Kabanata 3

3 1 0
                                    

Lambat

Nagising ako sa sunod sunod na katok sa pintuan ng aking kwarto. Labag sa loob akong nagmulat ng aking mga mata at nagulat sa estrangherong silid na aking namulatan, inilibot ko ang aking paningin sa silid at tsaka lamang nagsink in sa akin na nasa Isla Huma nga pala kami ngayon para sa aming bagong project.

Tamad kong inalis ang comforter na nakabalot sa aking katawan at sumalubong sa sensitive kong pandama ang lamig na bumabalot sa aking kwarto. Ni hindi ko nga nabuksan ang aircon ng kwarto dahil na rin sa malamig na  simoy ng hangin na pumapasok mula sa nakabukas na pinto patungong balkonahe.

Pupungas pungas akong humakbang patungo sa pintuan ng aking kwarto dahil sa walang tigil at palakas na palakas na katok mula sa kabilang bahagi ng pinto.

Binuksan ko ito at tumambad sa akin ang impatient na pagmumukha ng aking pinsan na nakataas ang nakakuyom niyang kamao at nasa akto ng pagkatok.

"Oh?"  Tanong kay Daniel habang kinukusot ang inaantok ko pang mga mata. Kumunot ang kanyang noo ng mapagmasdan ang bagong gising kong itsura na halos pumikit muli ang mga mata sa antok.

"Anong nangyari sayo?" Nagtataka niyang tanong. Idinilat ko ng mabuti ang aking mga mata para makita ng maayos ang kanyang reaksyon.

"Anong nangysri sa akin, ang tinatanong mo dyan? Kakagising ko lang at di pa ako nakakapaligo kaya ganyan ang itsura ko. Para namang first time mo akong makita ng ganito." Nakasimangot kong sagot sa kanya sa pagaakalang ang bagong gising kong itsura ang kanyang tinutukoy niya. Na naging dahilan ng lalong pagkunot ng kanyang noo sa pagtataka.

"Hindi yun ang tinutukoy ko, Juno. Pagkarating natin kahapin dito ay natulig kana agad, ni hindi ka nga magising sa mga katok ko ng ginigising kita para makapaglunch at dinner eh tapos ngayon kung maka asta ka parang wala kang tulog buong magdamag." Mahaba niyang litanya. At doon ko lamang napagtanto at naalala ang dahilan kong bakit buong magdamag akong dilat at nakangiti.

Bigla akong napangiti sa aking naalala, nakalimutan ang pinsan kong nakatayo sa aking harapan na nakatunghay sa aking mukha at nagtataka sa kakaibang ngiting naglalaro sa aking mga labi.

"Hoy! Hoy! Ano yan ha, Juno?" Isang marahang pitik sa aking noo ang aking naramdaman na siyang nagpabalik sa tumakas kong diwa. Napatingin ako sa pinsan kong nakatayo pala sa harapan ko at puno ng pagdududa akong tiningnan.

Biglang naginit ang buo kong mukha sa kahihiyan na siyang nagkanulo sa akin.

"Juno?" Nagbabanta niyang banggit sa aking pangalan at mataman akong tiningnan.

"Ha? W-wala no! Ano ka ba!" Hindi magkatuto kong sagot at napaiwas ng tingin dahil hindi pa din humuhupa ang pamumula ng aking pisngi. Mas mataman niya akong tinitigan at mas lalo kong iniiwas ang aking mga mata, pilit kinakalma ang aking sarili.

"Bakit ka nga pala napunta dito sa kwarto ko?" Kapag 'kuwan ay tanong ko upang maibsan ang napakaawkward na katahimikan at para na din maiwala ang usapan.

"Edi syempre ay para gisingin ka at pupuntahan natin ang site mamaya." Matapos ng ilang sandali ay sagot niya pero alam kong alam niya na iwinawala ko lamang ang usapan kaya bago pa siya nakahirit ay inunahan ko na siya. Humakbang na ako papasok ng kwarto ko para maiwasan na ang paniguradong paggigisa niya sa akin ng mga tanong na ayaw kong sagutin.

"Ganoon? Osya at ako'y maliligo na para makaalis tayo agad." Sambit ko ng nakasilip nalang sa maliit na awang ng aking pintuan at mabilis na din itong isinarado.

Napasandal ako sa likod ng pintuan at isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan. Muntik na ako doon ah, si Daniel talaga. Wala sa sarili akong napangiti ng nahagip ng aking mga mata ang tray na naglalaman ng wala ng laman na baso at platito. Ang siyang dahilan kung bakit ako napuyat ng nagdaang gabi.

HOPELESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon