GoodnightNagngingitngit ang aking kalooban at mabibigat ang paang naglalakad papasok sa resthouse. Hindi pa rin talaga maalis sa aking isip ang sinabi ng Paeng na yun. The nerve of him to describe me as an eyesore! Hindi por que at ubod niyang gwapo kung ikukumpara sa ordinaryong tao ay ganun ganin nalang siya kung makapagsalita dahil hindi yun katanggap tanggap!
Nakasalubong ko si Daniel sa may may luving room ng resthouse doon sa parte kong saan nagtagpo ang landing ng stairs patungo sa pangalawang palapag ng resthouse. Malaki naman abg resthouse maari siguro itong nakaaccomodate ng twenty persons kaya naman oaniguradong hindi namin mauukopa ang lahat ng kwarto since nasa walo lang naman kami sa team na pumatito para icheck ang pinakasite ng resort na aming tatrabahuin.
Nakakunot ang noo ni Daniel at nagtataka marahil kung bakit hindi maipinta ang aking itsura.
"Oh, napaano ka dyan?" Tanong niya sa akin ng sa wakas ay makalapit ako sa kanya.
"Wala!" Madiin at pagalit kong sagot sa kanya. I don't have any time for bullshits dahil hindi pa din humuhupa ang silakbo ng damadamin ko. Silakbo ng galit sa lalaking may mabantot na pangalan! Ha! Akala niya siguro ay natutuwa ako sa kanya kung kanina ay halos sambahin ko siya dahil sa kanyang angking kagwapohan sa kabila ng mabantot niyang pangalan ay nagkakamali siya dahil ngayon ang akung nararamdaman ay naguumapaw na inis para sa kanya. Napakapresko niya! Arogante masyado! Ha!
"Wala daw. May wala bang pulang pula ang mukha, salubong ang mga kilay, umuusok na ilong at mabibigat na lakad. Eh tinalo mo pa ang may nakakabit na bakal sa paa eh sa bigat ng lakad mo. Itsura palang parang susugod kana ng giyera." Napapailing niyang pahayag ng kanyang konklusyon sa aking asal ngayon na siyang nagpatigil sa aking pag hakbang paakyat sa pangalawang palapag ng resthouse. Nilingon ko si Daniel at matalim na tiningnan.
"Sabi ng wala lang eh!" Pasinghal kong sagot ng may mabibigat na hininga. Napabuntong hininga si Daniel habang ako ay tinititigang mabuti at ng mapagtantong wala siyang mahihitang sagit sa akon ay naglahad ng kanyang kamay sa akin upang ibigay ang susi ng magiging kwarto ko.
Tinanggap ko ito at ipinagpatuloy ang pag-akyat na naantala ng chismoso kong pinsan. Malapit na ako sa landing ng pangalawang palapag ng marinig ko ang sigaw ni Daniel kung saan ba licated ang aking kwarto.
Madali ko namn itong natunton at dali dali ko itong binuksan gamit ang susing ibinigay ni Daniel sa akin. Doon ay tumambad sa akin ang isang katamtamang laki ng kwarto na napakalinis, dahil na ri siguro sa pintura nitong kulay puti at liwanag na nagmumula sa bukas na balkonahe at lumilipad lipad pa abg kanyang kulay puti ring kurtina inilapag ko ang dala kong hand carry na naglalaman ng mga personal kong gamit at sling bag sa kama, nakita ko naman ang maliit kong maleta sa gilid ng kama na paniguradong si Daniel ang nagdala siya naman kasi ang nagdala non simula airport e.
Tinungo ko ang balkonahe ng kwartong aking inuukopa at sumalubong sa akin ang mas magandang tanawin ng dagat. It's a bettet view up here kumpara sa tanawin kanina. Agad kong pinalis ang aking iniisip ng mapadpad ito sa di kanais nais na eksena kanina na kung maari ay ayaw ko ng maalala.
Ilang sandali din ang inilagi ko sa balkonahe bago ko napagpasyahang bumalik sa loob ng kwarto. Katamtaman lamang ang laki nito hindi ganun kalaki ng kwarto ki sa aming bahay ngunit hindi din naman maliit. Napipinturahan ito ng kulay puti gaya ng kulay ng aking kwarto, paborito ko itong kulay dahil na rin simple at bukod roon ay maliwanag at mali is tingnan.
Sa gitna ng kwarto hindi malayo sa aking kinatatayuan ay ang queen size bed na nababalot ng kulay puti ring bedspread at comforter na nay mga mumunting hugis bulaklak na kulay peach. Ang sahig naman ay hard wood, kakaunti ang mga gamit dito sa kwaryo kaya naman maliwalas na maaliwalas ito.
BINABASA MO ANG
HOPELESS
General Fictionhope·less(hō-pləs) : having or feeling no hope : unable to be changed : unable to be helped or improved : very bad Juno Ysobelle, a twenty two years old Civil Engineer. One of the most sought after. And very career driven. She's contented with her l...