Chapter 1

10 2 0
                                    


"Ayan na ang multo......"

"Kapal ng face nya girl......ang lakas ng loob pumasok sa G.U."

"Oo nga, pangit pa ang mukha......infairness...."



"Feeling welcomed, eh hindi naman"





Ay naku, ganyan ba talaga ang sasabihin sayo kapag pumasok ka dito sa Gifted University?

Totoo nga, kakatransfer ko palang dito.

Kaya mo bang i-welcome ang isang babaeng hindi pangkaraniwan ang ugali't panlabas na anyo??

Ako nga pala si Twilight Iris N. Edwards. Pangalang para sa isang kinasusuklamang tao.

Sanay na akong tinatawag na multo.

Kasi naman, isipin mo, babaeng dark blue violet ang kulay ng buhok na hanggang sa hita ko (hindi ko yun kinulayan).

Noong buhay pa si Mom, kinulot nya ang dulo ng buhok ko. Isa pang factor kung bakit ang tawag saakin ay multo.

Habang naglalakad ako, tinatakpan ng mahaba kong bangs ang aking mga mata.

Naghahanap ako ng matatanungan kung saan ang room namin........





"Hahahahahahaha!!!!!!!!!"




Natisod kasi ako. Yung mukha ko nahalikan na ang sahig.

"Okay ka lang ba?" May nag-abot saakin ng kamay pero hindi ko pinansin.

"San ka pupunta????"  sabi nung lalaking nag- abot saakin ng kamay

Tumakbo lang ako papunta sa girls restroom, kasama ang mga luhang umaagos sa kaliwa kong mata.

Bakit ba kasi lahat ng tao sinasaktan ako, minamaltrato ako, eh wala naman ako ginagawang masama.

————After 5 months———

Parehas parin ang ginagawa sakin.

Habang naglalakad, inaasar. Pag-inasar, ititisod, mahahalikan ang sahig. Tapos ako naman iyak ng iyak....

Pagkatapos akong asarin at umiyak...
Nakaharap ako ngayon sa isang malaking salamin.

" Kaya pala ako inaasar eh. " sabi ko sa sarili ko sabay turo ko sa dalawa kong mata at sa aking buhok "sinumpa pa kasi itong mata ko at buhok.....ang pangit ko talaga.......dapat kasi inaalis ko ito sa buhay ko.....ang malas ko tuloy..."

Sinasabunutan ko na ang sarili kong buhok. Ito kasi ung may kasalanan eh. Kung kulay itim lang ito, pati ung mata ko dinamay pa.

"Sana 'di nalang ako nabuhay.....kung ganito rin ang mapapala ko..... Mas okay siguro kung mamatay nalang. Walang makaka-alala. Walang mang aasar saakin. Wala lahat. Kasi sa totoo lang, wala naman ako dito sa mundo eh......"

Matagal ko na itong kinimkim sa sarili ko. Wala naman ako kailangan pagkatiwalaan. Lahat sila sinasabi "Twilight, dito lang kami sa tabi mo. 'Di ka namin iiwan."  Pero lagi naman nila akong iniiwan.

If you want to make a promise
Make sure it'll become true,
But if you failed to do it
The person whom you made that promise will feel blue.

Twilight's EclipseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon