Naaalibadbaran
Nang maayos na ang aking pakiramdam ay tumulak na kami patungo sa resthouse na aming tutuluyan. Doon kami mananatili hanggang sa matapos ang aming pakay rito at pati na rin siguro sa pagsisimula ng aming project.
Isang Toyota Haice ang aming sinakyan at magiging service habang nandito kami sa Isla na ngayon ay minamaneho ni Manong Roger at sa kanyang tabi ay si Paeng na tahimik na nakadungaw sa labas ng bintana.
Matapos ang aking kahiya hiyang stint kanina ng ipakilala ni Manong Roger si Paeng ay hindi na ako muling nagtangkang lumapit kay Paeng. Masama ata ang kanyang epekto sa akin na ang mapalapit lamang sa kanya ay nagiging dahilan na ng aking hyperventilation which is very foreign to me.
Dahil bukod sa mga mumunting crush na aking naramdaman noong aking kabataan ay never pa akong nagkaroon ng kahit na anong emotional attachment sa kahit na kaninong lalaki. Kaya naman ang paghahyperventilate ko kanina ay talagang nakakagulat hindi lamang sa akin kundi pati na rin sa aking pinsan. Paano nga namang hindi eh halos buong buhay ko ay kasakasama ko na siya, even in my diaper days his already there.
Kaya naman napagdesisyonan kong sa pinakalikod pumwesto kasama si Clarence at isa pa naming kasama na si George. Nagtataka pang napalingon sa akin kanina si Daniel ng dumiretso ako sa likod at laking pasasalamat ko ng tahimik lamang itong lumingon uli sa harapan ng sasakyan at binalewala ako.
Maya't maya ang aking pagbuntong hininga habang tinititigan ang walang kamalay malay na si Paeng na tahimik padin at parang hindi gumagalaw sa kinauupuan at inaantay na may maligaw man lang na tingin sa akin mula sa kanya pero wala.
Grabe naman oh, ilang minuto na akong nakatunghay sa kanya pero kahit aksidenteng pagtingin sa akin wala, kahit sa rearview nalang siya tumingin wala. Ugh! Sobrang ganda ba ng mga puno sa labas at mukahang enjoy na enjoy siya sa panunuod nito imbes na tumingin sa aming mga dayuhan sa Isla. Ibang klase talaga ang Paeng na ito eh! Kaya naman labis labis ang pagngingitngit ng aking kalooban ng maalala ang pagtingin niya kanina kay Patty at ang pinakamalala ay ang pagngiti niya kay Kim ng nagpapabebe ito sa kanya bago sumakay sa van. Intrimitida!
Anong meron kay Patty at Kim na wala sa akin? Para mabiyayaan ng napakalimited na tingin at ngiti ni Paeng mas limited pa ata ang mga ngiti niya sa bagong limited edition shoe collection ng Louboutin eh. Mas kakaunti kumpara sa scarce resources ng nature.
Nakakainis talaga! Aware naman akong maganda ako dahil hindi lamang iisa o di kaya si mommy at ang aking abuela ang pumupuri sa akin madami din kaya sila. Plus the fact na hindi din naman ako salat sa manliligaw in fact madaming nanliligaw sa akin kaya naman nagtataka ang ilan sa aking mga kakilala kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa din ako nagkakaboyfriend at hindi din naman ako makasagot dahil ayokong magpaliwanag sa kanila kung bakit.
Hindi lang din naman miminsang may nag offer sa akin ng modelling stint. Dahil na rin siguro sa taglay kong tangkad na 5'11" na hindi pangkaraniwan sa mga Filipina, magandang bone structure na parehong abundant sa maternal at paternal side ko idagdag na rin ang makinis at napakaputla kong kutis na namana ko pa sa aking mommy na half-spanish since my abuela is a pure pati nga buhok ko eh nagsusumigaw ng kagandahan, ang natural nitong kulay na brown at kulot kulot ang dulo ay nagpapatingkad sa aking facial feature. Kaya sigurado akong hindi ako salat sa panglabas na kagandahan.
Pero bakit Paeng? Kahit tapunan man lang ako ng isang sulyap ay di mo magawa tila ba isa lamang akong walang kwentang bagay na hindi nageexist sa kanyang mundo. At ang mas lalo kong ikinaiirita ay kung bakit ba ako apektado sa hindi pagpansin ng isang taga-islang may mabantot na pangalan. C'mon. Who in their mind would accept a very stinky name? Or nickname. God! I'm crazy. Maybe Daniel is right. Baliw na nga ata ako.

BINABASA MO ANG
HOPELESS
Genel Kurguhope·less(hō-pləs) : having or feeling no hope : unable to be changed : unable to be helped or improved : very bad Juno Ysobelle, a twenty two years old Civil Engineer. One of the most sought after. And very career driven. She's contented with her l...