Simula

7 1 0
                                    

Nakakalunod

Mabagal ang pagproseso ng aking utak sa natanggap na impormasyon. In-charge Engineer? Ako?

"Are you listening, Juno?" Nakataas aang kilay na tanong sa akin ni Daniel ang aming department head at ang pinakamalapit kong pinsan. Yup, pinsan. Pero ni minsan naman ay hindi niya ako binigyan ng special treatment.

"Pa-Pakiulit nga ng sinabi mo, Dan." Napapatulala ko pa din sambit sa kanya.

"Are you listening, Juno?" Nakangising aso niyang ulit.

"Hindi yun. Yung nauna mong sinabi. Pinakauna." Medyo naiirita ko ng sabi.

"You'll be the Engineer in-charge sa Island Resort na idedevelop ng kompanya. Since hindi ko ito matututukan dahil sa kabikabila kong out of towns and out of the country. Plus the engagement and all." Mahaba niyang litanya kasabay ng pagtanggal ng kanyang suot na salamin bukod kasi sa pagiging department head ay siya din ang leader ng aming team dahil na rin siya ay isang Structural Engineer.

Matanda lamang si Daniel sa akin ng apat na taon pero ikakasal na siya next year sa bestfriend kong si Selene. Engagement party na nila sa susunod na buwan at mas lalo silang magiging busy para sa preparation ng kanilang nalalapit na kasal.

Ilang taon na di naman sila kaya di na nakakapagtaka. Isa yun sa mga dahilan kung bakit di niya masusupervise ang pinakamalaki naming project ngayong taon, so far.

"Seryoso?" Di makapaniwala kong tanong ngunit nakapaskil sa aking mga labi ang napakalaking ngiti.

"Bakit ayaw mo?" Nakataas ang kilay niyang tanong sa akin.

"Syempre gusto. Naninigurado lang." Halakhak ko.

"Omg! I really can't believe it." Sambit ko ulit at hunalakhak ng todo.

Napapailing si Daniel sa habang nakatingin sa aking humahalakhak.
Tumigil ako at tinaasan siya ng kilay.

"Para kang baliw." Sabi niya sa akin.
"Hindi ko talaga alam kung saan ka pinaglihi ni Auntie at para kang palaging nalilipasan ng gutom." Dugtong niya pa.

"Sus! Kahit na anong sabihin mo di mo ako maiinis ngayong araw." Masaya kong sabi.

"And I know how much you love me Dan. Kunwari ka pa dyan." Nakangisi ko pang dugtong matapos tumayo para umalis na sa kanyang opisina.

"Nga pala hang out tonight. Celebration. Drinks on me." Lingon ko sa kanya bago pinihit ang door knob para tuluyan ng makalabas.

Nagmamadali akong hinagilap ang aking dadalhing maleta sa Palawan kung saan ang Isla Huma, ang islang idedevelop namin para gawing resort.

Dumiretso ako sa aming dining at nandoon ang aking pinsang si Daniel at ang isa pa naming kaibigan na architect ng aming team.

Nagsisimula na silang kumain ng dumating ako kaya naman nagmamadali akong umupo at nagsimula na din para hindi ako mahuli kung hindi puro sermon ang aabutin ko kay Daniel. Isusumbat nanaman panigurado ang pagsundo sa akin.

"Dahan dahan ka naman hija sa pagkain at baka mamaya mabulunan ka pa." Pahayag ni mommy habang inilalapag ang gatas sa aking tabi ng makita niya ang nagmamadali kong pagsubo ng hotdog.

"Hindi yan, 'my. At tsaka baka kasi malate kami sa flight namin e." Paliwanag ko matapos malunok ang nginunguya kong pagkain.

Matapos ang ilang sandali ay nakaalis na kami ng bahay at nasa byahe na patungong airport. Nandoon na ang lahat naming kasama patungong Palawan ng kami'y dumating at ilang minuto lang ang aming hinintay ng tawagin na ang aming flight.

HOPELESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon