Monday na naman, maaga akong gumising para hindi ako malate sa flag ceremony today.
Naligo, nagbihis, nag-almusal, nagpaalam kina Mama at Papa, sumakay sa motor at dumiretcho ng school.
Nakarating na ako sa school,pinark ko na yung motor ko at nagmadaling pumunta ng room para ilagay yung bag ko at naglakad mag-isa pababa, hindi parin kasi ako kinakausap ni Angelyn.
Natapos ang flag ceremony at pinagstay lahat ng 4th year students may iaanounce daw.
(Good Morning! Kaya ko kayo pinagstay dito ay dahil maglilinis kayo ngayon ng buong school ground, every sections ay may nakatokang part na lilinisin)
Monday na Monday, maglilinis agad? Sabi ko sa isip ko.
(Alam kong hindi niyo inasahan ang biglaang general cleaning ngayong araw, may darating kasi tayong mga bisita kaya obligado kayong maglinis)
Sino kaya yung bisitang darating?
Tanong sakin ng kaklase ko, nag-ewan expression lang ako sakanya, hindi ko din naman kasi kilala kung sinong buwisitang pupunta ngayon at wala akong pake kung sino pa man siya o sila.
(Nakalimutan ko palang sabihin kung sino-sinung artista ang pupunta ngayon sa school naten)
Artista? Pupunta? Sino kaya?
(Sina Steven Santillan at Rica Rodriguez ang bisita natin ngayon kaya umayos kayong lahat)
Pagkasabi ni Mr. Principal nagsitilian yung mga girls ng lahat ng sections, pero bakit ganun parang hindi ako naeexcite, kinakabahan ako ngayon!
(You may now proceed to your designated areas and start cleaning, by 9 am dapat tapos na kayo dahil 9:30 pupunta na sila dito. Is that clear?)
YES SIR!
Sa may gate at garden ang area namin, nagstart na akong magwalis, yung iba kong classmates nagchichikahan pa tatagal tayo niyan e! Magpeprepare pa ako oh!
Habang nagwawalis ako
"Bes"
Tinignan ko yung nagsalita at si Angelyn pala yun
"Uy bes, sorry na. Bati na tayo!"
"Galit ka pa ba sakin?"
"Galit ka pa nga, sige"
Hindi ako galit no? Wala lang ako sa mood ngayon, pero di nga bati na tayo?
"Oo nga"
Salamat naman
"Pupunta daw si my loves mo ngayon ah"
Shh. Wag mo lakasan yung boses mo mamaya may makarinig ng endearment namen e
"Hahah Oa mo, ikaw lang tumatawag sakanya nun no? Maka kayo ka naman"
Hehe ito naman
"Dapat magpaganda ka mamaya, narinig ko kanina sa may faculty na may pipiliin daw na isang girl para kantahan ni Steven"
Weh? Totoo?
"Oo nga kakasabi ko lang di ba? Sana ikaw yung makuha bes, naeexcite na ako, dapat mapansin ka niya para mabigay mo na yung tshirt na pinagawa mo kay ate max"
Buti nalang nasa motor ko pa yung tshirt na yun, chance ko na to para mabigay sakanya yun, naikwento ko rin dati kay angelyn na may pinagawa akong tshirt for us, parang pangcouple
[Tapos na ba kayo?]
Tanong samin ni Mam
YES MAM!
[Sige na pumanik na kayo sa taas, at magprepare na kayo ng sarili niyo]
Yung mga classmates kong babae nagsitakbuhan na papuntang room, magmamake up pa daw sila e
"Bes, magpony ka na lang para makita yung beautiful face mo, magpowder ka na rin a"
Siya na ang fashion expert haha, sinunod ko naman yung sinabi niya, itinali ko yung buhok ko at nagpulbos narin, bumaba narin ako dahil kukunin ko pa sa motor ko yung tshirt na ibibigay ko sakanya mamaya, nakita kong nagdedecorate na sa court yung iba naming teachers, pumunta na ako sa parking lot napansin kong may mga dumadating naring mga sasakyan kaya minadali ko ng kunin yung tshirt sa loob ng motor ko
Naglakad na ako, kinapa ko sa bulsa ko yung panyo ko
Ay naiwan ko pa dun.
Bumalik ako sa parking lot at nakita ko ngang nakapatong duon yung panyo ko, tumakbo na ako at kinuha yun
(Excuse me miss, saan banda dito yung principal's office)
Pagtatanong sakin ng magandang babaeng nakawhite
Sa may
(Pwede mo ba kaming samahan?)
Nagnod ako to say yes.
(Wait lang ah)
May kinausap siya sa phone niya
(Palabasin niyo na sila)
Utos niya duon sa kausap niya
Maya-maya lang may dumating na 10 tao.
Sila na ba yan? Oh!
Bakit ako pinagpapawisan ng ganito
(Sorry sa pag-iintay miss?)
Cristine po
(Cristine, so tara na)
Okay po
Naglakad na kami papuntang office hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa likuran kung nasaan sila
(Fan ka rin ba nila?)
Tanong sakin ni Maam na nakawhite
Nino po?
(Ng RiVen?)
Shocks! So sila nga talaga yun? Ilang inch lang yung agwat ko sa my loves ko.
Ah opo
(Heheh sabi na, kaya pala. Dahil sinamahan mo kami bibigyan kita ng chance para makapagpapicture sakanila mamaya after the event)
Talaga po?
(Yes, Cristine)
Oh hahah talaga? Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa, nakakahiya e
(Thanks Cristine, see you later)
Naglakad na ako pero tumingin ako muli sakanila, and this happen, hindi ako nagiilusyon. Pero tumingin siya sakin ramdam ko yun , tumingin siya saki bago siya pumasok sa loob.
Tumingin si My Loves sakin! Oh my gosh........
BINABASA MO ANG
❤Black Magic❤ (JaDine)
Teen Fiction◆Mag-ingat ka sa mga taong nakakasama ko malay mo isa pala sakanila ay may balak na Gayumahin ka ... ◆hahahha chill lang hindi po ito nakakatakot na story , love story po eto ^_^ ◆sit back and relax and enjoy reading