Chapter 5 : Revelation

67 5 0
                                    

Kanina pa ako napapatingin sa katabi ko. Lagi naman kasing nalingon sa akin. May dumi ba ako sa mukha? At pansin ko din kanina niya pa hinahawakan ang kamay ko.

Ano ba talagang meron?

Katatapos lang ng contract signing. May gagawin akong limang pelikula sa RAM for 3 years and take note with this Jhann Alitheo pa. Ano ba pinaplano ng management at mukha akong ewan na hindi alam ang nangyayari?

Ang magaling kong manager, nginingitian lang ako. We're having a press con now. At hindi ko alam ang irereact ko sa kanila. Clueless ako! Owh-em!

"So, we heard na may bago daw pong loveteam ang Dream Stars ngayon Boss Kath, care to share po sino sila? And ano po ang aabangan namin sa kanila?" tanong ng isang member ng press.

Wow! Artist ako ng Dream Stars pero hindi ko alam na may nilulutong loveteam si Boss Kath. Except kay Clarisse at Altair. Sila pa lang ang kilala kong competitive na loveteam sa network ngayon.

"That's why we're here, guys. Gusto namin ipakilala ang bagong loveteam ng Dream Stars!" may halong excitement na balita ni Boss Kath.

Kahit kailan talaga napaka-energetic niya. Kaya siguro ayaw pakawalan ng boyfriend niyang si Sir DJ. Kailan kaya kasal nila? Anyways.

"Wow! So they'll be here any minute from now Boss?" tanong ng baklang reporter.

"Yes! Actually, andito na sila! Kanina pa." natatawang sagot ni Boss. Pati si Maam Rochelle at mga manager namin eh abot anit din ang ngiti.

Wait! Don't tell me...

"Guys, meet the Dream Stars NEW Inseparable Sweetheart - Maxine Angeles and Jhann Alitheo!"

HUWAAAAT? Ako? At ang Jhann Alitheo na ito?

Narinig kong nagpalakpakan ang member ng press at agad nagpaulan ng mga tanong sa amin.

Nagbeso naman si Jhann at si Boss Kath. So ibig sabihin, he knew this all along? Ugh! Pagkaupo ay kinulbit ko siya sa braso.

"Hoy Alitheo! You knew all this drama?" bulong ko.

"Relax, Angeles. Don't tell me you're not enjoying this? The fame and the attention."

Aba! Yabang neto ah!

"I don't care about that fame and attention, Mr. Alitheo. Ang akin lang, wala man lang akong ka-ide-ideya sa nangyayari. What's this all about?" paghuhurumentado ko.

"Haven't you heard what Boss Kath announced? We are now the Dream Stars' Inseparable Sweetheart!" nakangiti niya pang pag-uulit sa akin.

"Is this even real?"

"Angeles, masanay ka na. This is showbiz." sabi niya sabay akbay sa akin.

Pinanliitan ko siya ng mata dahil sa ginawa niya. Aba! Hindi naman natinag ang mokong. Nakaakbay pa din.

"Gusto mo bang maagang mawalan ng trabaho? This is show we do, Angeles. Para ngayon pa lang, patok na agad tayo sa tao." sabi niya.

May point naman siya. Pero bakit akbay talaga? Pwede namang hawak kamay lang. Not that I prefer holding hands ha. At hindi ako defensive. Ang advance naman kase nito masyado.

Napansin ata ng press ang kunwaring sweet sweetan namin ni Jhann kaya agad kaming nilapitan at tinadtad na naman ng mga katanungan.

Pinatayo ako ni Jhann at hinawakan sa kamay.

Teka. Iba ang hawak niya. Yung tipong may pag-iingat.

Ugh! Scratch that! This is show, Maxine. Wake up!

"Anong masasabi niyo na kayo na ang bagong loveteam na aabangan ng mga tao ngayon? And binansagan pa kayo ni Boss Kath na "Inseparable Sweetheart?" tanong ng isa sa press.

Si Jhann na ang sumagot. Ako naman nangingiti lang.

"Siyempre po, Maxine and I were very thankful sa blessing na ito. Especially sa Dream Stars at kay Boss Kath at ngayon aah, pressure pero part naman po ito ng development namin as an artist. Sa pagiging bagong loveteam, well, yun po ang dapat abangan ng mga tao sa amin." sagot niya.

In all fairness, he's a convincing actor huh.

"Ikaw naman, Max. What can you say sa surpresang ito ni Boss at ni Maam Rochelle? Mukhang na surprise ka talaga ah." natatawang tanong ng isa pa.

"Ah, eh.. Honestly speaking, I was surprised. Wala naman po kasing nabanggit ang manager ko sa akin tungkol dito. But still, I'm thankful sa blessing na ito." sagot ko.

"Last question Max and Jhann, ano naman ang nilo-look forward niyo sa isa't isa ngayong madalas na kayong magkakatrabaho at loveteam pa?"

Nagkatinginan muna kami ni Jhann at ngumiti bago humarap sa press.

"Enjoy lang po and sana mas makilala ko pa si Maxine since makakasama ko siya throughout the year. I'm sure naman magkakasundo kami." nakangiting sagot ni Jhann.

Napangiti din ako sa sagot niya. A genuine one.

"Well, let's see po talaga if ano po ang maibibigay namin sa tao. Pero I'm looking forward na sana mahalin po ng tao ang loveteam namin at ang mga gagawin namin." sagot ko naman.

Tiningnan ako ni Jhann at ngumiti siya. Hindi naman fake. Tama lang. Now, the show is REALLY on!

Take A Chance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon