UNANG UNA PASENSYA NA KUNG NATAGAL HEHE, NAGING BUSY KASI KO SA MY CRAZY GIRL KO, READ NYO DIN PLEASE?
BABALA: MALAWAK NA PANG-UNAWA AY KAILANGAN, MAY MGA MASESELANG AT MADUGONG PANGYAYARI (nakalimutan ko yung unang babala ko kaya bago na hehe xD)
---
Naiwan si Elrick na nakatayo sa tapat ng elevator. Hindi maganda ang kutob nya sa mga sinabi ni Glen.
Nagtungo na sya sa yunit ni Rainina.
"Oh anong ginagawa mo dito?"mataray na salubong ni Rainina ng pagbuksan nya ng pinto si Elrick.
"Mabuti naman ako."sabi ni elrick sabay pasok sa yunit ni Rainina.
"Wow lang ang lapit ng sagot mo."sabi ni Rainina ng isarado ang pinto.
"Ulan kain tayo sa labas"pag-aaya ni elrick.
"Huh? bakit may ano?"tanong ni Rainina.
"Ahm wala naman."sabi nya
"Wala naman pala e. Dito nalang tutal naman nakapagluto na ko."sabi ni Rainina at nagtungo na sila sa kusina.
Nagtataka si Rainina dahil napakatamik ni elrick habang kumakain sila.
"Sabihin mo na."sabi ni Rainina
"H-ha?"tanong ni Elrick.
"Masyado kang tahimik, ibig sabihin nyan may hindi ka masabi sakin."sabi ni Rainina
"Kilalang kilala mo na talaga ko noh?"nakangiting tanong ni Elrick
"Oo naman, kilala na kita, bestfriend kita since high school pa tayo at nagtataka nga kung paano ko tumagal sa ugali mo haha"natatawang sabi ni Rainina.
"Ulan paano kung sabihin ko sayong ayaw na kitang maging bestfriend?"seryosong tanong ni Elrick, natahimik naman si Rainina at napakunot ang noo sa sinabi ni Elrick.
"Anong ibig mong sabihin.?"tanong ni Rainina
"Mahal kita."sabi ni Elrick
Nais sanang magwala ni Rainina sa sobrang tuwa dahil mahal sya ni Elrick ngunit, agad pumasok sa isip nya na baka iba ang ibig sabihin nito.
"Ahm alam ko."sabi ni Rainina
"Alam mo?"tanong ni Elrick
"O-oo naman, alam ko namang mahal mo ko syempre bestfriend mo ko eh."sabi ni Rainina, napabuntong hininga si Elrick.
"Hindi yun ang ibig kong sabihin ulan. Mahal kita higit pa bilang bestfriend."sabi ni elrick habang diretsong nakatingin sa mata ni Rainina
"Seryoso?"tanong ni Rainina sa pag-aakalang ginugood time lang sya ni Elrick.
"Mukha ba kong nagbibiro?" Medyo inis na tanong ni Elrick. Umiling si Rainina
"Paki-ulit yung sinabi mo."sabi ni Rainina
"Mahal kita."sabi Elrick
"Paki-ulit nga ulit."sabi ni Rainina, tumayo na si Elrick at lumapit kay Rainina at hinawakan ito sa kamay.
"Mahal kita ulan. Matagal ko nang nararamdaman to pero natakot akong baka hindi mo ko mahal. Para kang bagyo sa utak ko, ulan ng ulan, kaya nang bumaha tinangay mo ang puso ko."nakangiting sabi ni Elrick
"So pwede bang manligaw?"tanong ni Elrick, hindi agad nakareact si Rainina sa mga sinabi elrick.
'Nananaginip ba ko?'tanong ni Rainina sa isip nya
Nang makarecover sa pagkabigla si Rainina ay agad nitong tiningnan ng diretso sa mata si Elrick.
"Hindi."sabi ni Rainina, agad nawala ang ngiti sa mukha ni elrick dahil sa sagot ni Rainina.
