lalaking sa hula ko ay kasama sa photo shoot na may dalang cute na cute na tuta.

Isang color brown at yung isa color white. Yung lalaki naman nakangiting papalapit samin. Ugh! Creepy niya ah.

"Uh, hello! Eto nga pala yung hahawakan mo. His name is Mallows." Bungad niya sa akin sabay abot nung color white na tuta.

Kukunin ko pa lang sana eh tumalon na yung tuta sakin.

"Mukhang gustong gusto ka ni Mallows ah." Nakangiting sabi ni Mr. --- ano nga pangalan niya?

Napansin ata ng lalake na kumunot ang noo ko habang tinitingnan siya kaya agad na nagpakilala sakin.

"Ay oo nga pala. Ako nga pala si Jhann. Jhann Alitheo. You must be Miss Maxine Angeles?" sabi niya.

"Ako nga, nice meeting you!" sabi ko naman saka abot ng mga kamay niyang nakalahad sakin.

Wow! Ang galing naman niyang pumorma. Jeans and shoes, with light blue na inside shirt at cardigan na white. Hm. Di na masama. Pareho pa kaming naka cardigan na white pero light pink naman ang panloob ko para daw comfy - ayon kay Miss J.

Now, we look exactly like couple. Sadya ba nila 'to?

"So, tapos na kayo sa getting to know each other kaya pwede na ba tayong magsimula?" singit ng manager ko.

Andito pa pala 'to?

"Sige po Miss J." sagot naman ni Jhann.

Pinapunta na kami sa gitna. Si-net ang mga ilaw, cameras at iba pa. Ang unang shoot ay manggagaling kami ni Jhann sa magkabilang direksyon with our puppies - ako kalong kalong si Mallows samantalang 'yung kanya may tali sa leeg and we'll meet half way.

Madali lang naman ang shoot. We took 3 shoots then - tapos na! Tiningnan namin ni Jhann ang resulta at good naman.

"Hmm. May chemistry ah!" sabi nung director.

Eh? Kami ni Jhann? Meron ba?

"Oo nga. Looking forward for more projects with them!" sang ayon naman nung may ari ng product na in-endorse namin.

Napangiti na lang ako.

Maya maya lang, pack up na kaming lahat. Habang hinihintay si Miss J, nilalaro ko naman si Mallows na nakakandong sa lap ko. Ibinigay na sa amin ang tuta after ng shoot. Samin na daw, premyo na kumbaga kasi maganda 'yung naging resulta ng 30 minutes na pagod. Whoo! Worth it naman pala!

I'm blessed today. Yay!

Napalingon ako sa gawi ni Jhann nang marinig kong tumatahol ang aso niyang si Nutella.

Haay. Sino naman nakaisip nang pangalan nang mga asong 'to? Nakakagutom tuloy! Tinatahulan ni Nutella si Jhann na may kausap naman sa phone.

Hindi papasa sakin 'to. Hindi maalaga sa tuta. Tsk.

Strike one.

"Huy! 'Yung tuta mo, tahol na ng tahol sa'yo di mo pinapansin." Bungad ko kay Jhann nang makalapit na ako sa kanya pagkatapos niyang ibaba ang phone niya sa table.

"Nah. Yaan mo na 'yan!" sabi niya.

Aba! Loko 'to ah!

"Grabe ka! Maawa ka naman sa tuta. Ayaw mo ba?"

"Gusto mo sa'yo na. Eto oh!"

Sure ba siya? Ibibigay niya talaga sakin? I must be very lucky today! I have two puppies with me at maiuuwi ko sila sa condo. Gahd!

"Sigurado ka? Just asking lang naman eh. Nakakaawa naman kasi si Nutella eh, cute cute pa!" sabi ko habang ginugulo ang buhok ng tuta.

"Oo nga. Basta aalagaan mo ah! And please don't change their names, ok?"

Ang OA naman neto. Akala ko ba ayaw niya dito? Hmp. Sige na nga.

"Fine. Makakaasa ka! Ako pa ba? Magaling akong mag alaga noh!" pagmamayabang ko sabay kuha kay Nutella sa mesa.

"Halata nga! Sige na, una na 'ko sa'yo. 'Til next time!" sabi niya saka tumayo at kinuha na ang backpack na dala kanina.

Ang sungit naman ng amo mo, Nutella. Buti ka pa, cute. Sa isip ko habang yakap yakap si Mallows at Nutella.

-❤

Hello kapitans! This is my second story. Still a MarNella fanfic. Hope you'll like it.

And by the way, please do comment and vote. It'll be a great help for me!

Walang update if walang comment. Chos! Ayun, comment naman po ha? Mas nakaka inspire po kase pag ganun.

Thank you. Mua!

Virtual hugs and kisses,
@kapitanfuschia_ on Twitter.
#TakeAChance

Take A Chance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon