Dawn Htrae's Point of View
"Siya ung............."
Itutuloy ko pa ba? Baka magalit siya saakin....
Sabihin mo kay Blaze, para rin sa kaligtasan ni Twilight yun.
Sige, sasabihin ko na.
Nag-exhale muna ako bago tumuloy.
"Siya yung anak ng araw at ng gabi, ni Queen Sunshine at King Nightwind. Siya ang nawawalang anak......"
Blaze Flash Perez's Point Of View
"Siya yung anak ng araw at ng gabi, ni Queen Sunshine at King Nightwind. Siya ang nawawalang anak......" sabi ni Dawn.
Siya?!
Matagal ng pinatay ang anak nila......
Ng mga Nightwinders.
"Diba pinatay na siya ng mga Nightwinders? Bakit mo namang nasabing si Twilight yun? Imposible....." -Ako
"Noong nakita ko kasi siyang nawalan ng malay sa comfort room, may sugat ang kamay nya. Sa unang beses ng pagpatak ng dugo ng nawawalang anak ay mawawalan ito ng malay dahil unang beses niyang nagamit ang power niya na hindi niya alam..." -Dawn
Kung sabagay tama nga si Dawn....
"Eh paano kung si Twilight ay takot lang sa dugo at nawalan lang ng malay?" -Ako
"'Di ka talaga papatalo 'no? Habang wala siyang malay, tiningnan ko yung mga mata niya ng wala ako nito *sabay turo sa sunglasses*. Halos mabulag nga ako. Sa lahat ng makakakita ng mata ng nawawalang anak ay mabubulag sa sobrang lakas ng kapangyarihan nito." - Dawn
"Ano ng gagawin natin sa kanya? Alam mo namang kukunin siya ng mga Nightwinders at gagamitin laban saatin." -Ako
"Ilalayo natin siya kina Eve at Evan. Sasabihin natin kay Mrs. Lovegood na kailangan natin i-train si Twilight" determinadong sabi ni Dawn.
Si Mrs. Lovegood ay ang Principal dito sa school na ito. Siya rin ang nag-papadala ng mensahe ng mga ShiningSun, kami ni Dawn, papunta sa mga Nightwinders, si Eve at si Evan.
★*★*★*
"Hi Dawn at Blaze. May nangyari ba sa G.U. o may mensahe si Queen Sunshine?" masiglang bati saamin ni Mrs. Lovegood.
"Mrs. Lovegood, okay lang po ba na hindi kami pumasok nina Twilight ng ilang buwan?" -Dawn
"Bakit naman? May nangyari bang masama sa Queen at kailangan niyo pang magsama ng isang inosenteng estudyante sa digmaan" -Mrs. Lovegood
"Nakita na po namin ako nawawalang anak ni Queen Sunshine at King Nightwind kaya po kailangan namin siyang i-train." -Ako
"Sige payag na ako. Pede na kayong mag-simulang hindi pumasok ngayon." -Mrs. Lovegood
"Thank you po Mrs. Lovegood!! Bye!!" sabay naming sabi kay Mrs. Lovegood at lumabas na patungo sa Grade 7 classroom.
BINABASA MO ANG
Twilight's Eclipse
FantasyThis isn't about the real characters of the real movie, Twilight. This isn't about Bella and Edward. This is a story made up of both English and Filipino words. But it is most Filipino so you can be confused.......