Kabanata 4

6 1 0
                                    


Hindi pa din ako nakamove on sa aking nakita. Dahan dahan kong ibinaba ang hawak hawak kong camera at pinagmasdan ang kanyang pigura na papalapit sa resthouse, katabi niyang naglalakad ang isang binatilyo na nasa sixteen to eighteen years old na may dala dala namang basket kung saan mukha nilang nilalagay ang mga nahuling isda.

Ibinalik ko ang aking paningin sa kanya na ngayon ay nakalapit na sa grupo ng mga nauna kong kasama, hindi nakatakas sa aking mga mata ang lihim na pagsisikuhan ng mga kasamahan kong babae na naging dahilan ng biglaang pagsama ng tiimpla ng aking pakuramdam. Hindi ko matanggap na mayroong ibang kalahi ni Eba ang tumitingin kay Paeng parang sumisikip ang dibdib ko sa inis. What the! 'Teka nga lang, Juno. Napakatunog territorial naman ng iyong komento' kastigo ko sa aking sarili.

Ipinilig ko na lamang ang aking ulo baka sakaling maibsan ang pagkukutkot ng aking damdamin at para ba di matigil ang kung ano anong walang kwentang bagay ang pumapasok sa aking isipan. Ibinaling kong muli ang aking mga mata kay Paeng na kasalukuyang binabati ni Daniel, sa kabila ng napakasimple niyang suot at dala dalang lambat hindi pa din talaga maitatanggi ang kagwapuhan niyang taglay, na kahit na ang pinsan kong si Daniel at kaibigan naming si Clarence na ubod ng gagwapo ay  at hinahabol habol ng mga kababaihan ay mukhang wala pa din sa kalingkingan ng kakisigang taglay ni Paeng.

Kung si Daniel ay makakakuha ng mga babae sa pamamagitan ng pagiging gentleman, si Clarence naman ay dadaanin sa performance, si Paeng naman ay tatayo lamang sa isang sulok ng may dalang lambat at paniguradong kakaripas agad ang mga kababaihan at magsusumamong papasukin sa kanyang lambat. Ganoon ang kanyang dating sa mga kababaihan, kahit na wala pa naman talaga akong nakikitang ibang babaeng nakakasalamuha niya sa loob ng isang buong araw naming pamamalagi dito sa isla bukod sa aminng mga babae sa team at kay Manang Lourdes. Nasisiguro kong ganoon ang kanyang epekto dahil na rin maging ako na halis manhid sa presensya ng mga lalaki sa loob ng dalawampu't dalawa kong pamamalagi sa mundong ibabaw ay nagawa niyang gisingin ang mga damdaming hindi ko alam na mayroon pala ako not unti now. Not until I met Paeng. Ganoon siya kaespesyal.

Kung hindi ko lamang siya kilalang anak ni Manang Lourdes at Manong Roger iisipin kong ampon ito at anak mayaman sa kakisigang taglay. Pero sabagay hindi naman lahat ng gwapo mayaman at hindi din lahat ng mayaman ay gwapo.

Nilagpasan na ni Paeng ang grupo at nagtuluy tuloy patungo sa resthouse lumiko siya at dumaan sa kaliwang bahagi marahil ay sa likod bahay siya tutungo. Tsaka na lamang ako nagbitiw sa aking paninitig sa kanya ng mawala na ang kanyang likod sa aking paningin.

Ibinalik ko na lamang ang aking paningin sa malawak na karagatan ng Isla Huma at napahugot ng pagkalalim lalim na hininga. 'Ano ba ang nangyayari sa iyo, Juno? Sa loob ng dalawampu't dalawa mong taon sa mundo ngayon ka pa naghuramentado sa isang lalaki! Sa dinami dami ng mga nakapalibot sa iyong lalaki sa syudad, sa isang taga isla ka pa talaga makakaramdam ng ganito?' Mahinang pangaral ng aking utak sa naghuhuramentado kong puso.

"Juno! Aren't you comin' with us?" Narinig kong sigaw ni Daniel na siyang nagpalingon sa akin. Mag isa na siyang nakatayo sa may pintuan ng bahay, nakapasok na malamang ang mga kasamahan namin.

Marahan akong umiling sa kanya bilang sagot at itinaas ang dala dalang camera na animo sapat na itong expanation sa aking pagpapaiwan. Tumango siya sa akin.

"Don't linger too long. We'll be having our dinner in a few hours. Magpapahinga lamang kami. Sumunod ka agad, ayt?" Mahaba niyang paalala sa akin bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay.

Naglakad lakad ako sa dalampasigan habang maya't maya ang pagkuha ng mga laraman sa mga random sa bagay. Sobrang nakakahalina ang dagat kaya naman hindi ko na napigilan ang aking sarili at naghubad na ako ng tsinalas habang wala sa sariling binaybay ang kahabaan ng dalampasigan at bumalik din pagkaraan ng ilang minuto pabalik sa parteng nasa harapan ng resthouse. Pinanuod ko din ang paglubog ng araw at paglitaw ng buwan, though it wasn't that prominent yet. Bilog na bilog ang hugis nito parang larawan sa isang painting, very surreal.

Matapos maramdaman ang pangangalay ng aking mga binti ay napagpasyahan ko ng bumalik na ng tuluyan sa loob ng resthouse. Tsaka ko lamang naramdaman ang pagod sa buong maghapon, kaya naman pagkarating na pagkarating ko sa aking kwarto ay dumiretso na ako sa banyo para makapaligo na rin. I decided to take a hot shower to calm my nerves.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 01, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HOPELESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon