Chapter Eleven

328 8 0
                                    

MAKA-ILANG ULIT nang nagri-ring ang phone ni Shirley pero hindi pa rin niya magawang sagutin iyon. Ito na ang pangwalong araw na pinipilit siyang kausapin ni Railey pero hindi pa rin niya alam kung paano pakikiharapan ito.

"Hindi mo man lang ba balak sagutin iyang phone mo?" wika sa kanya ng isang pamilyar na boses kasunod ng sunod-sunod na yabag nito papasok sa kanyang opisina

"Girls..." wika niyang hindi rin malaman kung paano pakikiharapan ito

"Huwag mong sabihin na pagtataguan mo pa rin kami ngayong nandito na kami sa harapan mo? Awat na Shirley, para namang hindi mo kami kaibigan niyan" nagtatampong saad naman ni Abby sa kanya

"I'm sorry" iyon lamang ang tanging naging saad niya sa mga ito

Maya-maya pa ay lumapit ang mga ito at niyakap siya. Alam niyang namiss siya ng mga ito.

"Shhh...hindi kami nandito para palungkutin ka. Tama na o, isang linggo nalang magbi-birthday ka na. Mas mahalaga iyon kaysa sa kahit anong nangyari sa'yo" saad naman ni Katie na siyang nakapagpangiti sa kanya

"Kami bahalang magpasaya sa'yo. Hindi ba't sinabi namin sa'yo na kahit anong mangyari hindi ka namin pababayaan? Hindi mo naman kailangang magkwento agad. Masaya na kami basta alam naming umookay ka na at nakikita naming nakakatawa ka na. Basta kapag ready ka nang pag-usapan, doon mo nalang sabihin sa'min" wika naman ni Aya na puno ang pag-iintindi sa sitwasyon niya

"Thank you. Thank you so much.." pagyakap na rin niya sa mga ito

Nang matapos ang madramang moment nilang iyon ay ibinigay na ni Aya ang telepono niya na panandaliang ipinagtaka niya. May gusto kasi itong patawagan sa kanya.

"Mabuti siguro kung kakausapin mo si Railey. Wala siya noong may nangyari sa'yo at siguradong nag-alala na iyon dahil hindi mo siya kinakausap sa hindi malamang kadahilanan. Isa pa, may ibabalita sa'yo iyan na ikatutuwa mo" nakasmile nang saad nitong ikinangiti na rin niya

Sa isang iglap nga ay siya na ang dumadial ng number nito para makausap ang binata. Hindi naman niya maiwasang mapangiti sa klase ng pagsagot nito.

"Hello Shirley! Shirley! Nasaan ka ngayon? Anong nangyari sa'yo?" iyon ang sunod-sunod na tanong sa kanya ni Railey na ikinangiti niya

Natutuwa siyang nag-aalala ito sa kanya despite the fact na hindi niya nagawa ang plano nila.

"Teka, Isa-isa lang"

"First of all, gusto kong mag-sorry sa'yo sa hindi ko pagtupad sa mga plano natin. I'm sorry Railey! Hanggang doon na lang talaga ako e, kapag sumobra pa doon, hindi na kakayanin ng puso ko. Sana maintindihan mo" nagsusumamong wika niya sa binata na nasa kabilang linya

"Ayan ba ang dahilan kung bakit hindi mo man lang magawang sagutin ang mga tawag ko? Ano ka ba naman, ako nga dapat mag-sorry sa'yo dahil nakielam na ko pero wala pa ring nangyari. And I deeply apologize for putting you all through this" wika naman nitong sobra ring humihingi ng tawad sa pinagdadaanan niya

"No, okay lang. Sabi nga nila, hindi ka matututo sa pag-ibig kung hindi mo magagawang masaktan. Thank you na kahit papano nakarating ako sa puntong ito, lesson learned na rin di'ba?"

"Pasensya ka na talaga at salamat"

"Wala iyon, oh well, tapusin na natin ang dramang ito. Ano na nga bang nangyari sa'yo?" interesanteng tanong na rin niya base sa sinabi ni Aya kanina

"Hindi ka makakapaniwala" ramdam niya ang ngiti-ngiting saad nito

"Sabihin mo na, nang mapaniwalaan ko" natatawa naman niyang saad rito

She Will Be LovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon