PASENSYA NA KUNG NATAGALAN.
BABALA: MAY MGA MASESELANG EKSENA MALAWAK NA PANG-UNAWA AY KAILANGAN..
**
Agad napalingon si Rainina sa pinto. Hahakbang sana sya patungo sa pinto, ngunit napatigil sya at nakaramdam ng kaba nang may marinig syang humahakbang.
Dahan dahang nilingon ni Rainina ang naririnig nyan humahakbang.
Nakahinga nang maluwag si Rainina nang makita ang isang babaeng nakaitim na naglalakad, nakayuko ito kaya hindi pa makita ni Rainina ang mukha ng babae,ngunit nanlaki ang mata ni Rainina nang iangat ng babae ang mukha nito. Parang napako sa kinatatayuan nya si Rainina at hindi sya makagalaw. Nakaramdam sya nang matinding takot habang tinitingnan ang mukha ng babae na dahan-dahan paakyat patungo sa kanya.
Ang mukha nito ay may mga bahid ng dugo, ang kulay ng mukha nito ay maputla at ang mga mata nito ay purong itim.
Huminga ng malalim si Rainina upang ipunin lahat ng lakas upang makahakbang paalis sa kinalalagyan nya at pumunta sa pinto.
Nung una hindi maigalaw ni Rainina ang kanyang mga binti,parang may kung anung nakapatong sa mga ito. Ilang saglit lang ay nagawa nang maigalaw ni Rainina ang kanyang mga binti, dali dali sya naglakad patungo sa pinto.
Ngunit laking dismaya ni Rainina nang kahit anung tulak ang gawin nya sa pinto ay ayaw nitong bumukas, nagsimula nang pumatak ang luha nya dahil sa takot na nadarama.
"Tulong..." sabi nya, habang patuloy ang maglakas ng yabag na kanyang nadirinig.
"Tu-- long!"humikhikbing sabi nya habang patuloy ang patulak sa pinto. Ngunit ang hindi alam ni Rainina ay halos nasa likod na nya ang babae.
Natigilan sa pagtulak si Rainina nang biglang mawala ang nadirinig nya yabag, kaya lumingon sya sa likuran nya.
Napasinghap sa gulat si Rainina nang makita ang babae na nasa harapan na nya. Humakbang paurong si Rainina para makalayo sa babae ngunit halos hindi sya naalis sa kinatatayuan dahil nakasandal na sya nang pinto ng Fire exit
Nanlaki ang mata ni Rainina nang biglang hawakan ng babae ang kanyang leeg. Agad nyang hinawakan ang kamay nito upang tanggalin ang pagkakahawak sa kanyang leeg.
Nakaramdam ng matinding kilabot ang katawan ni Rainina ng hawakan nya ang babae, napakalamig nito.
Napapikit si Rainina.
(~Huhuhu tulong!~)
Napadilat si Rainina. Nang pumikit kasi sya imbis na kadiliman ang makita nya, ay may nakita syang babaeng umiiyak habang nasa loob ng parang isang unit din.
Muling napapikit si Rainina dahil diniinan nang babae ang pagkakahawak sa leeg nya.
(Muling lumabas ang imahe ng babaeng umiiyak.
*bhags!*
*bhags!*
Isang imahe naman ng pinto ang makita nya habang parang may kumakalampag nito mula sa labas hanggang sa maya maya lang ay bumukas na ito at niluwa ang isang matipunong lalake na nakasandong black. Hindi makita ni Rainina ang mukha ng lalake dahil sa dilim ng paligid , pero kita nya na may tattoo ito sa gawing kanang bahagi ng balikat. Isang scorpion.)
Muling dumilat si Rainina, sumalubong sa kanya ang mukha ng babaeng humahawak sa kanyang leeg. Patuloy parin ang pagtulo ng luha ni Rainina, muli syang napapikit.
(Palapit na ang lalake sa babaeng umiiyak, umurong naman ang babae, parang takot na takot sa sa lalakeng nasa harap nya. Tumayo ang babae at dali daling tumakbo patungo sa pinto, pero hindi pa sya nakakalayo ay inabutan sya ng lalake at kinulong sa bisig nya ang babae