Pauwi na si Rainina sa kanyang condo kasama pa rin sila elrick. Napagkasunduan kasi nila na samahan muna si Rainina.
Malapit na sila sa condo, Ngunit agad nilang napansin ang ambulansya sa harap ng building ng condo nya.
"Uy guys may ambulansya oh"turo ni janine
"Alam namin janine, hindi kami bulag!"mataray na sagot ni paula.
"Anu kayang nangyari?"tanong naman ni elrick
Ipinarada na ni Rainina ang sasakyan nya bago sila nagpunta sa mga kupol ng tao na malapit sa ambulansya.
"Ano pong nanyare?"tanong nya sa mga nasa bandang unahan nila.
"Ay nako ineng! May naaksidente doon sa fire exit!"sabi nang babae. Sa hindi maipaliwanag na dahilan nakaramdam ng matinding pangingilabot si Rainina
"Panung aksidente po ang nangyari?"tanong ni elrick na nasa likuran ni Rainina
"Ang sabi eh. Inatake daw sa puso habang pababa,"sabi ng babae
"Ah ganoon po ba!? Sige salamat po."sabi ni Elrick sa babae at humarap kay Rainina..."Ulan tara na,"sabi nito sa hinawakan ang kamay ni Rainina, kaya naman naglakad na sya. Ngunit bago sya tuluyang maka-alis nahagip nang kanyang paningin ang isang babaeng nakaitim.
Nakatingin lang si Rainina sa babaeng nakita nya ngunit hindi nya maaninaw ang mukha nito. Ito ang babaeng nakita ni Rainina sa Fire exit kaninang umaga.
"Rain ano ba tinitingnan mo?"tanong ni paula, napansin kasi nyang ang layo nang tingin nang kaibigan.
"Ha!?"napatingin si Rainina kay paula. "Ah yung ba--"hindi na natuloy ni Rainina ang sasabihin nya dahil pagtingin nya muli sa kinaroroonan nang babae ay wala na ito.
"Ahm wala."sagot nalang muli ni Rainina.
***
Ilang araw na ang lumipas matapos may aksidente sa fire exit. Wala namang kakaibang nangyare kay Rainina, kasalukayan syang nasa isang supermarket na nasa lobby lang ng kanilang building.
Matapos mamili ni Rainina ay naglakad na sya patungo sa palabas ng supermarket, marami-rami din pinamili si Rainina. Habang naglalakad patungo sa elevator si Rainina ay nakasalubong nya si Glen.