Chapter 7 : Pride

97 4 0
                                    

[Altair's POV]

"Kanina mo pa paulit ulit na pinapanuod 'yang video na 'yan ah? Ano bang meron diyan?" tanong sa akin ni Mama.

Nung isang linggo pa ang video na 'to pero ampotek hindi ko mapigilang panuorin. Oo, inaamin ko magaling sila pero mas magaling naman ako dito.

Sinilip ni Mama ang video at napangiti pa siya.

"Talagang sikat na ang batang yan ano? Dati rati sa mga barangay lang kumakanta iyan. Kasa-kasama pa ang Mama niya pero ngayon ayan, nasa kanya na ang spotlight. Napaka-versatile." komento ni Mama.

Si Maxi ang tinutukoy niya. Kanina ko pa kase pinapanuod ang cover nila ni Jhann ng "Right Here, Right Now" at higit 3M views na. Nag trending pa silang dalawa nung nakaraan. I wonder anong meron sa dalawang ito at agad silang napamahal sa tao. I need to discover it.

"Ang galing din ng ka-loveteam niya nak ha. He's a good singer too. Mukhang kikita talaga ang Dream Stars sa kanila." komento pa niya.

Pinanuod ko ulit ang video. Ang sweet pa nila. Si Maxi tumutugtog ng ukulele while singing. Si Jhann naman gitara ang hawak at nagse-second voice. I can say na okay ang blending nila at talagang nababalanse nila ang boses ng isa't isa. Walang sapawan. May bigayan. Baka ganun kaya umabot sa milyon ang views ng video nila. At kung bakit ganun na lang ang kapit nila Boss sa dalawang 'to.

Tsk. I should do something. Hindi pwedeng tutunganga lang ako.

"Ma, may pupuntahan lang po ako." paalam ko kay Mama.

Kinuha ko ang susi ng kotse ko, cap, shades at phone. Agad kong ni-dial ang number niya.

"Yes?" sagot niya sa kabilang linya.

"We need to talk."

———

Nandito ako sa private resort ng kaibigan kong si Triten. Highschool friend. Sabi ko sa kanya may kikitain ako dito. Pumayag naman siya. Wala masyadong tao dito ngayon kaya pwede kaming makapag usap dito ng walang paparazzi na bumubuntot.

Sabi niya, dito ko siya antayin pero hanggang ngayon wala pa ang sosyalerang babaeng iyon. Asan na ba yun?

"May I know why did you call me?" bungad niya sa akin.

Sa wakas! Andito na rin siya. Mga babae talaga. Well, except Maxi.

"Hello to you, too!" bati ko sa kanya.

Napailing na lang siya.

"Anong kailangan mo? Alam mo bang naistorbo mo ang beauty rest ko? Anong pag uusapan natin? Siguraduhin mo lang na importante yan ha."

Kahit kailan talaga ang daldal niya.

"Ang dami mong sinabi ha. Isa lang concern ko now, what can you say?"

Napatingin naman siya sa tanong ko. Alam kong alam niya ang tinutukoy ko.

"Hay nako, Altair. Nilalamon ka na naman ng pride mo! Ikaw nga nagsabi dati diba na you and Jhann Alitheo are different. Asan na yun ngayon?" komento niya.

Sabi na eh ganito sasabihin ng babaeng to. Bakit nga ba siya tinawagan ko?

"We should make a plan. Hindi pwedeng maungusan tayo ng JhaXine, Clarisse. I need this attention, the spotlight, the fame. Matagal kong pinaghirapan to tapos mawawala ng ganun lang? Dahil sa Inseparable Sweetheart na yan?" sabi ko.

Alam kong bago lang ako sa industriyang 'to. Nang dahil sa pumatok na movie namin ni Clarisse kaya nakilala kami ng tao. Pero hindi pwedeng doon lang. Ampotek! It should be more than THAT.

Take A Chance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon