[I love you Cristine] ......
Then he kiss my right hand
I look at him with a big smile,
(I love you too)
Hinawakan niya ang mukha ko at unti -unti niyang nilalapit ang mala prinsipe niyang mukha sa akin at palapit na siya ng palapit
Palapit na
Ayan na
Eto na
Kring kring kring kring kring kring kring ...................
Bigla nalang siyang nagsalita ng kring kring tapos nanginginig yung bang parang nasasaniban ng masamang espiritu hinawakan ko ang magkabila niyang balikat at shinake .....
Ay grabe naman bat ang bigat naman ng balikat neto .....
Si MATCHETE ba itech???????
Ayuuuunnnnnnn nahulog lang naman sa mukha ko yung baso kong pinaginuman kagabe at yung alarm clock ko eh panu ba naman yung drawer ko pala yung inaalog ko kanina pagtingin ko 6:30 am na pala ay halalalalalalabels late na ako
Aray ko naman, tapos hinilot ko yung bukol sa noo ko
Dali-dali na akong bumangon sa higaan ko , inayos ko muna yung kama ko bago ako maligo ......
Okay fresh na, kinuha ko naren yung bag at palcase ko at bumaba na ako para kumaen ng breakfast
Nakita ko ang note na ginawa ni Mama na nadikit sa may refrigerator namen,
"Cris, nandyan sa lamesa yung breakfast mo
Kumaen ng marami okay, Love you Anak "Kinain ko na yung foods na niluto sakin ni Mama , sabay kasi sila lagi umalis ni Papa..
Natapos na akong kumaen at chineck ko na muna lahat ng doors namen kung nakalock naba pati gasolines , switches at iba pa.
Nakasakay ako ngayon sa customize motorcycle ko yung parang pang car racer, trip ko lang hehehe astigin tignan P.E naman ang first subject namen today so no worry,,,, nagtaka siguro kayo kung regular uniform ang suot ko today hahahha
Hindi kame sabay ni angelyn pagpumapasok kasi mas nauuna yun sakin sa School namen, malapit naren naman na ako,
Good morning -nakangiting bati saakin ni Manong Guard
Nagsmile back lang ako sakanya parang ganito ^____^
Pinark ko na yung motor ko at dumiretcho na sa room
Good morning bessy bati ko kay Angelyn
Hi bes, oh anyare diyan sa noo mo? Tanong niya sakin
Ah eto ba? Sabay touch saaking noo
Nanaginip kasi ako kanina na parang naposses si steven my loves tapos hinawakan ko siya at shinake shake yung balikat niya tapos ........ayun bigla nalang ako bumalik sa reality at nahulugan ako sa noo ng baso at alarm clock kaya etoHahaha hanggang sa panaginip siya parin eh parang nung nakaraang araw kakakita mulang sakanya di parin nagsawa bes sagot niya sakin
Ay nako, never ever akong magsasawa sakanya no! buti nga kahit sa panaginip man lang makasama ko siya mahawakan,makausap ano pa ba ....... ah makiss pageexplain ko sankya
Huhh weeeehhhh kiss hindi nga????with matching pandidilat ng mata
Abay ayaw talaga neto maniwala,,,, nagkiss naman na kame ah
KaninaAy hahahaha hindi pala natuloy
He he edi hindi na, magkikiss na kame dapat kaso ayun nga tumunog na yung alarm clock ko panghihinayang kong sagot
Hahah ayan dapat gayan , lilinawin mo
Ay Cris nga pala nakagawa ka na ba ng assignment naten sa math? AngelynAy sabay change topic, uhmmm ako pa ba????
Oo naman yes, gusto mo kumopya habang wala pang teacher bilisan mo lang huh at baka mahuli tayo tapos binigay ko sakanya yung notebook ko sa mathThanks Bessy, wait lang ah gawin ko na muna to tapos kumopya na siya
So habang wala pa akong ginagawa na stalk muna ako hahah
Pwede naman gumamit ng phone sa school pag walang teacher at break time, may free wifi nga dito sa school namen ang sosyal di ba? kaya ano pang hinihintay moLipat na sa T.M hahahhahahha joke lungs
Haw haw ...Bago po ako makalimot sa eksena hindi pa pala ako nagpapakilala ano po?
Ohayou! I'm Cristine Joy Pascual, 4th year na po ako at nag-aaral sa EastWest High School, solo lang po akong anak,yung parents ko is both busy sa kani-kanilang works kaya minsanan lang kaming magsabay2x kumaen sa breakfast man, lunch or dinner, pero never naman silang nakalimot sa obligasyon nila bilang parents ko
mayroon po akong bestfriend ang name niya ay Angelyn Vasquez same kami ng age at village na tinitirhan, supportive siya sakin pag dating sa aking My Loves, yup you heard it right sa aking pinakamamahal na si Steven Santillan ever since na nagsimula siyang mag-artista fan niya na ako as in die hard fan, die na die na lahat gagawin ko makita ko lang siya, makausap, mahawakan , sounds possesive right ???? Haha pero ayan ako eh ganyan ako pagdating sakanya, mahal na mahal ko talaga siya, siya yung dream guy ko sa aking wonderland, siya yung prince charming ko sa sariling kong castle.May mag offer lang saking kahit anong spell, love potions, kakanain ko na makuha ko lang yung attention niya ...
>>>>><<<<<
Oh bitin ba???
Haha thanks po pala sa nagbasa ng story ko kahit isang page palang siya ^_^
BINABASA MO ANG
❤Black Magic❤ (JaDine)
Novela Juvenil◆Mag-ingat ka sa mga taong nakakasama ko malay mo isa pala sakanila ay may balak na Gayumahin ka ... ◆hahahha chill lang hindi po ito nakakatakot na story , love story po eto ^_^ ◆sit back and relax and enjoy reading