Chapter Six

346 7 0
                                    


HULING PAPELES na lamang ang tinitingnan niya. Ito ay kasalukuyang condominiums na pinapatayo ng kompanya nila sa may Pasig at Cebu. Sumasakit na talaga ang ulo niya. Isaulo ba naman niya ang lahat ng bagay sa loob lamang ng tatlumpung minuto.

"Ma'm, nasa board room na po ang lahat ng members. Pinapatawag na po kayo ni Sir Florentino"

"Sige, salamat. Susunod na ko"

Huminga na siya nang malalim. Step one, do not smile. Step two, be confident and three always be prepared. Kakayanin niya iyon! Fighting!

Nang pumasok siya sa loob ng board room ay nabingi siya sa katahimikan ng mga naroon. Kumakabog rin ang dibdib niya pero lakasan lang ng loob ito. Nandito na siya, hindi na siya pwedeng magback-out pa.

"Everyone, I would like you to meet my daughter and the next heir of Florentino Land, Shirley Florentino" pagpapakilala ng kanyang ama niya sa kanya

"How old are you Iha?" paunang tanong ng isang matandang lalaki sa kanya

"I'm turning 27 in two months, Sir"

"What did you finish in college?"

"I am a major in Business Administration and graduated as a Suma Cumlaude, I've also finished my MBA more than a year ago"

"Do you particularly know this business, Iha? I think, you're too young to handle the whole company" saad naman ng isang seryosong lalaki na sinang-ayunan lang ng lahat

Kagaya nga ng sinabi ni Rei kanina. Hindi siya tinutulungan ng ama, nakamasid lamang ito sa kanya at hinayaang kuyugin siya ng mga taong nasa paligid niya. There was nothing to expect from her father anyway. After all, ito ang nagsuong sa kanya sa sitwasyon na iyon.

"I am confident enough to say that I can handle this company. I may be too young for your eyes but please don't underestimate the power of my knowledge. I have been managing my own restaurant for more than three years now. If that alone can't impress you then I have to say all the things I know about this business..." taas noo na niyang pahayag sa mga taong kausap

Hindi niya alam pero inisip niya na nagde-defense lamang ulit siya sa school sa bawat tanong tungkol sa negosyo na binibitaw ng mga ito sa kanya. Taas-noo niyang nasasagot ang lahat at seryosong idinedetalye niya sa mga ito ang nalalaman. Hindi niya alam kung paano at nang pagkatapos lamang ng isa't kahalating oras na pag-uusap nila ay nagawa na niyang pangitiin ang mga ito.

"You really have a beautiful and intelligent daughter, Mr. Florentino" bati ng isang nasa mid-30s na babae sa kanyang ama

"Of course, she got her looks from her mom and got her business knowledge to no other than I, myself" pagyayabang naman nito na ikinatuwa ng mga kasama sa loob ng board room

"I can say that I'm impressed, Iha. You have the knowledge but continue your training and by then we'll test your skills"

"Thank you Sir!"

"So paano? I guess this is the end of our meeting today. Thank you for coming" saad naman ng kanyang ama sa lahat ng board habang isa-isa na itong nag-aalisan at kumakamay sa kanya.

"You did really well anak! I'm so proud of you! Maybe you can really manage both but the skills, okay? You still have to impressed them with it" pagtapik naman ng kanyang ama sa kanya

"Thanks Daddy! I will"

Nang makalabas na ito ay hindi siya makapaniwala. Hindi pa rin siya makahinga ng ayos pero she really did it. Nagawa niyang pangitiin at mapa-oo ang board. She really did it.

"YYEEEEESSSSSSSSS!!!!!!" sigaw niya mag-isa sa malawak na board room ng kompanya nila

Wala siyang tigil kakatalon sa tuwa at sa kapapasalamat kay Lord na gumabay sa kanya. She really did it! Hoooraaaay!

She Will Be LovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon