"Kuya pakibaba nalang dyan!"utos ni Rainina sa lalakeng nagbubuhat ng mga gamit nya. Kalilipat lang ni Rainina sa kanyang Condo na regalo ng daddy nya.
"Ulan san ko ilalagay tong ibang gamit mo?" Tanong ni elrick, ang bestfriend ni Rainina
"Tigilan mo nga ang pagtawag mo ng ulan sa akin, dalhin mo na yan sa kwarto ko."utos ni Rainina
"Sa kwarto mo?"tanong nito tapos ngumiti ng nakakaloko."tara binyagan natin ang kwarto mo."sabi nito, agad namang binatukan ni Rainina si elrick
"Ang manyak mo!"sigaw ni Rainina
"Aray naman! Ikaw binibiro ka lang."sabi ni elrick sa naglakad patungo sa kwarto ni Rainina
"Pwes wag mo kong binibiro ng ganun"malakas na sabi ni Rainina."baka kasi totohanin ko..."bulong ni Rainina, matagal na siyang may lihim na pagtingin kay elrick ngunit hindi nya masabi dahil natatakot sya na baka wala namang nararamdaman si elrick sa kanya, at ayaw nyang masayang ang pagkakaibigan nila.
"Ha? Anu yun hindi ko narinig ang huli mong sinabi?"tanong ni Elrick
"Wala. Nasaan na nga pala si Paula at janine?"tanong ni Rainina, kanina kasi kasama nya pa ang mga ito na nag-aayos ng gamit nya.
"Lumabas lang saglit para bumili ng pagkain natin."sabi ni Elrick habang papalapit kay Rainina." Paanu yan Ulan independent ka na, kaya mo ba?"nag-aalalang tanong ni Elrick
"Oo naman, yakang-yaka yan!"nakangiting sabi nya, habang patungo sa pinto ng condo nya, dumungaw muna si Rainina sa labas bago tuluyang isarado ang pinto. Nakita nya ang isang lalake sa tapat ng katabi nyang unit, napalingod din ang lalake kay Rainina.
"New neighbor huh?"sabi ng lalake at lumapit sa kanya, napansin naman ni Rainina na hinagod sya ng tingin ng lalake mula ulo hanggang paa saka ngumiti..."im Glen, your boy next door"nakangiting sabi nito
"Ahm yeah... Rainina."pakilala nya, tiningnan nya si Glen, matangkad ito, gwapo, mukhang mayaman din, at halatang fit ang katawan, nakafitted shirt kasi ito ng black. Kaya lang iba ang pakiramdam nya kay Glen, parang may something sa kanya.
"Ulan sino kausap mo dyan?"biglang sulpot ni Elrick sa tabi ni Rainina at napakunot ang noo nito ng makita si Glen.
"Ahm Elrick, this is Glen sya yung nakatira sa katabi ng unit ko. Glen this is Elrick bestfriend ko."sabi ni Rainina, bigla naman naglean forwand si Glen kay Rainina.
