Chapter 3 : Dinner

63 5 0
                                    

Quarter to seven. Andito na ako sa sala kasama si Mallows at Nutella. FYI, hindi ako excited. Gusto ko lang matapos na agad ang dinner na 'to.

I just wore my ripped jeans and converse shoes, white top and black cardigan. May cap din akong suot with shoulder bag na may dalang cellphone, earphone, shades, konting pagkain ni Low at Ella and wallet.

Mahirap na baka ako pa pagbayarin ni Altair sa dinner na 'to.

Bigla namang tumunog ang doorbell ng condo ko kaya sigurado akong siya na 'to. Dala-dala si Mallows at Nutella, deretso na akong pintuan para salubungin ang bwisita-este bisita.

"Don't tell me, dadalhin mo 'yan?" bungad sa akin ni Altair sabay turo sa dalawang tuta na hawak ko.

"Of course! Alangan naman iwan ko sila dito? Well, except Snow kase behave naman siya 'pag naiiwan dito sa condo ko. Unlike these two, kailangan ko pang aralin ang traits nila so I need to bring them along. May problema ba sa'yo yun?" paliwanag ko.

Asa naman, makakatanggi pa siya.

"Pambihira ka talaga, Maxi. Sigi na, wala naman na akong magagawa." sabi na lang niya sabay kamot sa batok.

"So ano? Tatayo na lang ba tayo dito? Nasasayang oras ko. May taping pa ako bukas."

"Ikaw na talaga, Maxine Angeles. Halika na."

Nauna na akong maglakad sa kanya.

Tahimik lang ako sa byahe. Nilalaro ko lang ang balahibo ni Low at Ella. Si Altair naman, ang daldal. Daig pa babae.

"Andito na tayo, Maxi." maya-maya ay huminto na ang sasakyan sa isang magarbong restaurant.

Sosyal ang lolo mo!

Bumaba na ako agad. Para matapos na 'to. Isa pa, gutom na talaga ako. Pagpasok pa lang namin nakatingin agad sa amin ang mga tao. Tsk. Kaya ayaw ko lumabas eh.

"Malayo naman tayo sa kanila para di ka mailang." narinig kong sabi niya sa akin na tila alam niya ang nasa isip ko.

"Okay lang, sanay ako sa kasikatan." hindi ako nagmamayabang. Gusto ko lang talagang barahin tong si Altair.

Maya-maya lang ay dumating na ang mga pagkain. Andami! May steak, salad, soup at cake pa. Papatayin na ba ako?

Tahimik lang akong kumakain nang magsalita si Altair.

"So what are their names?"

"Hmm?" baling ko sa kanya. Pinapapak ko na ang dalawang slice ng cake kanina.

"Ayan. 'Yang mga alaga mong tuta. Ang kukyut kase nila." sabi niya ng nakangiti.

Napatingin ako sa dalawang tuta na nasa ilalim ng upuan ko. Behave naman sila. Tahimik lang na kumakain ng baon nilang pagkain.

"Mallows and Nutella name nila. Si Low yang color white. Si Ella naman yang color brown." sagot ko.

"Nakakagutom naman pangalan nila.. Sino nagpangalan? Ikaw?"

"Nope. Jhann gave their names."

Natigilan naman siya nang sabihin ko yun. May nasabi ba ako? Ba't parang 'di maipinta mukha neto?

"Y-You mean.. J-Jhann Alitheo?" nag stutter pa.

"Yes. Jhann Alitheo. You know him?"

"Kinda. Wait, you mean magkatrabaho na kayo?" tanong niya.

"I just dunno. Sa commercial shoot pa lang kami nagkasama. Why?"

Impyerness! Matino kaming mag usap ngayon ah. Oh, never mind.

"He's a rival of mine. Dati. Galing siyang FNetwork. Hindi ko alam lumipat na pala siya?"

"Yes. Isa pa, wala akong ideya if may project na talaga siya sa Dream Stars. Threatened ka ba dahil iisa na lang kayo ng network ngayon?" tanong ko.

Nagulat siya kaya huminto siya sa pagkain. Di niya ata inasahan ang tanong ko.

"T-Threatened? W-Why would I? We're different. May sarili siyang kakayahan at ganun din ako. So, bakit ako mai-insecure?" paliwanag niya.

Haha! Tamo 'to! Halata masyado.

"Sabi ko lang if threatened ka. Hindi ko sinabing insecure ka." sabi ko na tatawa tawa.

"Ganun din yun! Haaay. Kumain ka na lang nga.." iwas niya.

Bumalik ako sa pagkain ng cake. Hmm. I wonder ano kayang meron sa Jhann na yun at ganito na lang mag react itong si Altair? Insekyora ang lolo mo teh!

-

"Siguro naman, titigilan mo na ako sa kakakulit mo?" tanong ko kay Altair.

Nakabalik na kami sa condo ko. Sabi ko wag na niya ako ihatid mismo sa condo pero nagpumilit siya kaya di na ako nakipagtalo. Last na naman to kaya pagbigyan na.

"Maxi naman! Iisang network tayo kaya imposibleng hindi kita makikita. Alangan naman dedmahin kita?" reklamo niya.

"Oo. Ganun na lang."

"Hindi pwede.."

"Ba't mo ba pinipilit? Eh ayaw ko nga diba? Tsaka maraming ibang artista diyan! Dun ka na lang sa kanila.."

"Hard mo, Maxi. Sigi na nga, let's just be civil. Pero dapat mamamansin ka pa rin ha?"

"Oo na. Ngiti lang. Sigi na, I'll better go to sleep. Salamat sa dinner." sincere kong sabi.

"Lion. Maliit na bagay."

Tsk. Yabang talaga!

"Yabang mo!" sabi ko.

"Friends mo na naman. Sigi na, I had fun with you tonight. Bye Maxi!" paalam niya.

Tiningnan ko na lang siya na papaalis. Hindi din naman pala masama maging kaibigan ang mokong na to.

Siguro nga, I'll try.

Take A Chance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon