Final Chapter

518 12 0
                                    


"BAKIT MO kami pinatawag?" iyon ang saad ni Francis kay Nathan ng sabay-sabay na pumasok ang mga ito sa coffee shop na pinag-usapan nila

"Kailangan ko ng tulong niyo" daretsong saad na rin niya sa tatlong kaibigan ni Shay kasama na sa mga minamahal nito

"Para saan?" si Abby

"Wala na kong maisip na pwedeng paraan para matapos na ang lahat ng ito. Tulungan niyo ko"

"Dude, kung tungkol ito kay Shirley, we are sorry. We already promised her na ilalayo namin siya sa'yo" pagtitibay ni Aya sa harap niyang ikinabuntong hininga ni Abby at Katie

"You know how much our bestfriend loves you pero this time, it is time for us to protect her. You can't have her for the sake na takot kang mawala siya" saad naman ni Abby

"I am really scared of losing her" saad niyang for the first time ay nagawa na rin niyang verbally na sabihin sa ibang tao

"We know but it's not enough to sustain a relationship, Nathan" saad naman ni Katie sa kanya

Sa puntong iyon ay hindi na lamang niya mapigilang mapapigit ng mariin. He got to claim her back. He got to do something.

"Let's s just do this man to man, Nat"

Sa puntong iyon ay nagawa ng magsalita ni Rei . Ngumiti na rin naman sa kanya ang magpinsan na naging dahilan para balingan niya muli ang mga ito.

"The girls are just trying to protect Shirley na masaktan lalo. But you on the other hand, we know na nasasaktan ka rin. The reason we are here is for that very purpose as well" saad naman ni Warren

"But the main point here is not your pain but for you to do something in order to claim her back, tama ba?" pagtatanong naman ni Francis na ikinatango niya

"Then just answer this simple question for us. Mahal mo ba si Shirley?"

"More so, gusto mo siyang pakasalan dahil ngayon mo lang narealize kung ano talaga siya sa buhay mo?"

Sa tanong nga mga kaibigan niya na iyon ay siya na rin matibay na sumagot. With all sincerity, with all the things na bumabagabag sa kanya. Isinugal na niya for that one question. The path is not easy to take after all the years na nakasama niya si Shay but all the while, it is just that simple.

Sa naging sagot niya ay kusa na ring ngumiti ang mga ito. Maski ang mga babaeng kasama nito ay tumango na rin sa kanya.

Gagawin niya kung ano ang kinakailangan. Ito na lamang ang huling alas niya para mapatunayan niya ang dapat na matagal na niyang napatunayan. Ngayon naiintindihan na niya ang lahat. Hindi na siya papayag na may makasira pa roon. Susugal na rin siya kung kinakailangan.

NAKATULALA NA lamang si Shirley sa kawalan. Pakiramdam niya wala na siyang mailalabas na luha pa. Namamanhid na siya sa sakit at sa magdamag na kakaiyak. Hindi na niya namalayang umaga na pala. Tiningnan niya ang orasan sa tabi ng higaan niya, alas-kwatro na ng umaga. Alas-kwatro na ng araw niya.

"Happy birthday to me" iyon ang pilit na ngiting bati niya sa sarili niya

Kasabay ng pagbati niyang iyon ay napansin niya ang isang maliit na sobre na nasa tabi ng orasan niya. Ngayon lamang niya napansin iyon sa kanina pa niyang pagdadrama. Kaya naman umayos na siya ng pagkakaupo binuksan ang ilaw para mabasa ito. "... nga pala may dinalang sulat iyong tauhan mo sa restaurant, nailagay ko na sa kwarto mo" marahil ito ang tinutukoy ni Nanay Melda niya na sulat noon. Sa ilang araw na namomoblema siya ay hindi na niya nagawa pang basahin ang laman noon. Wala ring nakalagay sa labas kung kanino galing ang sulat ngunit nang buksan niya at simulang basahin ito ay doon lamang niya naintindihan ang lahat.

She Will Be LovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon