Lumipas na ang dalawang linggo simula nang may nanyaring kababalaghan sa Fire exit.
Walang pinagsabihan si Rainina ng mga nangyari, hindi nya alam pero parang may nag-uudyok sa kanya na huwag sabihin kahit kanino ang nangyari. Lagi lang nagkukulong si Rainina sa unit nya at hindi pumapasok sa trabaho.
Sa unang linggo laging binabantayan ni Elrick si Rainina, minsan ay doon na din ito natutulog, minsan ay tinatanong pa rin ni elrick si Rainina tungkol sa nangyari pero wala syang nakukuhang sagot mula kay Rainina, lagi itong tulala.
Kasalukuyang nasa kusina si Rainina nang may biglang nagdoorbell kaya agad nya itong pinagbuksan.
"Oh? elrick okay ka lang? Namumutla ka?"salubong ni Rainina kay elrick pagpasok nito. Tumango lang si elrick bilang sagot.
"*cough* Kumain ka na ba?"tanong ni elrick.
"Hindi pa, magluluto palang ako.. okay ka lang ba talaga?"tanong muli ni Rainina akmang sasalatin ang noo ni elrick ngunit umiwas ito.
"Ok lang ako. Sige magluto ka na. Damay mo na din ako."utos nya,
Agad namang tumayo si Rainina at naghanda ng pagkain. Pagkatapos nyang magluto ay pumunta muli sya sa sala kung saan naroroon si Elrick. Nadatnan nya si elrick na natutulog sa sofa. Lumapit sya dito at pinagmasdan ang mukha nito.
Habang pinagmamasdan ni Rainina si Elrick ay naramdam sya ng panlalamig sa buong katawan. Pakiramdam nya ay may nakatingin sa kanya. Bigla namang napalingon si Rainina sa kanyang gilid, para kasing may dumaan doon. Napalingon naman sya sa kabilang side ng may maramdaman sya hangin.
Humarap si Rainina at tiningnan ang paligid ng unit nya. Pakiramdam kasi nya ay may iba silang kasama. Katahimikan ang tanging bumabalot sa buong unit ni Rainina.
Napasinghap si Rainina nang may biglang humawak sa kanyang balikat.
"U...lan..."sabi ng kamumulat lamang na si Elrick
"G-gising ka na pala. T-tara kain na tayo."sabi ni Rainina at dali daling tumayo. Kinabahan kasi sya, akala nya ay kung anu na ang humawak sa balikat nya.
"Okay ka lang?"tanong ni elrick habang nag-iinat
"Oo"sabi ni Rainina at pumunta sa dining table, agad sumunod si Elrick at kumain na sila.
"Ulan, ako na maghuhugas. Aalis na din ako pagkatapos"sabi ni Elrick at sinimulang magligpit ng kinainan nila, tumango lang si Rainina.
"Ulan alis na ko."paalam ni elrick, tumayo naman si Rainina upang ihatid si elrick kahit hanggang sa may pinto lang.
"Ingat ka ha."sabi ni Rainina na ibebeso sana si elrick ngunit bigla itong humarap kaya nahalikan nya ito sa labi. Pareho silang nagulat sa nangyari.
"S-sorry ulan."nahihiyang sabi ni elrick.
"O-okay lang yun."sabi ni Rainina, kitang kita ang pamumula nito..."sige alis ka na!"taboy ni Rainina
Lingid sa kalaman ng dalawa ay kanina na pa may nagmamasid sa kanina. Pinagmamasdan si Rainina at elrick na puno ng inis.
Maya-maya lang ay umalis na si elrick. Tiningnan lang ni rainina si elrick habang paalis ito. Nang mawala na ito sa paningin nya ay papasok na sana sya ngunit natigil sya nang mapansing may natingin sa kanya. Nginitian nya ito, gumanti din naman ito ng ngiti at pumasok sa unit na katabi ng unit nya.
**Kinabukasan
Nasa sala si Rainina at nanonood lamang ng t.v, ito ang kanyang naging libangan nung mga panahong hindi sya pumapasok sa trabaho. Pagabi na ng oras na yun, kaya naisipan na nyang magluto ng hapunan. Ngunit patungo palang sya sa kusina ay biglang syang napahinto. Biglang nagpatay sindi ang mga ilaw sa kanyang unit. Nakaramdam ng panlalamig at pangingilabot ang kanyang buong katawan ng may malamig na hangin ang dumaan. Laking pagtataka nya dahil hindi naman ganun kalakas ang aircon nya at sarado din ang mga bintana.