Chapter 10 : Caught

29 4 0
                                    

Alert: Short update lang po ito. Medyo nawawalan ako ng inspirasyon ngayon, kapitans.

Onting pampagana naman diyan oh! ( ̄. ̄)
Vote and comment po. ♥

-----

[Clarisse's POV]

Kanina pa nakaalis si Jhann at Maxine pero Altair is still in the mood to act. The press aren't leaving pa kase.

Maya-maya lang ay umalis na din sila. Thank God! I badly needed rest.

"Umalis na ang JhaXine pero todo acting ka pa rin. Hanep ka din eh noh?" bungad ko sa kanya.

"Siyempre. It's part of the plan. Convincing diba?" sagot niya na nangingiti pa.

Umiiral na naman pride niya. Hindi ko alam kung may magagawa pa ba ako sa isang to. Kumukulot bangs ko sa kanya!

"I know what you're thinking, Risse. Easy ka lang. Wala pa naman akong ginagawa."

"Wala PA. Hay nako! Teka nga, may iba pa bang plano liban sa acting actingan mo kanina?" tanong ko sa kanya.

Nangiti lang ang mokong. As if naman manghuhula ako.

"Madami pa, Risse."

Sabay na kaming lumabas ng studio ni Altair. Nagyayaya kase siyang mag-Starbucks. Go naman ako, libre eh!

Papalabas pa lang kami pero napatigil bigla si Altair sa paglalakad. Napaatras tuloy ako dahil nabunggo ng malapad niyang likod ang ilong ko. Langya, ang ilong ko!

Nang tingnan ko siya, nakatayo lang naman. Nang silipin ko kung saan nakadako ang paningin niya eh napangiti ako. Na-love at first sight ata ang lolo niyo. Hihi.

May maganda kaseng babae na nagtatali ng sintas ng sapatos niya. Sa unang tingin para siyang modelo. Kakilala kaya to ni Altair?

"Huy! Natulala ka na diyan! Maganda ba ang view?" tapik ko sa likod niya.

Bigla naman siyang nagulat sa ginawa ko at agad agad na lumipat sa likod ko. Nu problema niya? Kanina lang manghang mangha siya tapos ngayon kung makatago parang nakakita ng multo.

"Itago mo ako, Risse!" sabi niya.

"Luh. Bakit naman?"

"Basta. Wala nang maraming satsat. Dali na!" bulalas niya na nakahawak pa sa magkabila kong balikat.

"Wow ha! Maka demand teh? Ano ba kase nangyayari sayo?"

Hindi ko na siya narinig na sumagot. Nang silipin ko siya sa likod eh wala na pala. Bastos ah, kinakausap pa eh.

"Ah hello po. Pwede po ba magtanong?" maya maya ay narinig kong boses ng babae.

Paglingon ko ay bumungad sa akin ang magandang mukha ng isang babae. Siya yung babaeng tinitingnan ni Altair kanina. Pero mas nakakagulat ang facial expression niya. Nakanganga pa siya at nanlaki ang mata.

What's with her?

"OH MY GAAAAHD!!" bulalas niya.

Napalingon tuloy ako sa mga tao dito sa building. Karamihan sa kanila nakatingin sa'min.

"Uhh, Miss. Are you okay?" tanong ko sa babaeng napasigaw.

Bigla-bigla na lang ay yumakap siya sa akin. Saka ko lang napagtanto na isang 'Clarisse Evangelista' pala ang kaharap niya ngayon.

Napangiti na lang ako ng kumalas siya sa yakap.

"Ay sorry po. Na excite lang po ako masyado. Imagine, kaharap ko ang ka-loveteam ng boyfriend ko!! OMG!!" maya maya ay bulalas niya.

Take A Chance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon